"Ang dami ng pwede nating gawin, bakit basketball? Sabagay sweet din. Nakapagdecide ka na ba na magpakalesbiana sakin?"
"Ugh, kilabutan ka nga. Di tayo talo teh. teka nga, dyan ka lang sa kinatatayuan mo ah. Prets ka na sa anggulong iyan kaya stay put ka lang intienens? May kukunin lang akis."
Pagka-exit ko, takbo kaagad ako paakyat sa lights control room at ibinaba ko ang switch.
Tumakbo rin agad ako pababa para senyasan ang mga kaibigan ko sa labas na pumasok ng dahan dahan.
"Uy, bakla! Nasaan ka??? Hoyy!!!!" pagsisigaw ni Jelai habang ang dilim sa buong gym.
Umakyat na ulit ako sa lights room para lagyan ng spotlight kung nasan sya at sinenyasan ko si crush na pumunta na dun.
Nagsimula na ang sweet music. May dala siyang flowers at chocolates. Sabi ko nga sya ang magdala nitong bear pero baka raw magulat kaya ako na lang ang magdadala mamaya sa posisyon nila. Di ko marinig ang usapan pero kumumpas si crush na dalhin iyong bear at cake.
"ITO NA BA LAHAT?" umalingawngaw na tanong ni Jelai sa buong gym na ikinagulat namin. Ay taraaaay.
"ANO PA BANG GUSTO MO HA? BINIGAY KO NA SAYO LAHAT." Nesputa. Oo nga naman, tama si Ron. Ano pa ba kasing hinahanap ni Jelai?
Ay wit, hindi pa pala naibibigay ni fafa Ron ang lahat.
Tumakbo ako pababa para iserve ang cake.
"Ano to?" tanong ni Jelai ng makita ako na nakapang-waiter na costume.
"Cupcake with icing."
"Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?" pakantang sarcasm niya. "Pwe. Hindi iyan, ano itong ginagawa niyo?"
"Gimik para sayo teh. Pinaghirapan namin tong plano kaya wag ng madaming arte. Kainin mo na iyan," pagpupumilit ko sa kanya pero sa halip na tanggapin ang iniaabot ko ay natapon ito.
Nakita niya sa nawasak na cupcake with icing sa sahig ang singsing na itinago namin dun para isurprise siya at naduwal siya sa nakita. "Kadiri, ang baduy."
"Si bakla ang may idea nyan," sabi ni fafa Ron. Laglagan talaga koyah? Graveh nemen. Bakla talaga? Wala man lang baby, o kaya kahit pangalan ko na lang?
"Kaya pala ewwww, di ko nagustuhan."
"Maka-ewww ka dyan, ehh ano bang gusto mo?" Nakakaasar na kasi siya eh. Ginawa ko na ang best ko dito. Dugo, pawis, laman, uhog, muta, at earwax ang pinuhunan ko dito. Sasabunutan ko talaga siya makita niya.
Matagal kaming nagtitigan na parang may staring contest. Walang gustong magpatalo. Hanggang sa mapangisi siya bigla. "Ang gusto ko? Eto." Nagulat na lang ako ng bigla niya kong kabigin para magkaabot ang may agwat na mga height namin.
*tsuppppppppppppp*
"What's this all about? Mr. Chance Ferrero Rocchet and Ms. Jelai Kisses, go to the detention room." Aray, Mr. daw.
Teka, bakit kami lang ang tinawag.
Lumingon ako pero wala na si crush. Wala na rin iyong mga matitigas kong kaibigan. Tuso ang mga iyon, pero okay na rin kasi humingi na nga lang ako ng pabor sa kanila. Ano pang mukhang ihaharap ko kung pati sila, nadamay. "Okay na rin na hindi nakasama si crush, kahit ultimate dream ko na makulong sa detention roon kasama siya. At least, ligtas siya. Niligtas ko siya."
"Sus, ang babaw mo. Pinahamak ka kamo niya."
"Futanisputa? Narinig mo?"
Tumango siya. "Loud and clear."
Sa sobrang hiya ko ay hindi na ko nakapag-echos pa hanggang sa makarating kami sa detention room at iwan kami dun ng teacher para magmuni-muni sa maling nagawa namin-ang paggamit sa gym for non-educational purpose.
"Isang napakalaking epic fail ng nangyari ngayon, and you're the author of this event," narinig ko bigla kay Jelai.
Hindi ko na tuloy napigilang magtanong. "Bat mo naman ginawa yun? Nag-effort iyong tao."
"Correction, nag-effort ka. Saka alam ko namang ayaw mong maging kami."
"Buti alam mo. Pero happiness naman ni crush iyon."
"Pano ka naman? Pano ang happiness mo?"
Nagkatinginan kami. Concern ba siya?
Dug dug dug dug
*tsuuuuuuuuuuuupppppp*
"Hoy! Pinapunta ko kayo dito para magrepent sa kasalanan niyo, hindi magharutan!"
"Ayteachernanagsaranaangfockey!"
"Ano? Mga walang modo! Hala, layas! Uwian na! Lalandi!"

BINABASA MO ANG
BADIDUNG
HumorIsang nakakabaliw na love triangle sa pagitan ng isang babae, isang lalake at isang sirena.