Chapter 9

12 1 0
                                        

Bakit ko ba nakalimutan ang mahalagang araw na buwan buwan ko naman na pinaghahandaan? Ngyon ko lang nakalimutan ang mahalagang araw na 'to sa totoo lang at hindi ko sinasadya. Masyadong okupado ni Allen ang isip ko kung kaya't pati death anniversary ni Kim ay nakalimutan ko na.

"Pucha mae, nakalimutan ko. H-hindi ko sinasadya." halos nanginginig na bulong ko kay mae.

Lumapit si mae sa katabing upuan ko at pilit akong pinapaharap. "Look at me kate." hinawakan nya ang baba ko at dahan dahan akong pinaharap.
"Hindi purkit nakalimutan mo kung anong meron ngyon na nag uugnay kay kim ay masama kana. Ibig sabihin lang nyan unti unti kanang nakakawala sa mga bagay na nakakapagpalungkot sayo." malumanay na sabi ng kanyang kaibigan.

Malungkot akong tumitig sa kanya ng may naalala ako tungkol sa aking panaginip kaninang madaling araw.

"Mae may napanaginipan ako kanina. Hindi ko alam pero parang bangungot sya para saken, nagising ako na hapong hapo."

Kuno't noo syang nakatitig saken. "Anong panaginip?"

Pilit ko na inaalala ang mga napanaginipan ko kanina. Sumasakit ang dibdib ko sa twing naaalala ko ang mga pangyayari ngunit ayoko gumawa ng konklusyon sa utak ko. Huminga ako ng malalim at nagsimulang magkwnto sa aking kaibigan.

"Naghintay ako sa kanya mae, naghintay ako sa pagdating nya. Sabi nya kase may sasabihin syang importante. T-tapos......" naglulumikot na ang mata ko at hindi na mapirmi. Parang may mabigat na nakabara sa lalamunan ko at hirap na akong lunukin 'to. Nangingilid na naman ang luha ko na kanina pa nagbabadyang tumulo. "Tapos....tapos ulit ulit syang nagssorry saken. Sabi nya kate i'm sorry, hindi ko maintindihan kung anong dahilan ng hinihingi nya ng tawad. Umaasa kasi ako na baka sakaling mahalin na din nya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Pero bakit sya nagsosorry?" napahikbi na ako sa aking tinuran. Hindi ko na napigilan ang sunod sunod na luha na umagos sa mga mata ko.

"Tapos may narinig na akong maingay na parang may nabangga." pagpapatuloy ko sa aking pagkwekwento. Tumitig muna ako kay Mae at marahan syang tumango na ang ibig sabihin ay magpatuloy ako sa aking pagkwkwento. "Tapos sa background may nagsasalita na dead on the spot yung lalaki pero buhay yung babae." halos pabulong ko nang sabi.

"Babae?" takang tanong ni mae.

"Oo, babae. Nakalimutan ko na itanong yon sa mommy at daddy ni kim dahil that time si Kim lang ang iniisip ko."

Mas lalong nangunot ang noo ni mae at mas lumalalim pa ang titig nya saken. "Ang ibig mong sabihin may posibilidad na may kasamang babae si Kim that time na dapat magkikita kayo?"

Nagtataka na ako sa kung saan patungo ang mga tanong nya. "Yun ang narinig ko."

Malalim pa rin syang nagiisip habang tahimik lang nakakatitig saken.
"Hindi ko alam kate martia, pero cross fingers. Sana mali ang mga naiisip ko na niloloko ka lang ni Kim. Yung salitang sorry? Dalawa ang ibig sabihin nya eh."

Nanlalaki ang mata kong hindi makapaniwala sa tinuran ng kaibigan ko. "Mae ano ba!!! Hindi magagawa saken ni Kim yon. Wag ka nga magsalita ng ganyan!" pasigaw ko ng sabi sa kanya.

Matalim nya akong tinitigan at inaaral ang magiging reaksyon ko sa mga kung ano pang sasabihin nya.
"Sige, kung hindi ka nga nya niloko. Kung mali man yung mga naiisip ko. Bakit sya nagsosorry sayo? Sorry kase nasaktan ka nya or sorry kase pinaasa ka nya or sorry kase hindi nya nasuklian yung pagmamahal mo? Kung may kasama man syang babae nung panahon na dapat magkikita kayo, nasan na yung babae? Bakit wala nung burol ni Kim? Bakit walang nabanggit yung mga magulang ni kim na kasama nya nung aksidente? Nung nabangga sya bakit hindi masyadong inalam kung anong pinagmulan? Knowing tita and tito pagdating sa anak nila aalamin nila lahat. Anniversary ng pagkamatay ni kim ngyon at napanaginipan mo yang bagay na yan. Sa tingin mo ano pa kaya ang pinapahitawig ni Kim na dapat mong malaman?" nanguuyam na sabi nya saken.

When I met Allen HamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon