Nagising ako sa alarm ko ng saktong 8am. 10am pa ang klase ako at marami pa akong oras mag-ayos. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, payapa at masaya. Pero bakit ganun? Kinapa ko ang sarili ko, may nararamdaman akong onting kilig. Hahahahahaha! Baliw kana ng talaga kate, kinikilig ka sa hindi malaman na dahilan. Iling iling na lang akong napangiti ng napagdesisyunan ko nang bumangon at maligo.
Sinuot ko na ang uniform ko na medyo lumuwag na saken ng dahil sa pagbagsak ng timbang ko netong mga nakaraang buwan. Inayos ko ang buhok ko at tinali ito sa kalahati gamit ang ribbon. Naglagay ng onting lipstick at blush on. Tanan! Ok na ako. Lumabas na ako sa aking kwarto at pababa pa lang ako ng hagdan ng naamoy ko na ang mabangong tapa at tuyo na luto ni Yaya Lolit.
"Goodmorning!" Maligaya kong bati at umupo na sa hapag kainan. "Grabe! Gutom na ako. Talagang niluto nyo ang favorite ko ha?" ngiti ko pang sabi at sumubo sa tapang umuusok pa sa harapan ko. Haaaay grabe, ang sarap.
"Goodmorning iha. Nabanggit kase saken ng mama mo na ito ang unang araw mo sa eskwela kaya't niluto ko ang mga paborito mo." nakangiting sabe ni yaya at pinagsandok ako ng kanin.
"Salamat ya. Si mama po?"
Napansin ko kaseng wala pa si Mama kung kaya't naisip ko na baka nasa business yon or out of the country.
"Pababa na din yon. Sasama daw sya maghatid sayo. Anong gusto mong inumin? Juice or kape?" patuloy sa pag asikaso saken si yaya.
Kumuha ako ng itlog maalat at emosyonal ko pa tong kinaen. Grabe sobrang namiss ko kumaen ng maayos. "Ha? Bakit ihahatid pa ako ni Mama may driver naman?" taka ko pa na sabi sa pagitan ng pag nguya ko.
"Ewan ko ba don sa mama mo. Hayaan mo nalang kate, excited lang talaga yon na makita ka ng unti unti ulit na nabubuhay."
Napangiti nalang ako sa sinabe ni yaya at nagpatuloy sa pagkain ng bumungad samin ang masayang bati ni mama na halata mo pang bagong ligo lang.
"Goodmorning everyone! Goodmorning my katey honey!" sabay gigil na halik sa pisngi ko. "Hmm. Favorite mo lahat yang niluto ni yaya ha?"
"Goodmorning mama. Tara na kaen kana din, sasama kapa saken maghatid dba?" ngiti kong sabe sa kanya.
Mataman pa akong tinitigan ni mama at muli akong hinalikan sa pisngi. "Yes of course honey, sasama ako sayo sa paghatid. Akala ko kokontra kapa eh." sabay pabirong irap saken ni mama.
"May magagawa ba ako madam? Hahahaha!" balik ko din na biro sa kanya.
"Wala sympre. I'm the boss! O sya. kumaen ka ng marami ng makaalis na tayo."
Masaya kaming nagsabay sabay kumaen at after ilang months ngyon lang ako ulit nakatawa ng ganito kalakas at walang pag aalinlangan.
Sumama nga si mama sa paghatid saken sa school, muli nya pa akong pinaalalahan ng kung ano ano.
"Kate, ok lang kahit gabihin ka ha? magtext ka lang kay manong kung anong oras ka magpapasundo. Party with your friends kate, ,mag mall kayo or magshopping. Do what you want kate." masiglang sabi saken ni mama.
"Yes mama. Copy that"
"Good. Magiingat ka, aalis na ako. Call me if you need anything kate. Sige na pumasok kana."
Hinalikan ko si mama sa pisngi at ginantihan nya ako ng mahigpit na yakap. "I love you so much kate." Bulong ni mama saken.
"I love you too, mama" ngiti kong ganti sa kanya.
Hinatid ko pa ng tingin ang palayong sasakyan ni mama bago pumasok. Halos mapugto ang hininga ko ng pagkaharap ko ay nakita kong nakasandal sa may hamba ng pader ang lalaking tumitibag ng pagkatao ko. Titig na titig sya saken at halos mabaon ako sa kinakatayuan ko sa lalim ng pagkakatitig nya saken.
BINABASA MO ANG
When I met Allen Hames
RomanceMinsan mahirap din maraming alam at maraming inaalam. Dahil sa mga bagay na nalalaman mo, doon ka pa mas nasasaktan.