Chancer - "Persneym"

885 26 2
                                    


"Fafa Raps??!!" napapangiwi niyang pangungumpirma sa sinabi ko.

Narinig niya? Oh my. Good luck to me.

Ngumiti ako at umiling.  "Ah, never mind that. Mag-eexplain ako. Nagugulat lang siya. Hindi talaga kami. Yung nakita mo kanina, hindi ako nasarapan." Biglang nagflashback sakin ang pinagsaluhan naming halik ni ateng gurl kanina. Napailing na naman ako. "Well sabihin na nating oo pero di ko siya gusto. Over my dead bodeeeh.." Kasi ikaw ang crush ko. Pero syempre hindi ko na iyon sinabi.

"Pinaglololoko mo ba ko??!!" Nagulat na lang ako ng hinaklit niya ang kwelyo ko kaya para akong ingredient sa ginisa na naghihintay lang ihulog sa kawali. Kaso sahig ang babagsakan ko. "Makinig ka! Wala pang lalaking hindi naakit sa ganda ni Jelai." Jelai pala ang name ni ating gurl na kissing monster.

"Meron. Ako." Nag-angat pa ko ng kamay para i-emphasize ang sinsabi ko. Muntik niya na kong mabitawan pero hinila niya pa ko lalo at nakipag-glaring contest siya sakin, pero oggling contest lang ang kaya kong gawin. Ang gwafoh! "Ahm... Mas gwapo ka pala sa malapitan hihihi.."

"Gago ka ah. Sinulot mo na nga yung babaeng gusto kong balikan, tataluhin mo pa ko." Binitawan niya ko at biglang sinipa sa di nasisikatan ng araw. "Wag mong kakalimutan na may itlog ka rin."

"Ouch!!! Ughh~" Syempre pademure pa rin ako kahit nasaktan. I can't waste this chance. "May isasuggest lang naman ako. Diba like mo sya? Pwede kitang tulungan." 

"At pano naman?"

"Ummm lapit ka."

"Ayoko. Tsansing ka lang eh."

"Edi wag. Hmp." Napa-pout tuloy ako.

Ginulat na naman niya ko ng bigla siyang lumapit sakin.

Kaya di ko napigilang pakawalan ang aking precious crescent wide eye smile. "Hihi."

"Bilisan mo kundi tatamaan ka sakin." Kung alam nya lang na matagal na kong timamaan hihi.

"Eto na nga!"

"Aray! Akala ko ba bulong?" Lumayo siya ng kaunti.

"Ay sorry. Lapit ka na ulit dito." Sinunod niya naman. Bumulong ako gamit ang makamandag kong husky voice.

Matapos kong sabihin ang idea ko sa kanya ay lumayo agad siya. "Kadiri ka pre, pero gusto ko yung sinabi mo." Kumindat siya. Hindi ko alam kung nagkataon lang o genuine. Pero sigurado ko sa nakita ko. Kumindat siya. "Sama ka mamaya ah, para sa surprise bukas."

Weh? Di nga!? Inaalok niya ba ko ng date? Wag assuming, Chance! Para lang yun sa surprise bukas kay Jelai. Tutulong ka lang.

"Ano? Sama ka o hindi?" Tanong ulit ni crush.

"S-Sige Ron!!"

"Wow, first name basis agad? Pfft." Oh no! Ayaw niya ba ng mabilis? "Oh bakit parang maiiyak ka na dyan? Sige lang. Basta bukas dapat maaga ka rin dun." Hala? Okay lang na tawagin ko siya ng ganun? "May sasabihin ka pa?"

Ano pa bang masasabi ko? Nasabi ko na sa kanya yung idea ko. Kung tutuusin di ko dapat sinabi yun kasi para naman iyon sa gusto niyang chix. Tapos sasama pa ko para ihanda yun. Parang sobra na nga. Gusto ko lang naman mapalapit sa kanya. "Ang totoo... Pwedeng wag na lang akong pumunta bukas?"

"Eh sinong papaayusin mo ng diskarte dun sa lugar? Ikaw ang nakaisip kaya ikaw ang gumawa." Ganun? Nagagalit na agad siya.. Baka lalong maging imposible ang possibility na magkalapit kami kung di ako papayag...

"Sige na nga. Basta ikaw crush.." Mahina lang ang pakakasabi ko nung huli.

"Ano?"

"Wala wala."

"Okay." Sumakay na siya sa motor niya at tumalilis. Hit and run. Pakakuha ng idea, wala man lang hatid o pakain. Hay.

BADIDUNGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon