I woke up feeling sore. Feeling ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko, unti unti ko minulat ang mata ko at agad ko nakita si Allen na nakatalikod sa may Veranda. Medyo madlim pa sa labas. I didn't know that he is smoking.
Dahan dahan akong bumangon at pinakiramdaman ang sarili, then I remembered everything. We made love over and over again. Buong gabi niyang sinamba ang katawan ko.
Lumingon sa akin si Allen na blanko ang mukha.
"How's your sleep?" tanong niya.
Inayos ko ang pagkakatakip ng kumot sa aking kahubdan bago siya sinagot. "H-hmm. Ayos lang naman. Sayo ba?" balik ko na tanong sa kaniya.
Humithit muna siya bago pinatay at tinapon ang upos sa labas ng veranda. Lumapit siya sa akin at umupo sa side ng kama.
"I didn't sleep."
Nagulat ako sa tinuran niya. Hindi ba siya napagod sa ginawa namin kagabi? Ako nga halos hinang hina na ako pero hindi niya pa rin ako tinigilan eh.
"What? Anong ginawa mo magdamag?" gulat ko na tanong sa kaniya.
"Thinking." seryoso niyang sabi.
Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Nagsisisi ba siya sa nangyari? Gosh! We cheated on Mae. Pero ako, hindi ako nagsisisi na sa kaniya ko binigay ang una ko. Ginusto ko 'to at paninindigan ko ang ginawa ko. I'm serious when I said that I want him back. I want him so bad.
"About what?" halos pabulong ko na sabi.
Tinukod niya ang dalawang kamay sa mga hita at yumuko. Parang hirap na hirap at hindi makapaniwalang nagawa namin ang mga bagay na hindi inaasahan. Masyado kaming naging marupok alam ko.
"Why did you gave me your first?" balik tanong niya.
"Because I want you!" sigaw ko. Garalgal na ang mga boses ko. "I want you so bad Allen at hindi ko pinagsisisihan ang ginawa naten."
Tears stream down to my eyes. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kinakabahan ako na ang sama sama ng loob ko.
Umangat ang ulo niya sa akin at nanguno't ang noo. Lumapit agad siya sa akin and hugged me tight.
"Ssssh. Don't cry love" pag aalo niya sa akin.
Kagat kagat ko ang labi ko para mapigilan ang paghikbi.
"Pinagsisisihan mo ba yung nangyari?" tanong ko sa kaniya.
Don niya ako tiningnan. He cupped my face and looks me straight in the eyes.
"No. Hindi kate. I'm sorry kung naging ganun yung reaksyon ko. It's just that I can't believe pa rin sa nangyari." paliwanag niya.
"Look at me." utos niya.
Tiningnan ko naman siya.
"I want you back too as much as you want me. Pero ayoko naman biglain ang lahat, kasi baka.... Baka dumating na naman yung araw na sabihin mo na naging mabilis ang lahat." pahina ng pahina ang boses niya.
It's my turn to explain my side. I hold his hands tight.
"No Allen, this time sigurado na ako. Pero... Pero kung natatakot ka na ulit magtiwalala sa akin, then I'll wait for you till you're ready. This time we'll take it slow. Maghihintay ako Allen hanggang sa maging handa kana ulit. Handa kana ulit para sa akin." puno ng pag-asa ko na sabi.
He then finally smiled. Hinalikan niya ng mariin ang noo ko. Napapikit ako pero bigla din akong napamulat ng may naalalang isang bahay.
"How about Mae? Teka, papano pala naging kayo? Mahal mo ba siya?" sunod sunod ko na tanong.
BINABASA MO ANG
When I met Allen Hames
RomanceMinsan mahirap din maraming alam at maraming inaalam. Dahil sa mga bagay na nalalaman mo, doon ka pa mas nasasaktan.