Chapter 19

24 0 0
                                    




       

3 long years have passed at marami na rin ang nangyari sa buhay ko. Ako ang nagpatuloy ng business ni Mama. Nakapagpatayo na ako ng jewelry shop na pinangalanan ko na Le Martia Jewel Shop. Si Mama, home based na lang sa bahay kasama si Nico. Yung batang inampon niya 3 years ago. Hindi na ako tumanggi ng napagdesisyunan ni mama na mag ampon, kung yun ang ikasisiya niya sino ako para tutulan ito.

May sarili na akong condo sa BGC. Malapit lang kasi yung store ko na bagong tayo dito. Kelangan ko tutukan kung kaya't kumuha ako ng unit. Mas malapit kasi, kumpara sa QC. Pero twing weekends inuuwian ko naman sila mama.

Mas naging close din kami lalo ng mga pinsan ko. Katabing room ko lang si Bianca at Annika. Fashion Designer si Biance at housewife naman si Annika. Sila Jayson at Joaquin nman ay katabing building lang namin. Si Emman naman ay bc naman sa pagiging teacher.

Nasa loob ako ng office ko at pumipirma ng mga papers ng mag ring ang phone ko.

"Hello." I asked while I'm still signing the papers.

"Hi my dear cousin. What are you doing?" bungad sakin ni Bianca sa phone.

For sure mag aaya na naman ito gumimik. Kakauwi lang nito kahapon galing London, 2 weeks niyang inasikaso ang project niya don.

"Hmm. Paper works." simpleng sagot ko sa kaniya.

I heard she sighed.

"Ano ba yan! Walang pahinga? Super bc sa pagpapayaman musta naman ang lovelife?" birong pang aasar niya.

I rolled my eyes. Lagi kasi nila akong tinutukso na magiging matandang dalaga daw ako.

"Problema mo sa lovelife ko Biancs. Wala kana naman magawa."

"Hahahahaha! Eh ikaw naman kasi. Naku baka umabot ka ng 30 na hindi pa rin nakakatikim ng luto ni God cous." pang aasar niya pa.

Pinamulahan ako ng mukha sa tinuran niya. Sa kanilang magpipinsan, si Bianca ang pinaka bulgar ni bibig. Walang preno ang bibig nito kaya minsan, lagi napapaaway sa mga customers niya. Amazona ang pang aasar nila dito.

"Alam mo ikaw, mag aaya kana lang mang aasar kapa! Oo na sige na, gimik na tayo. Walwal na tayo." tawa tawa ko na sabi sa kaniya.

"That's my girl! Saka stress lang talaga ako kaya gusto ko kayong makasama lahat."

"Bakit? Anong problema?" may pag aalala na tanong ko.

Sumandal ako sa swivel chair at pumikit saglit.

"Naku papano ba naman! Nakita ko na naman ang bwisit na Ace Saavedra na yon! Hay nako. Of all people na makikita ko sa simbahan siya pa nakita ko! Aaargh nakakainis talaga." I imagined her faced na nakapout at papadyak padyak.

I can't contained my laugh at talagang napahalakhak na ako.

"Hoy! I hate you! Bakit mo ako pinagtatawanan?" sigaw niya sa kabilang linya.

Pinunasan ko muna ang mumunting butil ng luha sa gilid ng mata ko kakatawa.

"You never failed to make me laugh cous, naiimagine ko na naman yung cute mo na mukha na naka pout habang inis na inis sa Ace mo. Hahahaha!" pang aasar ko sa kaniya.

"What? Anong Ace ko? Aaargh. You monster! Humanda ka sakin pag nagkita tayo.  Ano tomorrow ha? Wag kang mawawala. Sunduin na kita, wag kana magdala ng car."

"Teka, magkalapit lang tayo ng unit. Ba't mo pa ako susunduin? Umuwi ka kila tita?" tanong ko sa kaniya.

"Yup. So pano tom ok?"

When I met Allen HamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon