Chapter 12

14 1 0
                                    

"Please say something." halos pagmamakawa ng sabi ko sa kanya. Hindi ko kaya ang ganitong klaseng pananahimik. Parang sinasaksak ng libo libong patalim ang dibdib ko. Hindi ko na alintana kung ako man ang unang umamin, na sa ikli ng araw na pagkakakilala namin ay nagustuhan ko na siya agad. Pero anong magagawa ko? Kung sa bawat paglapit niya sa akin kakaibang bilis na ang tinitibok ng puso ko, na kahit anong deny ko na hindi siya magustuhan ay sarili ko lang ang niloloko ko.

Malalim pa rin ang pagkakatitig niya sa kin. Hindi ko na kayang labanan ang mga tingin nya. Masyado na akong nalulunod. Kung wala siyang alam isagot sa akin mas mabuting umalis na lang ako kesa yung ganito na hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya.

Naiinis na naman ako!!!  Nakakainis na para akong tanga na dito na parang walang kausap. :(

"Kung wala kang sasabihin, aalis na ako." sabay tayo at laking gulat ko ng hilain nya ako pabalik sa pagkakaupo, ngunit dahil sa medyo may kalakasan na pagkakahila niya sa kandungan niya ako napaupo. Halos malagutan ako ng hininga dahil sa pwesto namin.

Awkward! Sobrang awkward.

"No, please don't go kate. I want you......" huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita. "I want you to like me, I want you so bad. Pero ayoko ng hanggang doon lang dahil alam ko na hindi kapa tapos mahalin ang ex mo. Do you understand me?"

Humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko at ramdam ko na ang init ng katawan niya. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa si Kim pero ayoko mawala si Allen ng dahil lang sa kalungkutan ko. Ayoko palampasin 'tong sandali na 'to.

"So anong gagawin naten?" nilalabanan ko na din ang mga titig niya. Ikinawit ko na ang mga braso ko sa leeg nya at mas nilapit ko pa ang katawan ko sa kanya. Kitang kita ko pa ang pag galaw ng panga niya.

"What do you want me to do kate?" mariin niyang sabi.

"I want you to do everything for me. Do everything to make me love you hard, so hard that i cannot remember the past anymore." taas noo ko na sabi sa kanya.

Bahagyang tumaas ang kilay niya at may ngisi na sa labi niya. "Demanding, huh?"

"And please don't leave me." ngiti ko na sabi sa kanya.

Inayos niya ang pwesto ng pagkakaupo ko bago ako muling tinitigan. "All right then. But in one condition."

"Huh? Ano naman?"

"You.....are mine....all mine." pagkatapos niyang bitawan ang mga salita ay mariin niya akong hinalikan sa mga labi. Lumaban ako ng halikan sa kanya at mas inilapit ko pa ang katawan ko sa kanya. Bahagya niya akong pinipisil pisil sa bewang na siyang nagpapainit ng katawan ko. Tumaas ang isang kamay niya mula sa likod ko na naglalakbay sa tagiliran ko. May mumunting ungol na lumalabas sa bibig ko na siyang mas nagpapagigil pa sa mga hawak ni Allen. Halos mapugto ang hininga ko sa sensyasong nararamdman ko.

"O-ohhhh allen." ng bumaba ang halik niya sa leeg ko.

I want more. I want him, all of him. Gusto kong mararamdaman kung may mas ibibilis pa ba ang tibok ng puso ko kapag pinaramdam niya sa akin ang gusto kong maramdaman.

Bumalik ulit ang mga labi nya sa labi ko at mas ramdam ko ang gigil sa bawat halik niya.

"I w-want you, allen." i gasped for air between our kisses.

Bahagya siyang tumigil sa halikan namin at pinagdikit ang mga noo namin. Naririnig ko pa ang mahina niyang hingal.

"I want you more as much as you want me but not tonight sweetheart. H-hangga't kaya ko pang magpigil."

Oh my gentleman Allen. :)

Napangiti ako sa tinuran niya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you for coming into my life, allen." sinsero kong sabi sa kanya.

"No, thank you kate. For giving me reasons to love patiently. Yung magmahal ng walang kapalit. Yung maghihintay kahit gaano katagal. I know this is hard for you pero always remember na andito lang ako. Patiently waiting for you." at mas ginantihan niya pa ng mahigpit na yakap ang yakap ko.

Parang lumulutang sa ere ang puso ko sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi ko expect na may mas ilalambing pa ang taong 'to.

Ok na yung ganito, na kahit wala kaming label alam ko na sa sarili ko na espesyal ako sa kaniya. :)

"Thank you so much allen. Thank you."

Muli niya akong hinarap at masuyong nginitan. "Tara na, hatid na kita sa inyo gabi na."

Tumango ako sa kaniya at giniya na niya ako palabas ng gate nila. Magkawahak kamay kami habang naglalakad. Hindi ko alam pero hindi pa din nagbabago ang bilis ng tibok ng puso ko kapag andiyan na siya. Sapat na sakin ang ganito muna, masaya na ako sa presensya siya. Sana lang talaga ay maging maayos na ang sitwasyon, yung handa na akong magsimula ulit.

Hinarap niya ako ng nasa tapat na kami ng pintuan ng bahay, hawak pa din niya ang mga kamay ko.

"Anong gagawin mo bukas?" masuyo niyang tanong sa akin.

"Hmmm.. Wala naman, dito lang ako sa bahay. Why?" kuno't noo na tanong ko sa kanya.

"Papayag ka ba kung aayain kita makipagdate? Start ng makilala natin ang isa't isa ng lubusan."

Masyado na akong nalulunod sa mga pinaparamdama niya sa akin. Halos magrigodon na ang malandi kong kaluluwa. He's asking me for a date?!!!! Diresto ang mga matang nakakatitig sa akin, ni isang kurap wala akong makita sa kaniya.

"U-uhm... Date? H-mm ok." halos utal utal ko pa na sabi.

Isang ngisi na naman ang nakita ko sa kaniya na mas lalong nag aangat sa kapogian niya.

Jusko. Wala man lang ako maipintas sa pagkatao niya, halos lahat perpekto.

"Good girl kate."

Napanguso ako sa tinuran niya. Pabiro ko siyang hinampas sa balikat.

"Good girl!!!! Para naman akong bata sa ginagawa mo eh."

Halos mapugto ang hininga ko when I heard him chuckle. Gosh! He's so freaking sexy handsome goddess. Manghang mangha ako sa itsura niya at aaminin ko na naaakit talaga ako ng sobra. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hapitin siya at halikan ng mabilisan sa labi. Pulang pula ako sa sobrang kahihiyan.

"W-woah kate, what was that?" nagugulat pa din na tanong nito.

"A-aaah ano. W-wala..... Hmmm goodnight kiss? Una na ako."

Kainin mo ako lupa higupin mo ako langit. Jusko hindi na ako nakapag pigil. Hindi ko alam na may tinatago talagang kahalayan ang pagkatao ko. Nakakahiya ka kateeee!

"You never failed to mesmerize me with your simple actions kate." tudyo nito sa akin.

I laughed at him still blushing. "Baliw! Sige na una na ako. Magpahinga kana din. See you tom!" pagpapaalam ko sa kanya.

"Alright then. See you tom."

Hinatid ko pa ng tingin palabas ng gate si Allen. Kilig na kilig pa ako hanggang pagpasok sa bahay. Wala ng tao sa sala kung kaya't dirediretso na ako paakyat sa aking kwarto.

Pabagsak kong nilapag ang sarili ko sa kama na may ngiti pa din sa labi. Hawak hawak ko pa din ang labi ko kung saan na parehas pa namin na pinagsasaluhan ang mainit na halikan. Kilig na kilig pa rin ako.

Nagawi ang paningin ko sa picture frame sa gilid ng cabinet. Bumuntong hininga ako at umayos ng pagkakaupo.

Kim, siguro naman hahayaan mo ako maging masaya sa iba diba? Hahayaan mo naman akong magmahal ng iba diba. Yung kaya din suklian yung pagmamahal ko?

When I met Allen HamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon