Napamulat ako mula sa tahimik ng paguusal ng panalangin ng biglang nagsalita si Mae sa tabi ko.
"Kate, nagtext si Mommy pinapauwi ako. Kelangan daw ako ngyon sa bahay eh, andon na naman siguro yung bruhang asawa ni kuya. Magiging ok ka lang ba dito?" mahinang tanong nya saken.
"Oo naman, pahatid kana lang kay Mang ben. Tapos sabihin mo na balikan nalang din ako dito agad." nakangiti ko na sabi sa kanya.
Umiling sya bilang pagtutol. "No kate, matagal pa bago makabalik yon. Maghihitay ka lang ng matagal dito. Mag tataxi nalang ako."
Nagkibit balikat ako sa sinabe nya. "Sige ikaw bahala. Goodluck nalang sa paghihintay ng taxi." at muli akong tumingin sa puntod ni Kim.
"A-ah eh. Sabi ko nga magpapahatid nga ako."
Ngisi ngisi akong humarap ulit sa kanya. "Ikaw eh, arte mo. Sige na lumarga kana para makabalik agad si Mang ben. "
"Sure ka ha?" paninigurado pa nya.
"Oo nga kulit. Magtetext nalang ako."
"Oh sige, magiingat ka." humalik sya sa pisngi ko at iniwan na ako magisa sa sementeryo.
Napabuntunghininga ako at muling humarap sa puntod ni Kim. Makulimlim at nagbabadya ng umulan, may mga nakikita akong iilan na naglilinis sa ibang puntod di kalayuan.
Di bale saglit lang naman yun si Mang ben. babalik din yon agad.
Nagsimula na naman akong kausapin ulit si Kim. This time puro katanungan ang mga sasabihin ko sa kanya. Dahil ako mismo gulong gulo na din.
"E-ehem. Hi babe! 2 years na simula nung iniwan mo ako. 2 years na simula ng nagtanong ako ng paulit ulit sa sarili ko kung ano nga ba ang sasabihin mo saken sa araw ng aksidenteng yon. Para akong bukas na libro na sinimulan mong basahin pero hindi mo tinapos."
Nagsisimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko.
"Babe.....mas lalong dumagdag ang mga katanungan ko kung sino ba ang babaeng kasama mo ng gabing yon? Sino sya? Siguro sya lang ang makakasagot sa mga katanungan ko. Kase babe, hindi ako maka move on eh. Sobrang sakit.....ang sakit sakit maiwan sa ere sa ako lang yung lumalaban. All this years babe, ikaw lang minahal ko. Pinatay ko ang sarili ko kasi....k-kasi gusto kitang makasama eh. Tapos sasabihin ng iba hindi pagmamahal yon> E-eh.....e-eh ano yung nararamdaman ko? Pagiging selfish ba yon? Hindi ko na alam kim......."
Pinahid ko ang mga luhang sunod sunod ng naglalaglagan sa mga mata ko. Nanlalabo na din ang mata ko, sumasakit na ang dibdib ko sa bigat na nararamdaman ko. Ang kirot kirot ng puso ko sobra. Nasa kalagitnaan ako ng pagiyak ng may naramdaman akong naglahad ng panyo sa harapan ako, napatingin ako sa may gilid ko at mas lalo akong naiyak ng napagtanto ko kung sino ang lalaking yon.
"A-allen....." pabulong na usal ko.
Hindi pa rin nya ako nilingon. Nakatingin lang sya sa puntod ni Kim na nasa aming harapan. Inabot nyang muli ang panyo sa akin, tinanggap ko ito at pinunas sa luha ko. Tuloy tuloy lang ang daloy ng luha ko. Naiinis ako at nakita nya ako sa ganitong sitwasyon.
"Kausapin mo lang ako kapag wala ng mga luha sa mga mata mo." mariin na sabi nya.
Napakagat labi ako sa tinuran nya at sinimulan patuyuin ang mga luha ko. Huminga muna ako ng malalim bago muling tumingin sa kanya. Napaka gwapo nya sa simpleng suot nya. Naka puting t shirt sya at nike na short. Maayos ang pagkaka man bun ng buhok nya, mamula mula na naman ang labi nya na parang kay sarap halikan. Napaka perpekto ng mga panga nya at mas lalong nakaka akit ang tattoo nya sa may bandang leeg.
BINABASA MO ANG
When I met Allen Hames
RomantizmMinsan mahirap din maraming alam at maraming inaalam. Dahil sa mga bagay na nalalaman mo, doon ka pa mas nasasaktan.