Toktoktok.
Tae. Keaga-aga may tao na agad. Di pa nga ako nakakamove-on sa nangyari kagabi. Waaa forget it, Czai, forget it. Come on.
Si Jelai na siguro to. Kagabi pa siya wala eh. Baka magkasama sila ni Ron magdamag. Good for them. Bad for me.
Pagbukas ko ay hindi si Jelai ang andun. "Mike?"
"Good morning Czai! Pahiram naman ng notes mo sa Math oh. Di kasi ako makapagsolve nung bagong problem na binigay kasi wala akong basehan."
"Sige, akyat lang ulit ako para kunin ko. Upo ka lang muna sa sala." Pinagbuksan ko siya bago ko magdash pataas para kunin ang hinihiram niya.
Pagbalik ko, andun pa rin si Mike at inabot ko na ang notebook ko. "Basta ibalik mo sakin bukas ah? Sasagot din ako dun.
"Got it. Anyare?" tanong ni Mike habang nakatingin sa natutulog na porma nila Nowi at Marx sa sofa. At magkayakap pa talaga ang dalawa! Clap clap! "Nagpapunishment games din ba kayo? Akala ko kaming boys lang ang mahilig gumawa nun sa dorm."
"At tama ang akala mo. Kasi kayo lang naman ang pervert."
"Eh bakit nakaganyan sila? Nagbalik-loob na ba si Nowi at naging Nowlardo na ulit?"
"Ah hindi, naglasing yang mga yan. I'm sure maghihysterical yang mga yan pag giding na sila at malaman nila ang current position nila."
Mayamaya nagkamot ng butt si Nowlard pero tulog pa rin.
"Yak! Kadiri siya oh!"
"Mas kadiri ka. Daig mo pa bakla kung magreact. Di ka pa ba aalis? Ibinigay ko na sayo yang notes ko ah. Saka parang nakakapagduda na wala kang notes eh running for Cum Laude ka nga. O baka may iba pang dahilan kaya ka pumunta rito?" Just then, may bumaba sa hagdan ng nakapajamas at bedroom slippers pa. Magulo rin ang buhok niya at mukhang ngarag. "Speaking of..." I trailed, napansin ko kasi kung oano siya titigan ni Mike.
"Huwaaaaa... Wala pa rin si Jelai?" antok pang tanong ni Ninian.
"Wala pa nga eh," sagot ko.
"Good morning Ninian!" bati ni Mike na ngiting-ngiti.Bakit ba maraming nagkaka-interes sa babaeng to? Samantalang wala naman siyang pake sa love. Eh kami ni Jelai?
"Waaaaa-Wag kang titingin." sabi ni Ninian.
Mike looks mesmerized. "Ang cute!"
Tapos bigla na lang nagising si Nowlard at pagtayo ay parang nahilo saka bumagsak kay Ninian na na-out balance sa bigat ni bakla.
Ang unexpected ay ng sumuka si bakla kay Ninian tapos yinakap pa nito ng mahigpit si Ninian na parang wala pa sa wisyo kaya lalong tumagos yung suka sa manipis na damit ng huli.
"Eeew!'" sabay naming sabi ni Mike na nakangiwi.
Isang malakas na tawa naman ang bungad ni Marxia na kagigising pa lang din at may bedhead pa dahil sa nakitang pangyayari. Nagkukuskos pa siya ng mga mata. Nagselfie pa to at isinali sina Nowi at Nini sa background. "Woke up like this!" tatawatawa pang sabi nito habang pinopost ang picture sa My Day niya.
"Hey, this is physical harrassment bro. Bitaw na." Agad na umaksyon si Mike para paglayuin sina bakla at Ninian pero masyadong matigas si Nowi.
"Wow, acting like a boyfriend koyah?" banat ni Nowi na half asleep pa rin.
"Well I'm planning to be, someday." tahas na sagot ni Mike.
"Sabi ko naman sayo kagabi diba, I love Ninian. Di ko siya bibigay sayo. Charot." sabi ni Nowi.
"Ano daw?" confused na tanong ni Mike.
"That was Jorge ig but he's on his flight rn." sabi ni Marx.
"Ay oo nga pala! Czai, anong oras na?" tanong ni Ninian na gising na sa wakas matapos successful na maitulak palayo si Nowi sa tulong ni Mike at nakatayo na.
"10:30, bakit?"
"Patay! Tatawagan ko pa nga pala si Jorge!" sabi nito at tumakbo pataas ng hagdan papunta sa kwarto namin.
"Maging official na kasi kayo ng kapatid ko! Ok lang naman sakin. Hahahaha." pantutukso ko habang tumatakbo siya.
"Unfair naman. Pano naman ako?" nguso ni Mike.
"Edi maghanap ka ng iba. Dun naman kayong mga lalake magaling diba? Hahahaha."
"Ouch, parang may laman yun ah." sabi ni Mike. "Ano palang nangyari sayo kagabi? Nakita kita sa restaurant namin ah. Akala ko pa naman si Jelai ang dahilan ng pagpapareserve ni Ron sa buong lugar. Akala ko magbabalikan na sila."
"Don't worry, malapit ng magkatotoo yang mga akala mo." mapait na sagot ko. I know, Ron is going to put an end to us. Wait, wala nga palang us. Forced engagement lang ang tanging koneksyon na meron kami. At pag nawala yun, strangers na ulit kami sa isa't-isa. Ako, stranger with feelings. Siya, total stranger.
"Nowi, wake up na gurl!" bulahaw ni Marx at pinagpapalo ito ng unan. Nasense siguro ni Marx na hindi na ko komportable sa usapan. Somehow, I felt relieved that at least I got some people...kahit di ko alam kung ok talaga ko sa kanila o naaawa lang sila sakin.
Kung sana madali lang lumimot...
"Aw! Aw! Aw! Baka magkahemorrhage naman ako teh! Gusto mo ikaw yakapin ko?" taray ni bakla na parang gising na.
"Eeew! Tingnan mo nga sarili mo! May suka ka pa oh."
"Ewan, dun na nga ulit ako kay Chancey, pero bago yun, pwedeng makiligo dito?"
"Hachoooooo!" Shit magkakasipon pa ata ako.
"CZAI!!!!" sabay-sabay na lingon nila sakin.
"Nagpaulan ka ba kagabi?" tanong ni Mike.
"Sorry, excuse me." sabi ko at umakyat na.
Gosh, I'm so pathetic.
BINABASA MO ANG
BADIDUNG
HumorIsang nakakabaliw na love triangle sa pagitan ng isang babae, isang lalake at isang sirena.