Chapter 15

8 0 0
                                    

Natapos sa masaganang lunch ang date naming ni Allen, sobrang saya ko ngyon. Yung kasama ko siya at hawak niya ng mahigpit ang mga kamay ko, kuntento na ako.. Basta't kasama ko si Allen, lahat ng lungkot na naranasan ko sa mahabang panahon ay napawi.

"Anong iniisip mo Kate?" masuyong tanong sakin ni Allen habang magkahawak kami ng kamay na naglalakad lakad sa park na malapit lang sa Village. Maraming batang naglalaro at ang iba naman ay nagpipicnic sa may damuhan.

Lumingon ako sa kaniya at masuyo siyang nginitian.

"About us.. About everything. You don't know how thankful I am simula nung dumating ka sa buhay ko."

He smiled back and gently hugged me. "Ako din naman Kate, I thought na hanggang patingin tingin na lang ako." He chuckled a little bit.

Nanguno't ang noo ko. "Patingin tingin?" umalis ako sa yakap niya at pinameywangan siya. "So inaamin mo na stalker kita?" I laughed at him.

Nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang baba at kunwaring nagiisip. "Hindi ko alam na may pagka feeler ka pala, Love." He jockingly said.

Pabiro ko siyang hinampas. "Kapal mo! Ano nga? Hahahahaha! San mo nga ako unang nakita? Sa school?"

Giniya niya ako paupo sa bench. Naka dekwatro siya at ang isa niyang kamay ay naka akbay sa amin. Nakatangin kami sa mga batang naglalaro ng magsimula siyang magsalita.

"Libing ng Ex mo nung una kitang nakita.. Dinalaw ko nun si Dad, you are so beautiful even if you cried so hard that time. Sobrang maga ng mata mo and you look so devastated. Hindi ko alam kung ba't ako nasaktan nung nakita kitang umiiyak. I want to wipe your tears and comfort you na everything will be ok, but I can't kasi hindi naman kita kilala. Baka hampasin mo pa ako pag bigla kita niyakap. Hahaha!"

Lumingon ako sa kaniya ngunit nanatili pa rin ang mata niya sa mga batang naglalaro. Yeah, I cried so hard that time na hindi ko alam kung san ako kakapit. Sobrang sakit ng naramdaman ko that time and I hate that feeling kasi feeling ko gusto ko na rin mamatay. Even my mom can't comfort me that time.

"It's still hurt. right?" nilingon niya na rin ako at muli akong tinitigan.

I said that I have to be honest with Allen. Dahan dahan akong tumango.

"It's possible that I can make you happy, right?" muli niyang tanong.

Lumapit ako sa kaniya at masuyong hinawakan ang mukha niya. I can't believe na kaya ko pa lumapit, humawak at magkagusto pa sa lalaki. Akala ko noon na hindi ko na kayang magmahal pa ng iba pagkatapos ng nangyari kay Kim.

"Yes... Of course, Allen. You can make me happy. I don't know what did I do to deserve someone like you sa totoo lang." I assured him.

Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakahawak sa kaniya at masuyong hinalikan 'to. Puno ng respeto at pagmamahal.

"I will do everything to make you happy, Kate. I promise."

"You don't need to promise me anything Allen. Sapat ng andyan ka sa tabi ko at hindi mo ako iiwan." Sabi ko.

I hugged him with so much passion and love.

Hinatid na ako ni Allen bago mag dinner sa bahay namin. Muli niya akong hinarap pagbaba namin ng sasakyan. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at dinala 'to sa kaniyang mga labi.

"Thanks for today, Love... Kahit na nagkaron tayo ng tampuhan kanina." Seryosong sabi niya sa akin.

I smiled at him.

"Hmmm. Let's forget that. Thank you din. Sobrang nag enjoy ako."

Unti unti siyang lumapit sa akin and he cupped my face gently. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay na lumapat ang labi niya sa mga labi ko. Napamulat ako ng mata ng naramdaman ko na sa noo ko dumampi 'to.

When I met Allen HamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon