Alrish"May nakalimutan pa ba ko? Sunscreen. Check. Outfits. Check. Wallet phone charger headset make up check. Ahmmmm. Am i missing something?". Natataranta kong bulong sa sarili ko while checking my things. Somethings missing i think. Ano ba yun di ko matandaan.
"Oo meron. Nasaan yung binili kong swimsuit para sayo? Yung terno tayong tatlo?". Biglang sumulpot mula sa likuran ko si ate Lindsay. Sinundo kasi nila ako sa bahay para daw walng kawala.
I almost forgot about the swimming kaya tulog pa ko ng dumating sila. Nakakahiya. Nag half bath na nga lang ako para mabilis. Pati si tito at tita naghihintay sa sala. Goodthing di pa nakapasok si mama at naaasikaso pa nya ang mga ito.
"Ahh. Oo nasa drawer.". Kinuha ko ang swimsuiy sa drawer. Naalala pa talaga nya yun.
"Tara na Guys. Tatanghaliin tayo masyado." Sam signalled us making her way inside my room. Omg. Kakahiya. Ang kalat kalat pa ng room ko nag umpukan na sila dito.
"Ok tara na labas na". Tinaboy ko na sila bago pa makantyawan ang kwarto ko. Hindi ko na inalala.kung ano pang kulang sa dala ko. Isa pa mukang di naman importante yun.
Nagpaalam na kami kay mama at lumabas. Naghihintay na sa loob ng van si kuya Jas kasama ang girlfriend nya. First gf i thought. Ngayon nya lang kase shinow ogf ang special someone nya sa family nya. Well ok naman to. Maganda maputi matangkad and add her killer smile on it. Almost perfect.
"Tabi na kayo ni Samantha sa backseat. Tabi nalang kaming tatlo nila mom and dad sa gitna". Sabi ni ate Lindsay na hindi na ko hinayaang magcomplain dahil sumakay na sa tabi nila tita.
"Una kana". Sam pointed the seat for me. This stunning girl. Bat nga ba ngayon komlang napansin na napakasexy nya at walang wala ako sa outfit nya? She's wearing a white crop top and ripped shorts. Simpleng slippers at nakabeach hat and dark shades. No make ups. Her hair is in a messy bun. Ganun pa man. She looks perfect. "Uy. Sakay na. Wag mo.kong titigan baka matunaw ako".
"Tse. Kapal ng muka". I gave her a deadly roll of an eye at umupo na ko sa loob ng van. Nakita ko namang nagngingitian lang ang mga nasa loob.
"They can make a cute couple". Baling ng girlfriend ni kuya Jas kila ate Lindsay.
"I know. Bagay na bagay di ba? Kaya lang di nila napapansin and im sad for it". Si tita.
"You're blushing". Nangingiting sabi ni Sam. Hala. Totoo nga ba? Napahawak na tuloy ako sa pisngi ko.
"Hindi naman eh. Epal ka talaga". Sabi ko saka lumayo ng konti sa kanya dahil ang lapit lapit.ng pagkakaupo nya sakin e ang lawak namn ng upuan. Halos magkadikit na mga braso namin.
"Stop teasing Al. Baka umiyak yan wala tayong dalang lollipop". Lalong nagtawanan ang mga nasa loob sa banat ni kuya Jas. "Ok all set? Lets move". Then forward we go. Welcome soon Mailaya Beach. First time kitang mapupuntahan bilang pinakasikat na beach sa luzon.
Katahimikan. Bida talaga sya sa maraming scene pansin nyo? 😂 kidding aside. Si ate Lindsay nagpasak na ng headset sa tenga at pumikit. Si tita at tito ay magkasandal sa isat isa at pumikit narin. Si kuya Jas at ang gf nya ay mahinang nagkukwentuhan sa harapan. Si Sam naman busy sa pagpuphone. Ako? Nganga. Tunganga nalang muna sa bintana. Ganto kami mahigit isang oras na. Ang layo pala talaga ng pupuntahan namin. Nakakangawit sa pwet umupo.
"Pst". Narinig kong tinatawag ako ni Sam. Di ko sya pinansin. "Uy". May kasama ng kalabit ngayon. Napakunot na ang noo ko. Ano na namang kaepalan ang pinaggagagawa nito? "Al". Bulong nya sakin at nakalapit na pala sya sakin.
"Anu ba". Bulong ko pabalik na masama ang tingin sa kanya. Umusog ako at nagitgit na ko sa bintana. Para akong napaso sa balat nya. Is she a devil? Psh.

BINABASA MO ANG
Still Into You (ON HOLD)
Fiksi RemajaGirlsxGirls .. kung hindi bet ok lang 😁 a story about two girls who want to get over with their past relationship. A good closure is what they intend to have in able for them to move forward. While in the process of it something confused them. Kun...