Chapter 11

23 0 0
                                    

Saglit lang ang tinagal ng byahe at hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng bahay namen. Lumingon ako sa kanya para magpaalam na bababa na ako.

"Salamat sa pagsama." mahina ko na sabi.

"Walang anuman. Sige na umakyat kana para makapag paalam kana sa inyo na samin ka magddinner." walang emosyon na sabi nya.

Saglit ko pa sya na tinitigan at matamis na nginitian. Iba talaga ang epekto sakin ng taong 'to. Nagagawa nyang ilabas ang iba't ibang emosyon na nakapaloob sa pagkatao ko.

"Hmmm. Sige, give me 1hr to prepare tapos pupunta na ako sa inyo." nakangiti ko pa din na sabi sa kanya.

Mahinahon lang nyang akong tiningnan. Sinusuyod ang buo kong pagkatao. Dumako ang mga mata nya sa ilong ko, pababa sa mga labi ko. Matagal nyang pinakatitigan ang labi ko. Napapalunok na ako sa paraan ng pagtitig nya. Napakagat labi na ako sa init ng pisngi at sa init ng nararamdaman ko. Nakita ko pa ang paglunok nya at ang marahan na pagpikit.

"I said stop biting your lip kate." mahinahon na sabi nya.

Napanguso ako sa tinuran nya. "Ano bang masama don?"

"You don't know how much I want to taste those lips." nakaigting na ang panga nya sa bawat salitang binibitawan nya.

Nabibingi na naman ako sa bilis ng pintig ng puso ko. Hindi na naman normal at hindi ko pwede itanggi na gusto ko maramdaman ang sinasabi nya, sobra sobrang pagtitimpi ang ginagawa ko para lang hindi mahalikan ang malalambot na labi nya.

"Go on." walang inhibisyon na sabi ko. Ayoko na magkaila, sobrang nilalamon na ako ng sistema at natibag na ang pader ng buong pagkatao ko. Naliliyo na ako sa sensyasong pinaparamdam nya saken. Hindi ko na kayang itago pa.

"Are you sure?" nagtitimpi nang sabi nya. Naririnig ko na ang pangangalit ng kanyang ngipin sa sobrang panggigigil.

Dahan dahan akong tumango. Wala ng atrasan. Allen will be my 1st kiss kung matutuloy 'to at sigurado ako na wala akong pagsisisihan. Ngyon ko lang naramdaman 'to na kahit kelan hindi ko naramdaman kay Kim.

Unti unti syang lumapit sakin habang hindi pa din inaalis ang mga titig nya sa labi ko. Napakagat labi na naman ako sa ginagawa nya.

"Please don't bite your lips. Please." nakapikit ng sabi nya. Mas lalo ko lang kinagat ang labi ko dahil puno ng kuryosidad ang isip ko kung anong susunod nyang gagawin.

Halos tumigil ang puso ko ng binigla nyang ilapat ang mga labi nya sa labi ko. Napapikit ako sa kabang nararamdaman ko. Tama nga ang hinala ko, napakalambot at napakatamis ng labi nya. Ngunit nakukulangan pa ako, may gusto pa akong mangyari. Halos mabuhol ang bituka ko ng ginalaw nya ang labi nya at pilit binubuka ang labi ko sa pamamagitan ng mapangahas nyang dila. Ang init init na ng pakiramdam ko. Sumusunod lang ako sa bawat galaw ng labi nya, panibagong pakiramdam 'to para sa akin pero nagugustuhan ko at patuloy pa rin akong nanabik. Ilang segundo din kaming naghahalikan ng siya ang unang bumitaw.

Hinihingal pa akong kinakapos sa hangin sa pagkabitaw nya. Nagmulat ako ng nakita ang malalim nya na titig sa akin. Malalim, sobrang malalim. His eyes gaze mine as we collide in that hot steamy kiss. Napakagat labi na naman ako at hindi ko alam kung gaano kapula ang mukha ko.

"You're biting your lips again. So you want another kiss?" ngising tudyo nya sa akin.

Mas lalo akong namula sa tinuran nya. Napanguso ako sa pang aasara nya, pabiro ko syang hinampas sa balikat.

"Baliw ka." nangingiti ko din na sabi sa kanya. 

Si Allen ang first kiss ko at wala akong pinagsisisihan na sa kanya ko 'to binigay. Hindi ko pangungunahan kung ano man ang meron sa amin, tulad nga ng sabi ni Mae enjoyin ko lang. Huwag ko masyado dibdibin ang mga pangyayari. 

When I met Allen HamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon