21.Confusions

743 17 1
                                    


Alrish

Home atlast. Hindi ko namalayan ang bilis ng byahe sa mga agam agam na nasa utak ko. We left at 6pm and arrived at my place at 12. Katabi ko sa 3rd row ng van ang magjowa. Mahimbing silang natutulog na magkayakap. Sweet no? Sarap bagsakan ng libo libong antik.

Pero ngayon Naguguilty ako. Ive never felt this kind of guiltiness in my life. Para akong kumabit. Nagpadala sa tukso. Higad. Malandi. Kanina lang muntik ko ng ibigay ang sarili ko kay Sam. Without stopping her. Anung pumasok sa kukote ko?

Even though im convincing myself na dala lang iyon ng alcohol ay di ko pa din maiwasang maguilty. What if its only a trap to measure me? E di nakakahiya ako?

"Alrish. Sleep tight 'kay? See you tomorrow". Nagpaalam pa si Sam bago ako makababa ng van. Pang asar lang talaga? Tumango nalang ako at mabilis na pumasok sa bahay matapos maiunlocked ang pinto.

Madilim na at tulog na si mama. Ayoko na syang istorbohin pa kaya tahimik nalang akong pumasok sa kwarto ko at binalibag sa marumihan ang bag kong may laman na mga damit na nagamit ko sa outing.

Pagkatapos kong magritual (halfbathing) ay humiga na ko sa kama at mabilis naman akong nakatulog Sa sobrang pagod at sa tama na din ng alak.

---------------

"GoodMorning Alrish. Kwento naman jan". Aga aga tsismis ang gustong malaman ng Mia na to. Ano naman kayang gusto nyang malaman? E alam naman na siguro nya ang dapat maexperience pag nag outing. Enjoy relax chill un lang.

"Ang boss natin? Wala pa ba?". Iniba ko nalang ang topic at tinanong kung nasan si Sam. Nilagay ko na din ang bag ko sa table sa sulok since kadadating ko lang. Na.late na nga ko ng 18 minutes eh. Good thing walang biometrics sa shop. Log in and out lang.

"Ay. Di sinagot ang tanung ko? Hmp. Dumating na sya pero nagpaalam na may bibilhin muna. Bakit nga pala hindi ka nya sinundo?". Napaka usi talaga ng babaeng to. Kahit nagsusulat na sa log ng inventory nakukuha pang mag gossip sakin.

Pero nagtataka din ako. For the first time since she work here ay hindi nya ko sinundo sa bahay. Kaya nga na.late ako eh kakaexpect sa kanya.

Wait. God may kinalaman ba dun ung nangyari kahapon? Baka naman nandidiri na sya sakin dahil napatunayan nya kung gano ako ka easy to get.

In fact dahil sa nangyaring yon hindi ko na naasikaso si Jhane the rest of our stay there. Pati number man lang nya ay hindi ko nakuha.Masyado kaseng naoccupied ang isip ko ng incident na yon. Lalo na nung nakita kong pagbalik ni Sam sa tent after what happened ay binalewala na nya ako at naging mas extra sweet sya kay Roxy which is dapat pinagpapasalamat ko pero something in me hurting badly. I just ignored the fact and go on with the flow to avoid issues and attractions. I jut hid my feelings since then.

"Hoy ano ng nangyari sa muka mo? Para kang natuklaw ng ahas jan". Tinignan ako ng may pag aalala ni Mia ng hindi ako nakasagot sa tanong nya.

"Nothing. I think i just left something at home. Hindi ko lang maalala". Pagpapalusot ko nalang so she'll drop the topic.

"Signs of aging sister. Masyado ka kasing seryoso sa buhay". Sabi nya at muling binalik ang atensyon sa inventory.

"Sinong tumatanda na?". From the sliding front door umentra sa usapan namin si Sam kaya napatingin kami ni Mia sa kanya. May dala pa syang dalawang malaking paper bag.

"Eto si Alrish. May nakalimutan sa bahay na hindi matandaan. Napaka UL eh". Si Mia ang sumagot. Hindi din naman ako interasado sa topic kaya hinayaan ko na silang mag usap at pumunta na ko sa harap ng computer to start checking the mails.

Still Into You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon