Czairil - "Ekele"

632 20 0
                                    

"Bakit walang mga tao? Tayo lang ba ang customer nila ngayon?"

"Pinareserve ko talaga tong lugar para makapag-usap tayo ng maayos." Nakakataba naman ng puso. Nagpareserve pa talaga siya para lang makapag-usap kami ng maayos.

"Wow, ang ganda naman dito Ron."

"Dito kami laging pumupunta ni Jelai." Napakunot ang noo ko sa bigla niyang pagbanggit sa pangalang ayokong marinig. Hindi ko naman siya nakikita bilang kaaway pero simula ng malaman niya na ako ang ipinagkasundo sa boyfriend niya ay hindi niya na ko pinapansin. "Gusto mo bang umorder muna tayo bago mag-usap?"

"No, sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin para matapos na."

"Please cut the engagement. I thought this over. Jelai is doing some things she normally wouldn't do nung kami pa. I can't leave her alone like that. I can't let her go."

"Bakit ka pa nakipagbreak kay Jelai kung ayaw mo rin palang matuloy ang kasal natin?"

"Kasi ayaw kitang mapahiya. From the moment that the tabloids contained my dad's announcement that he's entering politics after retiring as a judge and he will be looking forward for help from his future balae who is your dad, I knew that it won't be good if people know that I'm dating someone else while I'm engaged to you." Ouch. So concern lang pala siya sa reputasyon ko? O baka nga sarili niya lang din ang inisip niya. Kasi ayaw niyang masira sila sa publiko. Kasi tatakbo si tito. I knew it. Napilitan lang talaga siya from the very start of this engagement. Wala man lang feelings.

"I see. Sana sinabi mo agad. Madali naman akong kausap. Pero ngayon, ayaw na kitang pakawalan. Kung gusto mong hindi to matuloy, ikaw ang umatras. Mas matatanggap ko pa. Sige, I have thibgs to do. Bye." Pakasabi ko nun ay iniwan ko na siyang tulala dun.

Akala ko pa naman may pag-asa na. Akala ko lang pala.

BADIDUNGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon