10.Day 2

712 14 0
                                    


Samantha

Second day of trials na. Mas nachachallenge pa yata ako sa pagsuyo kay Al kaysa sa pagaaral sa pagmamanage ng shop. Ang moody kase masyado ng lola naten. Minsan mahinahon minsan naman biglang magsusungit tapos tatahimik. Si Mia na nga lang ang halos kausap ko maghapon sa shop kahapon.

Di kaya dahil sa pagyakap ko sa kanya kahapon ng umaga kaya naloka yung lola naten?

Hindi ko na kasi napigilan yung sarili ko since muka syang lifesize teddy bear. Besides gusto ko lang ipadama sa kanya na tapat ako sa paghingi ng tawad.

And i know it works. Naramdaman ko sa 6th sense ko na naluha sya. Yey. Stepping stone for me. 🤗 hindi ako natuwa sa pagluha nya' natuwa ako kase naappreciate nya ang sincerity ko.

Ngayon kaharap ko na naman sya. Kanina sinundo ko sya at syempre nakatikim na naman ako ng luto ni tita. Panalo. Yung figure ko neto ang mukang matatalo pero ok lang,di naman habang buhay matitikman ko ang luto ni tita kaya lubusin ko na.

Hindi na sya tumanggi ng sunduin ko sya. Sana nga unti unti na syang lumalambot at mapatawad na nya ako ng tuluyan.

Pero sa ngayon mukang lumabo na naman ang chance ko kase nagsusungit na naman sya.

"Sabi ko kase ganito. Oh ganito. Kung ano ano pang pinagpipindot mo". Sabi nya while showing me how." Ang hina ng kukote mo". Mahina lang ang boses nya pero yung ugat nya sa leeg naglabasan na sa gigil sakin. Tapos yung kilay nya naging isa nalang. Whaa san napunta yung isa? Nagsalubong lang nagkaganun na. Parang isang pindot lang ng pagkakamali makagalit sya wagas.

Napatingin ako kay Mia and mouthed her help me kase natatakot na talaga ko kay Al pero sorry lang ang ibinuka ng bibig nya. Mukang takot din sya pag beastmode si Al.

"Hindi ka na naman nakikinig. Ano ba? Take this seriously will you? I dont want to waste my saliva with nothing". Yan na naman sya.

"T-tanghaling tapat ang init ng ulo mo. If you're lacking out of it i will gladly donate". Joke ko hoping she'll smile a bit from it pero instead lalo syang nagburst out at pumamewang "PERVERT". Sigaw nyang umalingawngaw sa loob ng kulob na shop. After that iniwan nya ko sa table at pumunta sa hilera ng glass cabinet at doon naglagi. Parang kinakalma yung sarili sa sobrang galit sakin.

Nagkatinginan kami ni Mia at sabay napabunghalit ng tawa. "Pfffft. Pervert ka pala eh hahahahahaha". Asar pa Mia.

"Wahahahaha ang ganda kong pervert". Asar ko pabalik. Chorus uli kaming tumawa habang nakahawak sa tyan. Tinignan na kami ng masama ni Al pero di kami tumigil. Parehas na kaming naluluha at di pa sana titigil ng may pumasok na lalaki sa shop. Keen lang ito at tingin ko may edad na. Naka sumbrero na blue na may print na express Padala saka tinernuhan ng light blue uniform na may ganun ding imprenta sa bulsa ng poloshirt nya. Inshort delivery man. May dala itong bouquet ng pink roses at nagpabaling baling ang tingin saming tatlo.

"Yes?".  Ako na nagsalita sa lalaki. Tumayo ako at nilapitan ang lalaki. Nilagpasan ko yung dalawa na tahimik lang sumunod ang tingin sa paglakad ko.

"Ahh". Sumilay ang ngiti nito sakin na parang nakita na nya yung hinahanap nya. "Delivery po para sa inyo Miss-". Huminto sya at tinignan ang notebook na dala nya. Baka akin nga. Padala ng fans. Haha. "Miss Alrish?". Ngiti sya uli at iniabot na sakin ang bouquet.

"Akina yan. Kelan ka pa naging Alrish?". Inagaw na agad ito ni Al sa kamay ko at ngumiti sa lalaki. "Ako po si Alrish. Sino naman po ang nagpadala nito?".

"Ayaw pong ipasabi maam. Paki sign nalang po nito".nagtataka man si Al ay pinirmahan nya ang tinuro ng lalaki at umalis na agad ito.

"Wow. May admirer si ms.terror."tawa uli si Mia.
Hindi na ko natatawa. May boy o girlfriend na ba si Al? May pabulabulaklak pa talaga

Still Into You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon