Theme song for this chapter .. Please watch before scrolling down thank you 😁
Samantha
"Hey. Ahm. Is it ok if i join you two? Para nadin makilala kta at gusto ko ding mabura yung bad impression ko na nabuo sa isip mo Jhane. Lets start all over again" kararating lang namin sa restaurant na gusto ni Jhane at may nakareserved ng table for 3 dahil expected na daw nya ako. Hindi pa kami nakakaupo ay nilinaw ko na ang intensyon ko sa dinner na ito sa numero uno kong karibal. But then sabi nga ni ate Lindsay. Take it easy. Dont let your emotions bring you down.
"Huh?". Lang ang nasabi nya at napataas ng kilay ng tingnan ang kamay kong nakalahad. Gusto ko nga makipagshake hands e bakit ba?
"Jhane she just wanted to shake hands." Sabi ni Al na halatang nag uumpisa na ding magpanic. Tinignan ko sya ng relax-ka-lang look para makampante sya dahil ito naman talaga ang gagawin ko. Magtitimpi ako hanggat kaya ko. Pag di ko na kaya. Walk out. Ganun lang naman yun e.
"Okay. Truce is all i can offer Samantha. I dont play bitches game." Tinanggap nya saglit ang kamay ko saka mabilis ding tinanggal na para pang napapaso sya. Napakaarte lang talaga. Naku. Relax lang Sam.
"Okay. We can sit now". Sabi ko para makalma na ang lahat. Sumunod naman ang dalawa at umupo kami ng may mga pagitan sa isat isa.
Naka uniform pa din si Al samantalang ako suot ko padin ang floral dress ko. Si Jhane naka office attire. She look hot and sexy kung d lang sya tomboy baka madami na syang napaikot na lalake sa kamay nya. But then dahil nga maappeal din naman ang asungot na to mukang madami na ding napaikot na babae sa buhay nya. Kung maglalaban kami lamang sya sa height ganda at appeal pero sa charms at tikas wala xang panama sakin.
"Jhane ikaw nalang ang mag order ng sakin. Alam mo naman. I dont know what to eat here. Parang lahat ng pagkain may scientific name". Natawa si Al sa sinabi nya. Napangiti din ako. Hindi padin sya nagbabago. Kahit nung kami pa ay ako din ang pinapaorder nya pag sa restaurant kami kumakain dahil wala syang idea sa mga foods na nasa menu. One time na nag order sya pickles ang binigay sa kanya. Hindi pa naman sya nakain nun sabi nya parang ang sarap daw kase ng name ng pagkain kaya yun ung pinili nya. Ako naman natatawa nalang kahit alam kong pickles ang napili nya ay hindi ko sinabi.
"You eat crabs?". Magiliw na tanong ni Jhane sa kanya. Nakamasid lang ako sa kanila at natutuwa sa flow ng usapan dahil sa kainosentihan ni Al.
"Baka mahirapan ako magbalat. Nasa restaurant pa naman tayo". Nag aalinlangan na sabi ni Al.
"May crabs dito na aligi at laman lang ang siniserve Al. You can take it". Singit ko naman.
"Talaga ba? Sige yun nalang". Sagot nyang nakangiti sakin. Actually alam ko takam na takam na sya dahil like me paborito din ni Al ang crabs. Madalas na ito ang ulam namin nung naglilive in pa kami at ako ang laging kawawa dahil ako ang tagahimay nya.
Hays ano ba Sam. Puro nalang past nyo ang naaalala mo. Kaya hindi ka din maka move on eh kase lamang sayo ang pagkamiss sa kanya kesa ang makalimutan sya.
Lumapit na ang waiter at kinuha ang mga order namin. Habang naghihintay kaming dumating ang mga ito ay dinalahan muna kami ng maiinom ng waiter saka ko naisipan magopen ng topic para hindi naman awkward ang eksena makalipas makaalis ng waiter.
"You look good at your business attire. Where were you working?". I asked Jhane after awhile.
Sumandal sya sa upuan at nagcrossed legs bago sumagot. "Not really working. Just helping my dad a little. Some of his deals can only be closed by me for some reasons."
"Wow. E d ikaw na". Biro ko sa kanya na dahilan para tingnan nya ko ng masama. Haynaku hindi ba makakuha ng biro ang taong to? "Just kidding. Expression lang yun Jhane."

BINABASA MO ANG
Still Into You (ON HOLD)
Teen FictionGirlsxGirls .. kung hindi bet ok lang 😁 a story about two girls who want to get over with their past relationship. A good closure is what they intend to have in able for them to move forward. While in the process of it something confused them. Kun...