"Ito na ang huling beses na pwede mo silang sunduin Ninian ok? Bawal mo na kasing hiramin si baby Porsche para sa ganung dahilan."
"Grabe siya oh. Possessive boyfriend ang peg koyah?" Nowi.
Tulog na tulog na si Marxia na nakahiga sa sofa.
"Ano naman sayo?"
"Ay iba. Psh alam mo wala shana kong balak sabihin to shayo eh, pero shobrang precious nitey ni Ninian para shaken at ayoko sayo para sa kanya."
"Who cares about your goddamn opinion?"
"Shinabi ko lang. Loveyou Ninian nayt nayt..." Snore....
Nyetsa niya ah, sleeptalking ba yun? He looks so serious! At ayoko sa sinabi niya kay Ninian! He's so full of himself.
Ang tanging koneksyon lang naman nila sa isa't-isa eh dahil ex siya ng baklang kapatid ni Ninian pero para ngang nagbabalik loob na ang isang yun eh.
I love you raw? Pwe! Sino siya para sabihin yun kay Ninian sa harap ko pa mismo? Hindi ko talaga nagustuhan!
Simula sa araw na to, karibal na ang tingin ko sa Nowi bakla na to.
"Oh akala ko ba may flight ka bukas Jorgina Wilson?"
"Will you please just listen to me Ni-" Natigilan ako ng makita kung sino ang nagsalita. "Ate Czairil! Kumusta? Bakit ngayon ka lang?"
"Nauna yung tanong ko ah."
"Eh kasi ate naglasing sina Marxia at Nowlard kaya ayan, nagpasundo kay Ninian, eh alangan namang hayaan ko lang siyang mag-isang pumunta dun sa bar."
"Asus, inatake ka na naman ng pagka-over-protective eh kaibigan ka lang naman."
Tahimik lang si Ninian na nakaupo sa gilid ng sofa. Pagod eh. Antok na rin siguro.
"Ate talaga oh, ang bitter. Teka, kumusta nga pala yung lakad niyo ni...?"
"Ok naman." Pilit iyong ngiti niya. At basang-basa siya at ang suot niyang damit. May kakaiba dito.
"Sigurado ka ate? Susuntukin ko yun pag-"
"Ok lang talaga. Sige ah, papasok na ko sa kwarto para matulog. Tulog na ata si Ninian oh." Paglingon ko sa kinakaupuan ni Ninian ay totoo nga ang sinabi ni ate. "Iakyat mo na lang sa kwarto kung ayaw mong katabi niyang matulog si Nowi." Nagbelat siya bago tuluyang umalis. Ate talaga oh!
Syempre di ako papayag na magkatabi silang dalawang matulog no!!!
Kakargahin ko na sana si Ninian ng marealize ko na ang baho ko nga pala dahil sa suka ng bakla. Pero mabilis naman akong nagpalit kanina ng damit sa loob ng kotse saka nagpunas ako ng alcohol. Amaze na amaze nga ang bayot sa katawan ko at gusto pang magpaflex pero di ko pinagbigyan. Nagpapalibog lang sya eh. Bakla talaga.
Buti na lang hindi nakakahiya ang katawan ko sa harap ni Ninian. Pinagpaguran ko ang katawang meron alo ngayon para sa kanya. Para mapantayan ko man lang yung mga oppa nya na may abs daw kahit maliit lang naman.
Dahil ayaw ko namang makishower dito sa kanila at baka pagbalik ko ay may ginagawa ng masama si Nowlard kay Ninian ay agad ko ng iniakyat si Ninian
Naka-smirk lang si ate mula sa bed niya. "Ginawa mo talaga no."
"Syempre ayoko silang magtabi no!" Tapos nilock ko na sng pinto nila bago ako lumabas para lock mula sa loob. Mahirap na. Baka may ibang pumasok.
BINABASA MO ANG
BADIDUNG
HumorIsang nakakabaliw na love triangle sa pagitan ng isang babae, isang lalake at isang sirena.