One thing I hate about girls..
Actually there's so many but I already started my sentence with one.
Masyado silang praning.
Di pa nga namin sigurado kung may nangyari talaga samin ay binigyan agad ako ng punishment. At ang bekibels na si Nowi wala man lang ginawa para tulungan ako. Ayun, nagwalk-out pakatapos niya kong sabihan na amoy pechay ako.
Napansin ko na kararating lang ni crush sa room. Ay oh, wet hair. Kinulang sa time? O sinulit ang time? Pero di ko naman makita as meheret na lalake si crush. Anak ng judge yan eh. Dashing and gentleman.
Omyboobs! Ay buns lang pala ang meron ako sa ilalim ng bra ko ngayon na F cup. Kasi naman ih. Why does she have to think of this crazy punishment?
Hala, nakikita ko ng palapit sakin si crush!
"Kumusta?" tanong niya. Ahihihi, kinukunusta ako ni crush. Am I dreaming?
Sasagot na sana ko ng dugtungan niya pa. "Ok ka lang, Jelai?"
I rolled my eyes 360 degrees. Whaaaaat?
Ay oo nga pala, nakadress-up as Jelai ako ngayon! Nakaupo ako sa seat ni Jelai. Naka-skirt at heels rin ako ngayon. Medyo nalalamigan nga yung ano ko eh. Pero keri ko naman. Mas makinis pa nga ata ang legs ko dun. Ata lang. Next time i-eexamine ko ang legs nun para sure na. Yak!
Bakit ba ang galing kong magmake-up? Napagkamalan tuloy ako ni crush na si Jelai talaga. Akala ko pa naman napansin na ko ni crush. Iyak na mga beshikels.
Napansin ko na wala sa sarili si crush buong period. Klase ah, hindi monthly.
Kahit si mam napansin yun kaya kinompronta siya nung bandang magkiquiz kami tapos siya lang yung hindi kumukuha ng papel at nakatungo lang sa kinauupuan. Parang may malalim na iniisip. "Mr. Ron Raphael Ferrero Rochet, arw you not going to take the surprise quiz?" Oh, he really seems surprised.
"I'm sorry mam, I wasn't listening."
"You're lucky I'm in good mood today. Write an essay about what's written on the board." Pagkasabi nun ay lumabas na si mam para magjinggle.
"Oh papel!" bigay ni Ninian. Ay! Naunahan ako. Huhu.
"Oh, pare, tama na, baka matunaw," dinig kong sabi ni Mike. Sus.
"Selos ka lang eh," eksakto crush, nadali mo. "Pero buti na lang talaga good mood si mam."
"Lagi namang good mood yun pagdating sayo!"
"Sira, nagkataon lang."
"Wag mo kasing isipin masyado si Jelai. Andyan lang yan oh, diba, Jelai?" panunukso ni Jorge at umayon pa ang iba naming kaklase.
Ganito pala ang feeling ng inaasar kami ni crush. Ay, technically, hindi nga pala kami ang inaasar kundi sina Jelai at si crush. Pero bakit imbis na kiligin ako eh nainis ako?
Naalala ko yung sinabi sakin ni Jelai sa inuman. Gusto ni crush na makipag-balikan pero di niya kayang suwayin ang parents niya.
So pano yun? Magiging mistress si Jelai pag nagkataong matuloy ang kasal? Kawawa naman. Wala bang balls tong si crush? Ay hihi ok lang kahit wala sya nun, meron naman ako. Share na lang kami. Char.
Patuloy pa rin sila sa asaran pero dinedma ko sila. Bahala sila dyan. Di ako gagawa ng aksyon na ikapapahamak ko. Ayokong madiskubre na hindi ako si babaita no!
Uwian na ng biglang tumunog ang phone ko. Speaking of, si babaita pala. Sinagot ko. "ANO?! BWISIT KA! PAGLALAKARIN MO PA TALAGA KO PAPUNTA SA GATE?!!" Napatakip ako ng pahamak kong bibig ng marinig ko ang kantyawan ng mga kaklase namin.
Namula ako dahil dun at unti-unting lumingon. Pakshu, alam na nila!
Dali-dali akong tumakbo palabas ng room.
BINABASA MO ANG
BADIDUNG
HumorIsang nakakabaliw na love triangle sa pagitan ng isang babae, isang lalake at isang sirena.