Chapter 8

16 1 0
                                    


Mataman ko lang tinititigan si Allen hanggang sa matapos itong magluto. Kapagkuwan ay inaya na akong pumunta sa kusina. Asiwa pa ako dahil wala syang suot na pantaas na damit. Pano ako makakakaen ng maayos nito kung ganyan na bfast, lunch at dinner na ang nakahain sa harap ko. Yumuko muna ako sa plato ko ng napagdesisyunan ko syang kausapin. 

"H-Hmm pwede ba na magsuot ka ng d-damit?" nauutal ko pa na sabi sa kanya. 

I heard him chuckle again. Shit! "Hahahaha. Sorry, nasanay kase ako na kapag nasa bahay hindi na ako nagsusuot ng paintaas na damit." masuyo nyang sabi saken. 

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo nya at pagkuha ng isang tshirt sa may isang cabinet malapit sa bathroom. Sinuot nya 'to habang palapit saken.

"Let's eat?" pagkuwan ay sabi nya. 

Nasa harapan ko ngyon ang limang piraso ng pancake na tumutulo pa sa gilid nito ang syrup at butter. Meron din tinapay at ilang piraso ng bacon. Napili kong kumuha ng pancake at dalawang piraso ng bacon. Nagsimula akong kumaen at sa kalagitnaan ng pag nguya ko ng magsalita sya ulit. 

"You like it?" mahinahon na tanong nya. 

Tumingin ako sa kanya at marahan na tumango. Lumunok ako at muli syang tinitigan. "a-ah ikaw lang magisa dito?" tanong ko sa kanya. 

"Yeah. May pumupunta dito everyday para maglinis. Pero ako lang magisang nakatira dito at the end of the day." sumimsim ito ng kape pagkatapos sumagot. 

I know hindi ko na kelangan itanong 'to, but I just want to know his answers. Para na din hindi ko ipamukha palage sa sarili  ko na nagaassume lang ako sa mga actions na ginagawa nya for me. "Bakit ka lumipat dito?" nahihiya ko pa na tanong sa kanya.

"Para mapalapit sayo." kibit balikat na sagot nya at sumimsim muli sa kape nya. 

"Hindi mo naman kelangan gawin 'to." kagat labi na sabi ko. 

Narinig ko ang pagbaba ng baso nya sa lamesa. "Hindi kelangan, pero gusto ko."

Hindi na naman normal sa pagtibok ang puso ko ng muli ko syang hinarap. Ayan na naman ang titig nyang gumigiba at pumapasok sa pagkatao ko. Halos manuyo ang lalamunan ko sa paraan ng pagtitig nya. Shit! Hindi ko kaya 'to. Baka tuluyan na akong bumigay. Nagiwas na ako ng tingin dahil hindi ko kayang labanan ang titig nya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko pero ramdam ko ang titig nya saken. 

"It's rude to stare you know." kunwaring pagsusungit na sabi ko. 

"You want me stop looking at you kate?" 

Tumitig ulit ako sa kanya at nakita ko kung pano umigting ang kanyang panga nya. Bahagya nyang hinawi ang mumunting buhok na nagulo na sa pagkakaipit ng man bun nya. Nangungunot na ang noo habang nakatitig pa din saken. 

"Tell me, you want me to stop?" ulit nya sa tanong nya. 

No! Ayoko. Nararamdaman ko na gusto ko maging selfish pagdating kay Allen, gusto ko na ako lang ang tititigan nya ng ganyan. Gusto ko na sakin nya lang pinaparamdam ang mga pinaparamdam nya saken ngyon. 

"No." halos pabulong ko na sagot sa kanya. Nilalamon na ako ng sistema. Natatalo ako ng presensya nya. 

May munting ngisi ako na nakita sa gilid ng mga labi nya. "Then I won't stop." sagot nya na halos dahilan ng pagputol ng hininga ko.

"Finish your food. Baka malate ka. It's almost 6am, I'll wait for you outside your house. Ihahatid na kita." wala ng ngiti na sabi nya. 

"Pero ihahatid ako ng driver." tutol ko sa sinabe nya pero kalahati ng pagiisip ko na gusto ko ihatid nya ako. 

When I met Allen HamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon