Chapter 21 (SPG)

29 0 0
                                    


Friday ng hapon ng maisipan ko na umuwi ng QC. Miss na miss ko na sila mama at nico. Nagdrive ako pauwi at mga 8pm na ng nakarating ako bahay. Sobrang traffic!

"Surprise!" bungad ko agad pagbukas ng main door.

Nadatnan ko sila Mama at Nico na naglalaro sa sala. Nakita ko naman na lumabas sila Manang sa kusina. Nanlaki agad ang mata ni Nico pagkakita sa akin, agad siyang tumayo at tumakbo papunta sa akin.

"Ate!" sigaw niya sa akin. Yumakap siya sa mga paa at inaamang ang kamay niya para magpabuhat. Sinenyasan ko naman si Manang na kunin ang box ng donut na dala ko. Lumapit siya sa akin at kinuha ang mga hawak ko.

Kinarga ko si Nico at pinang gigilan ang mataba kong kapatid. Singkit at mataba si Nico, maputi at kulay itim na itim ang buhok. Bibo ito at matalino kung kaya't galak na galak silang lahat dito. Nicollo Joseph Perez ang pinangalan ni Mama dito.

Humahagikgik si Nico dahil nakikiliti siya sa ginagawa ko. I miss my cute chaba!

"Stop na Ate!" tawa tawang sabi niya.

"Do you miss ate huh?" lambing ko na sabi sa kaniya.

Kiniss niya ako sa magkabilang pisngi. Bahagya niya pa akong kinurot sa pisngi.

"So much!" bibong sabi niya.

Lumapit sa amin si Mama at hinagkan ako sa pisngi.

"How's my baby girl?" masuyong tanong niya sa akin. "Sana nagpasabi ka na uuwi ka para nakapagpaluto ako kay manang ng mga favorite mo."

Ngumuso ako. "Ma, I'm not a baby anymore. Hindi na ako nakapag pasabi kasi excited na akong uwian kayo ng chaba ko." Humagikgik naman si Nico.

"You're still my baby." sabi ni mama at pabirong pinisil ang ilong ko. Kinuha niya sa akin si Nico at inutusan na pumunta sa kusina para makakain na.

Niyakap ko agad si Manang. "I miss you manang! Anong ulam?" tanong ko sa kaniya.

Tawa tawa naman silang lahat nila Edna sa akin.

"Adobo hija. Pero kung gusto mo pagluluto ka namin ng fried chicken?" masuyong tanong niya sa akin.

Pagkarinig ko naman sa fried chicken parang biglang naglaway ang bagang ko. Vegetable salad kasi ang inuupakan ko nitong mga nakaraan after namin maginom nila Bianca. Healthy living ba. :)

"Hmmm. I like that! Magsshower muna ako sa taas habang inaantay ko po." sabi ko sa kanila.

"Sige kate, tawagin nalang kita." Sagot naman ni Edna.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagbabad muna sa bath tub. Naisip ko, andami na nga pala talagang nangyari sa buhay ko. Andami na rin nagbago simula ng nagising ako sa katotohanan na kailanman hindi na babalik si Kim.

Speaking of kim, after nung paguusap namin ng family nila hindi na sila muling nagpakita. SIguro hindi na rin sila ginulo ng pamilya ng babaing nabuntis ni Kim.

Napabuntung hininga ako. Sana hindi na lang nila ako ginulo pa, baka sa sakaling maayos pa kami ni Allen. Kung sakaling hindi nila ginulo ang isip ko, baka hindi ko nasaktan si Allen.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni ng makarinig ako ng katok.

"Kate halika na. Luto na food mo!" sigaw ni Edna sa akin.

"Sige magbibihis lang ako!" sigaw ko pabalik.

Umahon na ako sa pagkakababad ko. Nagpatuyo at nagbihis ng sando at pajama. Nasa unang baiting pa lang ako amoy ko na ang fried chicken at mabango nitong gravy.

When I met Allen HamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon