XI

747 23 0
                                    

Kahit na siguro sabihin pang matigas ang pangangatawan ni Gerard at mistulang batu-bato, it is the comfortable pillow I've ever lied on. Maybe because of his scent or the simple fact the he is Gerd, my man. Ang sarap ulit-ulitin sa isipan.

He always makes me feel safe just by being there. Sometimes I asked​ myself what have I ever done to deserve him. He's too good to be true.

Masaya rin akong nakikitang nagiging mas maaliwalas na ang itsura niya sa mga nakalipas na araw. He's glowing as if he's in love. He is inlove, that's what he told pero noon alam kong may kulang sa kanya and I know that he's aware of that too.

I've talked to Mason the other day. Alam ko kasing siya ang madalas makasama ni Gerard. Ang sabi lang niya ay pakiramdam niya ay malapit nang magkaayos si Gerard at ang papa niya. Kahit hindi sabihin ni Gerard ang mga nangyari, alam kong magiging ganoon nga ang kahihinatnan noon.

Hindi rin lingid sa kaalaamang kong madalas siyang magtungo sa Prime Palace para bisitahin ang ama niya. Gayun din para idikusyon ang tungkol sa lupang ibinigay sa kanya ng hari. Ayon sa pagkakakwento niya sa akin, madalas daw niyang makaausap doon ang reyna. Mabuti daw ang pakikitungo nito sa kanya at mistulang tanggap na tanggap siya. Ang sabi pa niya, minsan ay nahihiya siya rito pagkat sa sobrang bait nito sa kanya ay mistulang nauutal siyang bata kapag kinakausap niya ito.

Princess Liane and Prince Ethan seems to be nice too. Sabi ni Gerard, may mga pagkakataong nagkakausap na silang magkakapatid pero hindi maiwasang magkailangan sila pagkat hindi naman kasi sila lumaking magkakasama. They're technically strangers to one another.

I just can't believe na may ganitong side si Gerd. Para siyang batang nagsisimula palang mangapa sa mundo. Which makes adorable and sexy at the same time. He's too cute!

I held him closer and inhaled his scent. It's really quite addicting. But what can I do? I can't get enough of him. Gusto ko lang siyang makasama siya nang mas matagal pagkat alam kong maya-maya lang ay tutunog na ang alarm clock at gigising na siya. Pagkatapos noon ay babangon na siya and then he's gonna start his long day of work and endless meetings.

I just wanna have him with me for a little longer. Baka kasi kinabukasan nanaman siyang makauwi. And just the thought of that makes me miss him now kahit na magkasama pa kami.

"What's with the cuddle? Nakakapanibago. I'm usually the one who's doing that." Puna niya sa akin. Imbis na sumagot, lalo lang akong humigpit nang pagkakayakap sa kanya at natawa na lang siya. Hanggang sa tumunog na ang alarm niya at napilitan kaming dalawang bumangon na.

"Hey, bakit ka nakasimangot?"

"Wala. I just don't​ wanna miss you. How 'bout we stay here nalang?" Suhestiyon ko pa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero wala talaga ako sa mood lumabas ng bahay. And I just wanna stay here with Gerd kahit ngayong maghapon lang. Gerard tilted my head and gave me a peck pero hindi parin maalis ang pagsimangot ko.

"You we can't. Both of us have to make a living, you know." Malumanay na sabi pa niya. Nanatili lang akong tahimik at hindi umimik. For the simple reason that I just wanna be with him, pero hindi niya ako mapagbigyan. Is that too much to ask?

"Hey, how 'bout you join me in the shower and have a little quickie? Mukhang bitin ka yata kaya ka nagkakaganyan." He said hoarsely in my ear. Namula naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Sinapo ko siya sa mukha pagkat nagsisimula nanaman siyang umisa. Gusto ko lang na kasama siya ngayon but it doesn't mean that I have to do things with him. Although that wouldn't be a bad idea. But the point is, gusto ko talagang mag-stay na lang kaming maghapon dito.

"Tory, ano bang nangyayari sa iyo?" Natatawang sabi pa niya as if amused that I'm acting like a child.

"Um-absent ka nalang kasi. Gusto ko dito lang tayo maghapon. Kahit ngayon araw lang." Maktol ko pa.

Flademian Monarchy 2: Something Like You [COMPLETED] R-13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon