Chapter 16

9 0 0
                                    


Naligo ako at nagayos bago ko napagdesisyunan na lumabas ng kwarto at harapin ang mga magulang ni Kim. Nakaupo sila sa sala habang inaayos ni Manang at Edna ang merienda na para sa kanila. Agad na tumayo ang Daddy ni Kim pagkakita sa akin. I don't know what to feel and to react pagkakita ko sa kaniya. Nanatiling poker face ang Mommy ni Kim.

"Goodmorning Kate.. Pasensya na at masyado ata kaming maaga" hingi ng paumanhin sa akin ng Daddy niya.

Tuluyan na akong lumapit para bumati. Nagbeso ako sa Daddy niya at Mommy niya. Nilingon lang ako at tahimik na tumango ang Mommy niya sa akin. Umupo na din ako sa upuan kaharap ng sa kanila. Tumayo si Mama at iniwan kami, naiintindihan niya na kailangan ko ng pribadong paguusap kasama ang mga magulang ni Kim.

"Ano po ba maipaglilingkod ko sa inyo?" buong galang ko na tanong.

Tumikhim muna ang Daddy ni Kim at lumingon sa asawa nito. Parang sinesenyasan na makisama sa gagawin naming na paguusap. Wala nalang nagawa ang asawa nito at humarap sa akin. Huminga ng malalim bago tumango si Daddy ni Kim.

"Gusto ka sana naming makausap about kay Kim.." blanko na sabi ni Mrs. Mendina.

Napataas ako ng kilay sa tinuran. After all these years, ngayon lang nila ako napagdesisyunan kausapin. Ilang taon ng patay si Kim pero ngayon lang nila ako kinausap.

"What about him?" muli ko na tanong.

"Hindi naman lingid sa kaalaman naming kung anong relasyon meron kayo ng anak ko. Ayaw lang naming manghimasok dahil buhay naman niya yon. Mabait ka Kate, hindi kana iba sa amin. Hindi naman na dapat nangyari 'to kung wala namang nang gugulo sa amin" sabi niya.

Naguguluhan na nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa.

"A-ano... Ano po ba ibig niyong sabihin? Sinong nang gugulo?" naguguluhan ko na tanong.

Hindi na rin mapakali ang Mommy niya sa kinauupuan nito. Hindi alam kung saan ibabaling ang paningin, hindi rin nito kayang tapatan ang titig ko.

Umayos ako ng pagkakaupo at taas ang noo na tiningnan sila. Malakas ang kutob ko na may kinalaman 'to sa mga naging panaginip ko. Gusto ko lang na sa kanila mismo manggaling ang masamang kutob ko.

"Mr. and Mrs. Mendina huwag na po tayong magpaligoy ligoy pa. I will accept kung ano man ang mga gusto niyong sabihin, mabuti man 'to o masama. Ang akin lang huwag niyo na po sana akong pahirapan pa." may galang pa rin na sabi ko sa kanila.

Lumapit sa akin si Mr. Mendina at nagulat ako ng hawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko. Namumuo na ang kaba sa dibdib ko ngunit pilit ko pa rin nilalabanan. Hindi ko pinapahalata sa kanila ang takot at kaba na nararamdaman ko.

"Kate... Ginugulo kami ng pamilya ng babaeng nabuntis ni Kim. Bago sila maaksidente yun yung kasama niya. Kaya ka niya pupuntahan para sabihin sayo ang lahat.. Hindi ko rin alam kung ano ang meron sa kanila ng babaeng yon pero gusto ko lang malaman mo Kate na hindi naming gusto na itago sayo 'to. Ayaw na naming na mabuhay sa mga kasinungalingan pa."

I don't know how to react. Parang gusto lumabas ng puso ko sa sobrang lakas ng tibok na nito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit o disgusto. Tangina! Pinatay ko ng ilang taon ang buhay ko sa taong matagal na pala akong niloloko. After all, sa ganito lang pala mapupunta ang lahat.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gusto dumaloy, tuloy tuloy lang silang nag uunahan sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng lumabas na salita sa mga bibig ko.

"Kate?" pagtawag sakin ng Daddy ni Kim.

Nakatitig pa rin ako sa kanila, tahimik pa rin ako na lumuluha. Sabi nila ito daw ang pinakamasakit... Ang umiyak ng tahimik. At eto ang nararamdaman ko puno ng sakit.

When I met Allen HamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon