Kinabukasan.
"Punyeta! Diba sabi ko sayo dun ka? Kinakabahan ako eh." Nandito kasi ako sa labas ng gym. Kinakabahan din naman ako para sa kanya. Tsaka naiinggit din sa babaeng hinihintay namin-ang babaeng love niya.
"Ah oo nga pala. Torpe din pala sya. Parang ako. Hays crush deds na ako mamaya. Makikita ko kung pano ka mag-grand proposal sa iba."
"Sinong torpe ha?" Hala? Did I just say it out loud?
"Ah wala. Sige mauna ka na dun. Susunod ako dala yung cake."
"Teka."
Nilingon ko siya. Nagbago na kaya ang isip niya at sakin na lang magpopropose? Eeeekkk. "Bakit?"
Lumapit siya sakin. "Omygeee!" Napapikit ako sa sobrang lapit niya. Panaginip ata to. Ayoko ng magising kahit pa mabawasan ng isang dyoskla sa mundo. Diniinan ko ang pakakapikit ng aking mga mata.
"Wag ka ngang mag-isip ng mahalay!" padaskol niyang inabot ang harapan ko. Eeeek. "Di maayos ang bowtie mo." Inayos niya iyon at napatingin lang ako sa kanya. "Oh? Bat ngingiti ngiti ka dyan?" Tumigil siya sa ginagawa at lumayo na sakin. Sana di na lang natapos ang sandaling yun. "Ayusin mo! I want everything perfect for later."
"S-Sure." *sighs*
Tiningnan niya ang mga kaibigan kong kasali sa banda sa tabi. "Magaling ba talaga sila?"
"Oo naman no. Kala mo samin? Pag sinagot ka nung babae boss, datung naman dyeeen." Dada ng isa sa mga iyon.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Sungit ni fafa Ron dun bago tumingin sakin ulit. "Ikaw, sinabi ko ba sayo na ipagkalat mo ang tungkol dito?"
"Eh that's the least I could tell them kapalit ng libreng pagtugtog ngayon." The truth. Tama. Kinulit pa ko ng mga ito kagabi ng tinawagan ko sila isa-isa. May ilan na nagsupport sakin na finally ay close na kami ni crush pero may ilan din na nadismaya ng nalaman na kailangan lang pala ang tulong ko sa pagpopropose niya sa iba.
"O siya, basta siguraduhing walang papalpak mamaya."
"Yes boss." Sagot nila samantalang malamya akong tumayo mula sa pagkakasquat ko sa labas ng gym.
Agad na siyang pumasok sa gym ng makita ang parating na babae.
Halatang gulat si Jelai ng makita na maraming tao sa labas ng gym kahit umaga pa lang. Kinausap ko kasi ang friends ko sa band na magsipunta para tumugtog ng sweet and slow music tapos nag-aya na rin ako ng iba sa federacion para tumulong sa pagdesign ng lugar. Syempre pampalubag loob na yung makikita nila ang kalalabasan ng lahat ng effort namin, kahit hindi naman sakin magcoconfess si crush. Char.
Well yun, nakita na ko ni Jelai. Pumasok na ko and I gestured for her to follow me. Sumunod lang siya sakin ng tahimik. Para siyang abnormal sa lawak ng ngiti niya mula pa kanina while me, nakatungo lang. Umupo ako sa bleachers at tumabi siya.
"So para mapasayo si-"
"Mamaya na yan."
"Emo?"
"Di naman. Di marunong mag-emo ang isang dyoskla na gaya ko." Pinilit kong pasayahin ang boses ko. "Gusto mong magbasket?"
"Akala ko ba di mo gusto yung ginawa natin kahapon? Tapos ngayon inaalok mo ko ng mas higit pa dun pfft."
"Ha?" Ano daw? Ay p*ta! "Ah.." Napafacepalm ako. "Hindi ganun. Literal na basketball na laro lang talaga."
"Well, mas magaling pa yata ako sayo dyan eh." Double-meaning ba yun??
Bahala na nga. Stick to the plan, Chance. "Tingnan na lang natin?"
Pumasok ako sa loob ng court. Liningon ko siya.
Nanatili siya sa kinatatayuan niya.
"Ano na?" I lend my hand.
Nilakad-takbo agad niya ang distansya namin at hinawakan ang kamay ko.
Napailing na lang ako.
So yun, successful naman ang step 1 na mapagitna sya sa court.
Nag-uumpisa pa lang kaming maglaro ng makita kong sumesenyas na si fafa Ron na dalian ko.
Hay love. Parang bola. Pag ayaw ipasa, hayaan mo na.
BINABASA MO ANG
BADIDUNG
HumorIsang nakakabaliw na love triangle sa pagitan ng isang babae, isang lalake at isang sirena.