Chapter 2

31 2 0
                                    

KATE

Pagkagising ko naligo agad ako at nagbihis. Feeling ko eto na ang pinakamapayapang tulog sa tanang buhay ko. Habang nagsusuklay sa harap ng salamin, hindi ko mapigilan suriin ang aking sarili. Ang laki ng ipinayat ko, walang buhay ang itsura ko. Napabuntung hininga nalang ako. Inayos ko ang mga gamit ko at napagpasyahan ng bumaba. Nasa ika unang baitang palang ako ng hagdan, amoy ko na ang nilulutong adobo ni mama.

"Goodmorning mama!" Bati ko sa kanya.

Nagulat pa si mama sa biglang pagbati ko sa kanya. Kurap kurap pa nya akong tiningnan bago nya ako maisipang sagutin.

"Ah. Ah... Anak! Good.. Goodmorning dn. Tara tara kaen tayo. Umupo kana dyan at magaayos na ako ng lamesa."

Sabagay, nakakagulat nga naman tong ginagawa ko. Kadalasan kase nasa kwarto lang tlaga ako. Hindi ako sumasama sa family gatherings, hindi din ako nakikipagusap. Ultimo kila mama. Ginawa kong malungkot ang dalawang taon ng buhay ko.

"Ma, pupunta ako ng school. Aayusin ko lang yung mga dapat ayusin sa papers ko." Diretsong sabi ko habang sumasandok ng kanin at ulam. Eto na din ata ang magiging pinaka maayos na kaen ko sa loob ng dalawang tao.

Tumingin pa saken si mama at ngumiti. Humigop muna sya ng kape bago ako sagutin.

"Walang problema kate, gsto mo ba samahan kita?"

"Si mama talaga. Hndi na ma, ako na. Kaya ko naman eh, saka andon naman si mae." Ngumunguya ko pang sabe.

"Hahahaha! O siya sige, basta magiingat ka. Papahatid nalang kita sa driver. Magtext ka kagad pag may problema, ha kate?"

"Yes Ma, I will." Nakangiti kong sabe. Alam ko marami pa syang gusto itanong at sabihin. Nakikita ko yon sa mata nya, pero kilala ko si mama. Hihintayin nalang nya ako magsalita kapag alam nyang handa na ako.

Tinapos ko na ang kinakaen at napagdesisyunan ng umalis. Ayoko na sanang magpahatid pa pero mapilit si mama. Hindi na rin ako nakipagtalo at hinayaan sya sa gusto nya.

"Ma. Alis na ako."

"Sige anak, magiingat ka! Inform mo nalang ako ha."

Humalik na ako sa pisngi nya at sumakay na sa kotse. Nakita ko pang tanaw nya ako bago kami tuluyang makaalis.

Haaaayyyy. Eto ba? Eto na ba ang buhay na pinagkait ko sa loob ng dalawang taon?

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng school. Nagsabi pa ako sa driver na wag na ako sunduin at baka magkita kame ni mae.

Pagtapak ko palang, iba't ibang emosyon na ang naramdaman ko. Kinakabahan ako na ewan. Napansin ko din ang iba't ibang bulungan ng mga taong nakapaligid saken. Magbubulong na nga lang yung rinig ko pa kase. Haaay

Omg. Himala pumasok na sya?

Grabe akala ko nabaliw na sya. Sana don nalang sya sa kanila, medyo creepy na ang dating nya.

Girl look oh! Kate's here. The girl na brokenhearted ng dalawang taon. Tumitibok pa ba puso nya?

Grabe!!!!! Grabeng tanong kung tumitibok pa ang puso ko!! So ano tong nasa harap nila? Zombie ganon? Tsk. Sabagay kate, ginawa mo namang living dead ang buhay mo non. Wala kang pinagkaiba sa zombie.

"Simulan mo na kayang maglakad kate para hindi ka mukhang tanga dyan sa harap ng school."

Literal na naging living dead ako pagkarinig ko sa lalaking nagsalita sa likod ko. Hindi na nya ako hinintay na makapagsalita pa at diretsong nilampasan ako. Hindi ko alam kung anong meron sa boses nya na nagbigay kilabot sa buong sistema ng pagkatao ko.

Hindi ko alam kung pano ako kikilos. Hindi ko alam kung papano ko ihahakbang ang mga paa ko. Sino naman kaya yon?

Napagsedisyunan ko nang pumunta ng faculty para makausap ang mga prof sa mga dapat kong ayusin na subjects. 5months simula nung hindi na ako pumasok, pero naka enroll pa din ako. Hindi nila ako magawang madrop gawa ng sitwasyon na nangyari saken.

"Miss Perez, simulan mo ng mag advance study sa mga subject na naskip mo para naman makahabol ka kahit papano. Sayang naman kung babalik ka pa ulit ng isang sem. Are you sure na ok kana?" Tanong saken ni Prof Manio pagkatapos ko na makipag usap at ayusin ang mga subjects ko.

"Yes Ma'am, ok na po ako." Tipid ko na sabe sa kanya.

"Ok then. Kahit bukas kana lang pumasok para makasabay ka sa 1st subject mo."

"Thank you Ma'am." Haaay kelangan ko talaga makahabol para hindi ako mangapa.

Lumabas na ako sa faculty at tinanaw ang kabuuan ng school. Andami nangyari saken sa lugar na 'to. Masayaat malungkot. Sa buong pagkatao ko dama ko ang pagkukulang. Napapikit pa akong ninanamnam ang sariwang alaala sa buhay ko.

"Para ka talagang tanga."

Napamulat ako bigla nung narinig ko na naman ang pamilyar na boses na pilit gumugulo sa pagkatao ko. Naktalikod sya saken at nakayuko ang ulo nya. Matangkad at kahit nakatalikod halata mong matipuno ang kanyang katawan.

"Excuse me? Sino ka ba?" Taas kilay ko na tanong sa kanya. Peste 'to. Makatanga kala mo close kame.

Unti unti syang humarap saken. Halos higupin ako ng presensya nya pagkaharap nya. Yung mga mata nyang unti unting bumabaon sa pagkatao ko. Yung labi nyang mamula mula, ilong na matangos. May tattoo sya sa kanang bahagi ng leeg nya. Nakita ko pa yung marahang paglunok nya. Lumalabas yung ugat nya sa mga braso at kamay nya. Tama nga ako ng hula na matipuno ang katawan nya. Bumabakat sa uniform nya yung mga muscle sa katawan nya.

Hmm. Ilang pack kaya ang abs nya? Wait teka ano ba tong naiisip ko. Aaaaargh!

Nanlaki pa ang mata ko nung bigla syang ngumisi. Bahagya pang naningkit ang mga mata nya sa pag ngisi nya.

"Tapos mo na ba akong suriin?"

Paksyet!!! Anong suriin. Teka hindi ko sya sinusuri. Shit shit! Anong sasabihin ko.

"Wow?!!! Suriin? Kapal naman ng mukha mo!" Sigaw ko pamg sabi sa kanya. Ang kapal nya talaga!!!!

"Tss. Para ka talagang tanga." Ngisi ngisi pa nyang tugon saken at binirahan na ako ng alis.

Grabe!!! Nakakailang tanga na sya saken ha. Sobra na sya saken ha. Wow talaga!

Kring kring!!!!

Napapailing nalang ako na sinagot ang tawag sa phone ko.

"Hello?"

"Hoyyyyy kate!!! Hindi ka nagsasabi ha. Nasa school ka pala. Bakit kausap mo si Allen?"

Tiningnan ko pa sa screen ng phone ko kung tama ba na si mae ang kausap ko.

Huh? Sinong allen?

"Hoy kate! Andyan ka pa ba?"

"Ahh. Ha? Sinong allen? Ako lang kaya magisa ngyon."

"Baliw ka! Yung kausap mo kanina! Hahahahahaha. Pupuntahan sana kita kaya lang nakita ko may kausap ka pa. Epic talaga yung mukha mo kate. Ngyon ka lang ba nakakakita ng gwapo? Hahahahahahaha!"

Ah. Yung nagsabi saken ng tanga ng ilang beses. So Allen is the name of that weirdo.

"Ah yun ba? Wala yon. Isa lang yun na weirdo na bigla nalang sumusulpot sa harap ko."

"Wow! Coming from you ang salitang weirdo ha? Hahahaha. As far as I know kate, ikaw palang nakakausap nya."

Seriously? Edi weird nga kung ako lang kinakausap!

"Kung weird ako mas weird sya. Haay sge na magkita nalang tayo mamaya. Hintayin kita sa coffee shop malapit sa school. Bye"

When I met Allen HamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon