Chapter 7

19 2 0
                                    


Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din ako dalaw dalawin ng antok, iniisip ko ang usapan namen kanina sa hapag kainan. Ako ba? Ako ba ang dahilan ng paglipat nya ng bahay? Ayoko mag assume. Oo, mayaman sya kaya kahit saan nya gustong tumira magagawa nya. Pero etong lumipat sya sa village namen at kapitbahay pa namen, hindi ko mapigilan magtanong ng kung ano ano. Nasa kailaliman ako ng pagmumuni ng nag ring ang phone ko. Kinuha ko sa side table ang phone ko at nakita ko na ang bestfriend ko na si Mae ang tumatawag. 

Beshy Mae Calling.........

Tamad ko na sinagot ang tawag nya. "Hello?"

"Oh gising ka pa?" 

"Malamang, sumagot pa ako eh." sabay irap ko kahit na hindi nya ako nakikita. 

"HA HA HA." puno na sarkasmo na sabi nya. "Same old pilosopong kate. Tinry ko lang naman na tawagan ka para sana kumustahin ka kung normal pa ba ang pagtibok ng puso mo."

Malakas ako na napabuntunghininga, feeling ko kelangan ko sya ngyon. Kelangan ko ng masasabihan ng problema ko. 

"Mae, I saw him again a while ago sa parking. Nagusap kame." mahinahon ko na sabi sa kanya. 

Mahabang katahimikan bago sya sumagot. "And then?" 

"Hindi nya sinabe direkta kung ano ba ang pakay nya pero malinaw sa mga pinapahitawig nya kung ano ang gusto nya. We will take it slow daw, I mean he will take it slow daw. I don't know mae. At eto pa, nabalitaan ko sa mga kasambahay na sya na ang nagmamay ari ng mansion sa kabila. So it means magkapit bahay kame!!" exxagerated ko na kwento sa kanya. 

"Seriously?" manghang bulalas ni mae at naiimagine ko na ang OA nya na itsura. 

"Uh-uh." sagot ko sa kanya. 

"Edi ang ibig sabihin seryoso sya? To think na nagawa nyang lumipat malapit sayo at sa nakita ko kanina kung pano ka nya titigan mukhang seryoso nga sya sayo ha."

"Hindi ko alam. Basta pag andyan na sya ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Tapos hindi ako makapagsalita ng maayos pag andyan na sya sa harapan ko." pahina na ng pahina ang boses ko. 

"Natatakot ka sa knya?" nang aarok na tanong nya. 

"No!" mabilis ko na sagot. "Hindi ako natatakot sa kanya, pero natatakot ako para sa puso ko mae." 

"Let it be kate. Wag ka muna kase magisip ng mabibigat. Masyado mo inaadvance yung mga pangyayari eh. Enjoyin mo lang." pagpapaliwanag ni mae. "cge na wag kana masyado magisip, matulog na tayo. Maaga pa bukas ang klase naten. Goodnight!" hindi na ako hinantay sumagot ng aking bestfriend na sumagot at pinatayan na ako ng tawag. 

Marahan akong napabuntunghininga at napayakap ng mahigpit sa unan na nasa tabi ko. Pabaling baling ako sa kama. Hindi ako makatulog at hindi din mawawala wala sa isip ko ang mukha ni Alle. What if sya ang kayakap ko? Sya ang katabi ko? Naginit agad ang mukha ko sa mga bagay na naiisip ko. Iling iling ako, No! Hindi pwede kate. ok? Inafatuation lang yan. Wala lang yan. Umupo ako mula sa pagkakahiga at may kinuhang picture frame sa may side cabinet ko. 

Eto...... eto dapat ang mukhang iniimagine ko araw araw. Eto lang dapat ang nagmamay ari ng puso ko. Kim Lourd, miss na kita. 

Bigla kong kinapa ang dibdib ko. Namimiss ko nga ba sya? o nadadala nalang ako sa lungkot na nararamdaman ko. 

Nakatulog akong yakap yakap ang picture frame ni Kim. 


Matyaga akong naghihinatay sa labas ng bahay namin, hinihintay ko ang pagdating ng nobyo ko na si KIm Lourd. Tumawag sya kanina na magkita daw kami at may importante daw syang sasabihin. Nararamdaman ko na! eto na, sa wakas sasabihin na sa akin ni Kim na mahal nya ako. 

When I met Allen HamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon