Hinatid na ako ni Mae sa bahay at hindi na pinapasok pa ng dahil sa kalagayan ko. Siya na daw bahala magexplain sa professor's naming kung bakit hindi ako nakapasok.
Nagpakita muna ako kay manang para malaman niya na umuwi muna ako at hindi muna papasok, idinahilan ko nalang na masakit ang ulo ko. Pinakiusapan ko nalang si manang na wag sabihin kay mama na umuwi ako para hindi mag alala. Nasa meeting pa naman yun with her clients.
Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Inilapat ko ang katawan ko sa kama at pumikit, pagod na pagod ang isip ko, ang mata ko at ang puso ko. Pagod ako sa lahat ng bagay.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kaninang nahiga ako. Nagising ako ng mga alas tres na ng hapon. Bumaba ako at naabutan ko na nagmemerienda sila manang sa baba kasama sila edna.
"Katey tara kain." aya sa akin ni Edna.
Umiling lang ako at nilapitan ko na sila.
Tumikhim ako at tinawag ko si Edgar.
"Hmmm. Edgar, tingin mo mga anong oras na andiyan si Allen?" nahihiya ko pa na tanong sa kaniya.
Hindi ko naman kasi alam kung anong schedule ni Allen, kung anong oras na siya nakakauwi. Ang nakakainis pa, wala akong cellphone number niya! Imagine ilang beses na kaming nagkakasama pero hindi ko man lang alam kung anong number niya.
"Naku Kate, hindi ko alam. Pag nasa labas kasi ako iba ibang oras ko nakikita yung sasakyan niya eh. Pero pwede ka naman magtanong sa kasambahay nila." sagot niya.
Nanguno't ang noo ko. Kelan pa nagkaron ng kasambahay sila Allen eh alam ko twing weekends lang naman may naglilinis sa kanila.
"Eh twing weekends lang naman may dumadating na kasambahay sa kanila eh." muli ko na sabi.
"Stay in na si Camilla kila Sir Tiongson, yun ang sabi niya nung minsan nakakwentuhan ko siya. Tapos may guard na din sa kanila." sabat ni Edna.
Atleast may mapagtatanungan ako kung anong oras yung uwi ni Allen mula sa review.
Kinabukasan, maaga akong nagising at nagayos kahit 10 pa ang pasok ko. By 8 nakaayos na ako. Bumaba ako at kita ko na si Mama na busy sa laptop niya.
"Morning, Ma" bati ko sa kaniya.
She smiled at me. "Goodmorning anak. How's your sleep?"
Tumabi ako sa kaniya at humilig. "So far so good naman ma." sagot ko.
"Hmmm. By the way, meron akong out of the country meeting with my investors. Ok ka lang ba magisa ditto?" she asked me.
Tumingin ako sa kaniya at ngumuso.
"Of course ma. Bakit naman hindi? Para naman tayong bago sa ganiyan. Besides, andyan sila Manang oh."
Huminga siya ng malalim. "It's just that, hindi na gaya noon na wala ako dapat alahanin. Remember what kim's dad told us?" nagaalala niya na sabi.
I looked at her and hold her hand. "Ma ano ba! You're so paranoid ha. Sila ang may threat not me. Kaya hindi ko na problema yon."
"Ok ok, big girl." sukong sabi nalang ni mama.
I chuckled. "Ilang days ka mawawala?"
"3 weeks." she said.
"Ang tagal naman!" pag aalburoto ko.
3 weeks wala akong nanay na kapiling, tapos ang lungkot lungkot ko pa. Hays! Sarili ko nalang talaga ang maaasahan ko sa mga ganitong bagay. Pero hindi ko naman siya pwede pigilan na umalis dahil dito siya masaya, ito ang passion niya at ito ang bumubuhay sa amin.
BINABASA MO ANG
When I met Allen Hames
RomanceMinsan mahirap din maraming alam at maraming inaalam. Dahil sa mga bagay na nalalaman mo, doon ka pa mas nasasaktan.