"Gee, I even drove you to fetch those drunkards pero nakalimutan mo kong ihatid sa airport o tawagan man lang ako bago yung flight ko?"
"Eh hindi ka naman natuloy ah."
"And whose fault is it silly?"
"Kanino ba?"
"Sino ba ang pumuyat sakin kaya di ako nagising ng maaga para sa flight?"
"At least fair na tayo, di ka pa rin makakaapak sa land of my oppas."
"Pambihira."
Nakikinig lang si Mike sa usapan namin ng bigla siyang mapansin at ngitian ni Ninian. Tae, wag ganyan Ninian. Akin ka lang.
"Will you be my date to prom?" biglang lumabas sa bibig ko kasi wala akong ibang gustong ilabas kundi siya.
"Ah, sige, usap lang kayo dyan. Dun muna ko kanila Marxia at Nowlard." As if on cue, nakisali muna si Mike sa usapan nung dalawa para bigyan kami ng time na makapag-usap ni Ninian. Salamat naman. Pfft.
"Ganun mo ko tatanungin?" sagot ni Ninian sa tanong ko kanina, unimpressed. "Yung ibang mga babae nga nakakatanggap ng flowers, jewelry at creative proposals."
Tumawa ako. Si Ninian talaga. Laging blunt at sarcastic. Pabiro akong lumuhod at hinubad ang singsing na lagi kong suot: gold na may infinity symbol. Inoffer ko yun sa kanya. "Ninian, will you go to prom with me?"
"Duh," sagot niya, nakangiti habang kinukuha ang singsing. Ilang taon ko ng suot yun, but it didn't bother me at all to see her slip it on instead. I felt proud, na parang idinedeklara niya ang pagkakaibigan namin sa lahat. Kaso mas gusto ko sana kung higit pa dun.
"Dapat palitan na natin ang Facebook status natin ng 'married' ngayong binigyan na kita ng singsing," biro ko. Tumawa siya at umiling.
Alam ko naman na imposibleng gawin niya yun pero nagulat ako ng kunin niya ang phone niya at kinalikot yun tapos sinabi niya na tingnan ko raw ang notifications ko sa Facebook at parang nagstop ang mundo ko ng makita ko ang married relationship status request niya.
Dahil dun hindi ko magawang di ngumiti sa buong araw. Wala na kong pake kahit dumating na yung teacher namin na nagdiscuss, nagpasurprise quiz, at napagalitan si Ron kasi wala siya sa sarili.
Inspired ako kahit sa quiz dahil sa ginawa ni Ninian. Sobrang natutuwa ako na pumayag siya. Kasi siya yun eh. Medyo nainis lang ako nung binigyan ni Ninian ng papel si Ron pero di dahil kay Ninian mismo kasi alam ko naman na mabait talaga siya. Si Ron, yung titig niya kay Ninian.
"Oh pare, tama na, baka matunaw," sita ni Mike. Naunahan pa ko. Pucha.
"Selos ka lang eh." Nadale mo Ron! "Pero buti na lang talaga good mood si mam."
"Lagi namang good mood yun pagdating sayo!" pang-aalaska pa ulit ni Mike.
"Sira, nagkataon lang."
"Wag mo kasing masyadong isipin si Jelai. Andyan lang yan oh, diba, Jelai?" Ako naman ang nang-asar kay Ron pero taliwas sa inaasahan namin ay dinedma kami ni Jelai. Nakapagtataka.
Nairaos naman ang isang araw ulit sa eskwela.
Pagdating ng uwian, may tumawag kay Jelai at napasigaw siya sa kausap sa phone na parang inis na inis. At dun namin nalaman ang dahilan kung bakit kakaiba ang mga ikinikilos niya kanina. Kasi hindi talaga siya si Jelai. Si Chancer siya. Bakit kaya siya nagpanggap bilang si Jelai? Sila na ba? Anong trip nila?
Ilang weeks ang lumipas ay nagkausap ulit kami ni Ninian tungkol sa prom.
"Tingin mo may partner na kaya si Mike?" bulong ni Ninian. I felt a pit in my stomach. Bakit niya gustong malaman? Diba ako ang partner niya? Dun ko lang narealize na siguro reserba niya lang ako kung sakaling wala talagang umalok sa kanya, at hindi talaga siya seryoso sa pagsama sakin.
Nagdududa ko kung may date na si Mike para sa prom. He was totally dorky, pero pareho sila ni Mike na studious at may passion sa pagbabasa, kaya nga lagi silang magkasama nitong huli, bukod pa sa mukhang singit si Mike pag magkasama kami ni Ninian.
"Hindi ko alam. Gusto mong alamin ko?" I offered. Nasaktan ako, pero gusto ko rin siyang mapasaya. Kung maibibigay ko sa kanya si Mike, baka makita niya kung gaano ako kabuting kaibigan at maglevel-up na ang closeness namin. Sa tingin ko naman hindi mahirap na kumbinsihin si Mike para ilabas si Ninian. Maganda siya at friends naman sila.
"Ano bang dapat kong gawin para mapapayag siya?" tanong ni Mike ng isuggest ko sa kanya na tanungin si Ninian tungkol sa prom. "Saka diba tinanong mo na siya?"
"Well, maybe she'll be more happy if you're the one who'll ask. Kilala mo si Ninian. Hindi naman siya mahilig sa malaking pasabog. Kahit bigyan mo lang siya ng slice ng favorite pie niya o kahit ano."
"Anong klase ba?" tanong niya.
"Oreo cheesecake," awtomatikong sabi ko.
The next day, an oreo cheesecake is sitting at her desk. Bigla kong naramdaman na parang tinutusok ang puso ko ng isanlibong karayom. Para akong maiiyak at gusto kong suntukin yung pinakamalapit na pader pero di pwede. Di lang dahil wala akong date sa prom, pero dahil meron si Ninian, at hindi ako yun.

BINABASA MO ANG
BADIDUNG
HumorIsang nakakabaliw na love triangle sa pagitan ng isang babae, isang lalake at isang sirena.