"No, there can't be! I'm sure he's hiding something. Dig deeper you idiot?! I'm not paying you for nothing!" Sigaw ko sa tauhan ko sa kabilang linya.
Imposibleng wala siyang makitang butas laban kay Mitchell Horecois. He blackmailed me para lang sumama ako sa kanya dito sa Flademia. Apparently, wala akong nagawa pagkat nagkaanumalya ang negosyo ko sa Manhattan dahilan para mapasama niya ako dito.
He's a very wise man kaya naisip kong paimbistigahan siya sa mga tauhan ko. Iyon lamang ay wala silang mahanap na kahit anong maaring magamit ko laban dito and that alone frustrates the hell out of me.
Mga ilang buwan na rin simula nang kulitin ako ni Mitchell Horecois na umuwi ng Flademia. Makailang ulit na rin akong tumanggi sa mga suhol niya sa akin pero makulit siya at iginigiit na dapat akong sumama sa kanya.
Two months ago, man nangyari at nabulilyaso ang negosyo ko. I sell guns. Illegally. I can't afford to have a license for my business. At isa pa, mauubos lang ang pera ko kakabayad ng buwis. I can't let that happen dahil pinaghirapan ko ang perang iyon.
Nagkaroon kami ng problema ng CIA. They were looking for me pero hindi nila ako nahuli. Kaya wala akong magawa kung hindi pahintuin ang transaksyon ng negosyo ko pansamantala.
And that's how Mitchell Horecois came into the picture. Ginamit niya ang sitwasyon para mapapayag ako. Sumama na rin ako. I wanna see how much the old man can offer me.
Pero naiinis akong wala akong mahanap na kahit anong laban sa kanya kung sakali mang gusto kong kumawala sa kanya. He has a clean record pero hindi ako naniniwala. Lahat ng tao may itinatago at lahat ng ginagawa niya ay may kapalit.
"Hijo!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Speaking of the devil, nandito na yung taong umuokupa ng isipan ko kanina pa. The old man smiled at me na parang walang kahit siyang anong ginawang masama. But I know better. He's a very successful businessman kaya impossible talagang malinis na tao siya.
Hindi siya makakarating sa kinalalagyan niya ngayon kung wala siyang naapakang tao. In fact, I heard na mas mayaman pa siya sa royal family ng bansang ito. I smiled at that thought. Paano naging posible iyon kung wala siyang ginawang kahit ano?
I smiled back at him at inaya siyang umupo. I asked him if he wants to drink anything pero umiling siya. Naupo na rin ako sa harapan niya. How I wanna read what's going inside his brilliant mind pero hindi ako agad nagsalita. Kailan kong bilangin ang kilos ko nang hindi magkamali. I know one wrong and I'm done. Para lang akong langgam kung ikukumpara ako sa kanya.
"So, how do you find the place so far?" Patukoy niya sa penthouse kung saan niya ako pinatutuloy ngayon. He said that it was supposed to be for his son pero sa di malamang kadahilanan ay ayaw nitong tanggapin ang apartment. It was a very spacious place I must say. Nakatayo ang gusali sa gitna mismo ng Metro Primo, ang capital ng bansa at kitang-kita ang buong siyudad mula mismo silid ko dito sa apartment.
It's a very luxurious place. Halatang ang may mga kaya lang ang makakakayang tumira dito. I heard that Mitchell owns this building as well at hindi lang ito ang pagmamayari niya.
"It's a very spacious place, won't you agree Mitchell?" Komento ko.
"It is indeed. I told it was actually for my son. You met him before. Ayaw niyang tanggapin so naisip kong ipahiram muna sa iyo. Hindi ko nga maintinhan ang anak kong iyon. Ni ayaw niyang tulungan ang kapatid niya sa business namin. Hindi ko nga alam kung bakit mas pinili niyang maging diplomat kaysa pamahalaan ang negosyo. Hamak na mas malaki naman ang inaalok ko sa kanyang sahod." Natatawang kwento ni Mitchell sa akin.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 2: Something Like You [COMPLETED] R-13
RomansaThe Ill-fated story of an illegitimate royalty.