"No mae! Sobrang malabo yang sinasabe mo." iling iling ko pa na sinabe sa kanya.
Hindi ko maimagine na magmamahal ako ng iba bukod kay Kim na binigay ko ang buong puso ko. Sya lang ang nararapat na mahalin, sya lang dapat ang lalaking nakakapagpatibok ng puso ko. Sya lang ay may karapatan na mahalin ko habang buhay.
"Sinasabe mo lang na malabo kase nakakulong kapa din sa nakaraan. Hindi ko naman sinasabe na mag mahal ka agad. Ang sakin lang, hayaan mo ang sarili mo kung anong nararamdaman mo. Enjoyin mo lang. Ikaw kase eh, pinipigilan mo kaya ikaw din ang nahihirapan."
Hindi ko na sinagot ang kung ano man sasabihin ni Mae. Dahil alam ko na ulit ulit lang namen na pagtatalunan 'to. 2 days lang, 2 days pa lang pero iba na ang binibigay sakin na pakiramdam ng lalaking yon. Parang siguradong sigurado na ang tadhana na magkkita at magkikita ulit kame.
Natapos na ang last subject namen at napagdesisyunan ko nang umuwi. Habang nagliligpit ako ng mga libro ko, kinalabit ako ni Mae at umupo sya sa katabing upuan ko.
"Tara mall tyo. Maaga pa naman eh." nakangiting aya nya saken.
Gustuhin ko man sumama at pagbigyan sya ngunit parang pagod na ang pagkatao ko. Gusto ko nalang mahiga at manuod ng tv sa aking kwarto.
"Sorry. Pero parang feeling ko drain na ang katawan ko mae, ubos na ata ang energy ko para magmall." malumanay kong sabe sa kanya ng makita ang disappointment sa mukha nya. "Promise. Bukas! Sasama na ako kahit saan mo gusto." ngiti ko na sabi sa kanya.
Bigla naman umaliwas ang kanyang mukha sa sinabe ko.
"Promise?" paninigurado pa nya.
"Yes promise. Pagod lang talaga ako."
Tango tango pa syang habang tinititigan ako.
"Sabagay, nakakapagod nga naman ang kiligin buong araw. HAHAHAHAHAHA!" sabay tawa ng malakas.
iling iling nalang akong napangiti sa pang aasar nya.
"Nye nye. Bahala ka kung anong gusto mong sabihin o isipin! Sige na mauuna na ako sayo." sinuot ko na ang backpack ko at iniwan ko na sya sa classroom dahil nag aya na sya sa iba pa namen na kaibgan na magmall.
Tumawag ako kay manong para sabihin na hihintayin ko nalang sya sa may parking dahil maraming tao sa labas ng gate kung saan naghihintay ng mga kanya kanyang sundo.
Napagdesisyunan ko na maupo sa bench ng parking, iilan nalang ang mga estudyanteng andoon. Nahagip ng mga mata ko ang lalaking papunta sa kanyang ducati motor. Bumilis ulit ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam na sa loob ng kaikling araw nagawa ko ng imemorya ang hubog ng katawan nya. Sinuot neto ang leather jacket na nakapatong sa balikat neto, sinunod ang helmet ng motor. Sumakay na 'to sa kanyang motor at humarap bigla saken. Kahit nakatakip ng helmet ang kanyang mukha ay parang nagagawa pa din netong titigan ang buong pagkatao neto. Iniistart na neto ang motor at nagmaniobra patungo sa pwesto ko.
Halos mabuhol ang bituka ko ng huminto ito sa harap ko. Luminga linga pa ako sa paligid ko kung ako ba talaga ang pakay neto. Hinubad neto ang kanyang helmet at malumanay na tumitig saken.
Shit! His eyes again. Reading my souls over and over again. I kenat! Migod.
"Hi kate." masuyo nyang bati saken.
"A-ah. H-hello." halos pabulong ko na sagot sa kanya. Para kang tanga kate umayos ka nga. Hi lang yan ah? Hi lang sinabe sayo, naglulumikot ang mata ko at hindi makakatitig sa kanya ng maayos.
"May inaantay ka?" masuyo ulit nya na sabi.
"Uh..Yes, yung driver ko. Dito nya ako susunduin eh." nag angat ako ng tingin at hinuli ang kanyang titig.
BINABASA MO ANG
When I met Allen Hames
RomanceMinsan mahirap din maraming alam at maraming inaalam. Dahil sa mga bagay na nalalaman mo, doon ka pa mas nasasaktan.