Mabigat na buntong hininga ang iginawad ko pagkatapos tumili ni mae ng pagkalakas lakas. Hindi ko ineexpect na magiging ganito ang reaksyon nya, given na siguro na nagulat sya kase after ng ilang months ng pagmumukmok ay maririnig nya saken ang mga ganitong salita. Pinagtitinginan kame ng mga tao nung muling bumalik sa pagkakaupo si Mae.
"Mae please ano ba? Lower your voice, magkkwnto naman ako ng maayos sayo eh. Hindi mo kelangan gumawa ng eksena. OA ka talaga kahit kelan!" I rolled my eyes as she stares as me seriously.
Lumapit sya saken at pabulong na nagsalita. "Sorry naman! Allen Hames Tiongson known as the "silent lover" ng pamilyang tiongson and oh mark that jet black eyes that can swoon every woman in the town." Exagerrated na pagkakasabi nya.
Yes, his jet black eyes na tumatagos hanggang kaluluwa.
"I don't know him mae. All I know is tiongsn clan owns every luxury things in the town." Seryoso ko na sabi sa kanya
Habang sumisim si mae ng kanyang inumin ay may kung anong pumipigil na ngiti na gustong kumawala sa labi neto. Umayos muna to ng upo bago muling magsalita. "Yes beshy, I doubt na makilala mo sya dahil hindi naman sya nagpapa interview eh. Napaka misteryoso ng taong yon sa totoo lang kate, at hindi lang buong pamilya nila ang mayaman. Bawat isa sa kanila ay may kanya kanyang yaman. Allen owns a yacht, a big and luxurious yacht, ducati motor, mustang cars, a whole condo building in BGC, town house in forbes....name it." mahabang paliwanag nya.
Hindi ko mapigilan na mamangha sa mga narinig ko, sa murang edad ay meron ng taong nagmamay ari non. Oo may kaya sila, pero hindi ganun kayaman. Kumbaga sapat ng naiibigay ni Mama lahat ng pangangailangan nya. May ari si Mama ng isang jewelry shop na hindi nagtagal ay nagkaron na ng branch sa US. Simula ng namatay ang Papa nya 8 years ago ay magisa na syang binuhay ng kanyang mama. Nagiisang anak lang sya kung kaya't lahat ng gusto nya ay nabibigay neto.
"Wala naman ako pakialam sa yaman nya Mae. Wala naman akong pakialam sa kanya." Sagot ko sa lahat ng mga sinabe nya sake.
Isang ngisi at seryosong tingin ang ginawad saken ni Mae. "Nah, don't say that kate. Walang pakialam? If that so... Why would you let a stranger kiss your neck?" tudyo nya pa saken.
"I caught off guard Mae! Hindi big deal yon." namumula ng sabi ko sa kanya.
Matinis na halaklak ang narinig ko. "HAHAHAHAHAHAHA! Ok sabe mo eh, . Pero I bet, mauulit pa 'to. Just enjoy the moment kate."
No!!!!!
"I can't Mae... Magagalit saken si Kim." halos pabulong ko ng sabe at napapikit ako ng bahagyang natigilan si mae sa pagtawa. Alam ko na pagagalitan na naman nya ako kaya hinanda ko na ang sarili ko.
Seryoso lang syang nakatingin sa akin kung kaya't inunahan ko na sya sa pagsasalita.
"Mae, hindi ko kaya. Hindi ko na kayang magmahal pa ng iba. Alam mo yan. Alam mo na si Kim lang ang laman ng puso ko. Hihintayin nya ako kung nasan man sya at hindi sya matutuwa kung magmamahal ako ng iba." Isang butil ng luha ang kumawala sa mata. Pigil at pahirapan na lunok ang tinitiis ko sa namumuong laway na nasa lalamunan ko.
Matalim ang titig sa akin ni mae na parang hindi makapaniwala sa mga salitang binitawan ko.
"You're unbelievable. Pano mo nasasabi ang lahat ng yan? Kinukulong mo ang sarili mo sa isang bagay kate! Bakit hindi mo pagbigyan ang sarili mo na sumaya?Just learn to let go! Baki...."
"NO I CAN'T!!!! I can't let go." Putol ko sa anumang sasabihin nya. "H-hindi ko.... K-kaya...kase..kase mas-masakit pa din. I just....I j-just can't."
Hindi ko na napigilan ang luha na kanina pa nagbabadyang tumulo. Naitakip ko nalang ang mga palad ko sa aking mukha at doon na tuluyang humikbi.
Naramdaman ako ang masuyo nyang paghagod sa likod ko at pagtanggal ng mga kamay ko sa aking mukha. Malumanay na tumingin saken si mae at masuyong tinuyo ang luha ko ng kanyang panyo pagkuwan ay patagilid na yumakap sa akin.
"I will never say sorry for saying those things to you but I'm sorry for not trying hard to convince you na mag let-go na sa mga bagay na nakakasakit sayo. I love you kate, your my bestfriend and it hurts me twice to see you suffer like that."
I just can't believe. My heart warms to every words she said. My bestfriend really loves me.
"Oh mae, I don't know what to do without you." ginantihan ko ng mas mahigpit pa na yakap ang bestfriend ko.
"Sympre ako lang naman bestfriend mo eh." Natatawa nyang sambit sa akin.
Natapos sa masayang pagkkwentuhan ang muli naming pagsasama ni mae. Napagpasyahan ko ng umuwi at magpahinga para bukas. Panibagong bukas na haharapin. Nahiga na ako sa aking kama pagkatapos ko na magshower. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko, after 2 years ngyon ko lang ulit naramdaman ang payapa sa dibdib ko. Isang ngiti sa aking labi ang namutawi bago ako tuluyang lamunin ng antok.
BINABASA MO ANG
When I met Allen Hames
RomanceMinsan mahirap din maraming alam at maraming inaalam. Dahil sa mga bagay na nalalaman mo, doon ka pa mas nasasaktan.