Chancer - "Melons"

389 15 0
                                    

I never questioned that I liked boys. Pak!

Sa paglaki ko (hindi yung akin), puro gwapitong lalake sa klase at mga cute male celebrities ang inaabang-abangan ko. Nagbago lang ang lahat ng yun ng makilala ko si Jelai.

Unang araw sa pasukan at wala pa kong masyadong kaclose nun kaya medyo alangan pa ko. Tapos biglang pumasok si Jelai at tumabi sakin sa upuan. Magkasundo kami at mula nun lagi na kaming magka-seatmate at nagsasabihan ng reminder sa gagawin na homework o project. Nagtagal yun ng isang sem.

First time ko yun na magkaroon ng girl friend. Watch the space. At first time na makuha ang attention ko ng isang girlash. Gulat nga ako na masyado siyang friendly at mabait sakin kaya sobrang gaan ng loob ko sa kanya. She's literally everything that I wanted to be: smart, beautiful, popular, at higit sa lahat, babae.

Nung later part ng sem na yun, napansin ko na gusto kong lagi siyang iniimpress. Kapag ngumiti siya sa simpleng idea ko o tumawa siya sa lame joke ko, buo na ang araw ko. Ganun pala ang feeling ng may kaclose na same gender. Charot.

Nung sumunod na semester, hindi na kami magkaklase kaya minsan na lang kami magkita at ang bruhilda, parang limot na ata ako. Tuwing magkakasalubong kami sa hallways o ibang school premises, wala man lang ni ho ni ha.

Until ninakaw niya ang pinakaiingatan kong first kiss at nalaman ko na ex niya si crush. Gumuho ang mundo ko nun sa dalawang dahilan. One, baliw na baliw pa rin sa kanya si crush at halatang gusto pang makipagbalikan. Two, wala man lang pake si Jelai sa feelings ni crush at wala siyang pake sa kinuha niyang kainosentehan ko.

Pero magkaganun pa man, hindi ko alam kung bakit sumama ako sa kanya dito sa bar para pakinggan ang mga hinaing niya tungkol sa pamilya niya. Kesyo nag-away daw sila ng mama niya dahil sa pagrerebelde niya nung nalaman niya na isa ang mama niya sa kinausap nung judge na daddy ni crush para layuan ni Jelai ang anak nito.

"Tapos gusto niyang makipagbalikan ngayon eh hindi nga niya matalikuran yung babaeng yun? Ano ko shunga? Hahahahahahahahahahaha." Nekepe. Di ko po yan kasama.

Nagtakip ako ng tenga.

"Bakit ba tenga mo ang tinatakpan mo, dapat bibig ko, para di sila maingayan satin hahahahaha." May point siya kaya lumapit ako para sana gawin yun pero medyo gumewang ako, thanks to 20 bottles ng Pulang Kabayo at sumubsob ako sa bums niya. Hod, she smells nice. Nakakalula.

"S-Sorry..." agad kong sabi pakaalis ng mukha kong pulang-pula dun. Nahihilo na talaga ko, shuta.

"Don't be, I like it." Ano kamo? Luteyng ba siya? "Pero mas gusto ko kung papatahimikin mo ko gamit ang ibang parte ng katawan mo."

Ang sunod na nangyari ay ang muli niyang pagnakaw ng kainosentehan ko at ang ikinagulat ko ay wala akong ginawa para pigilan yun. Gaya ng nangyari sa detention room kanina, nagpaubaya na naman ako.

"I love your melons."  If it's a fruit or something else, kayo na ang humusga.

Wala na, nadadala na ko.

Ang sarap, lasang Red Horse.

BADIDUNGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon