Nakaalis na ang mommy at daddy ni Kim pero wala pa rin akong kibo, andito ako ngayon sa terasa sa aking kwarto at mas pinili na mag-isa. Hindi na rin nagtangka si mama na pasukin pa ako dahil alam niya na kailangan ko talaga muna mag-isip kung anong tamang pwedeng gawin.
Nasa gitna ako ng malalim na pag-iisip ng may mahinang katok akong narinig sa pinto.
"Pasok!"
Iniluwa nito si Manang na may dalang pagkain para sa akin. Lumapit siya sa akin at inilapag ang pagkain na nasa tray sa lamesa na malapit sa kama ko.
"Hija, kumain kana muna" malumanay na sabi niya sa akin.
Tiningnan ko lang ang pagkain at umiling.
"Ayoko po." pagtanggi ko sa kaniya.
She sighed and walks toward me. She sat at the right side of my bed and look at me with eyes full of pity.
"Hindi ko alam kung gano kahirap ang pinagdadaanan mo naman hija, pero gusto ko lang malaman mo na kahit anong mangyari. Andito lang kami ha? Pamilya mo kami. Parang anak na rin ang turing ko sayo at nasasaktan ako na makita kang nasasaktan." mahinahon na sabi sa akin ni manang.
I looked at her and I can't help to sob. She hugged me tight and quietly feel the loved na meron ang lahat ng tao para sa akin. Lagi nalang ako nasasaktan at nagmumukmok pero andiyan pa rin sila at hindi nagsasawa na suportahan ako.
Niluwagan niya ang pagkakayakap sa akin at muli akong tiningnan. Puno pa rin ng luha ang aking mga mata, isa isa naman niyang pinunasan ang mga luha ko na naguunahan sa pagtulo sa aking mata.
"At Kate, meron din isang tao na gustong pumasok sa buhay mo. Yung handang maghintay para sayo. Yung hahayaan ka muna niyang magisa dahil alam niyang nasasaktan ka."
Nangunot ang noo ko sa tinuran ni Manang.
"Po?" takang tanong ko sa kaniya.
Tumikhim muna siya bago muling magsalita.
"Si allen kasi hija, yung kaibigan mo na kapitbahay natin? Kanina pa siya dyan sa baba at hinihintay ka." nakangiti na sabi ni manang.
Muli ulit akong nalungkot. Hindi ko alam kung papano ko haharapin si Allen. Natatakot ako na baka masaktan ko siya, natatakot ako na baka iba na naman ang desisyon ko. Natatakot ako na baka.... Baka naman hindi ko talaga siya gusto at nalulungkot lang ako. I was deprived for almost 2 years na akala ko mga halik niya ang kasagutan sa lungkot ko. What if, what if I didn't like him talaga at the first place? What if? Haaay...
"Ayoko muna po siyang makita. Pakisabi na umuwi nalang muna siya." nakayuko ko na turan kay manang.
Kuno't noo lang akong tiningnan ni manang ngunit hindi na nangahas pang magtanong. Nagpaalam na lang din siya at pagkuwan ay lumabas na lang din ng kwarto ko.
I'm so sorry Allen :'( Half of me want to see him right now and hugged him and tell him how sad I am today pero ayoko na kaawaan niya ako. Ayokong makita niya ako na ganito.
Kinabukasan maaga akong gumising para mag ayos papasok ng school. Wala akong gana pumasok pero naaalala ko na marami pa pala akong hinahabol na requirements .
"Sigurado ka na gusto mo pumasok?" tanong sa akin ni mama. " I can talk to your professors naman eh." nagaalalang sabi sa akin ni mama.
Umiling lang ako sa kaniya.
"No ma, kaya ko 'to" desidido ko na sabi kay mama.
Nginitian lang niya ako pero hindi ko na rin siya naawat nang sumama siya sa pag hatid sa akin.
BINABASA MO ANG
When I met Allen Hames
RomansaMinsan mahirap din maraming alam at maraming inaalam. Dahil sa mga bagay na nalalaman mo, doon ka pa mas nasasaktan.