I didn't know our honeymoon would cut up short. Now we fly to London for my sister in-law Liane, she was about to give birth and my husband was being frantic about it. Kanina pa siya hindi mapakali kahit na nakasakay na kami nagbi-biyahe sa himpapawid.
"Hey, relax will you?" Pinunasan ko ang pawis niya sa noo. Para na naman siyang batang hindi mapakali.
"How could I do that? Ni hindi ko alam kung kasama ba siya doon o ano. Paano kung walang nagaasikaso sa kanya? Paano mapanghinaan siya ng loob kasi wala siyang kasama?" Muli ay pinisil ko ang kamay niya. Hindi ko siya puwedeng diktahan kung kailan siya magaalala para sa kapatid niya. All I could do was to be there for him and support him.
I can see how have much have changed about his relationship with his sister. Walang-wala na talaga yung dating lalaking puno ng pagtatampo dahil pakiramdam niya ay pinagkaitan siya ng lahat. He cares dearly for his sister hindi katulad noon na parang wala siyang pakialam.
After over eighteen hours of flight, agad kaming dumiretso sa ospital kung saan naroroon si Liane. Nasa OR na siya at hindi kami hinayaan ng mga tao doon na tumuloy sa loob pagkat maselan ang lagay ni Liane. Ang sabi ng doctor ay nagkaroon daw ng bleeding si Liane pero ayos na daw ito ayon sa doctor. Ngayon ay kasalukuyang nagli-labor na ang hipag ko.
Hindi ko inakalang makikita ko roon ang chairwoman ng Horecois Industries. Si Jessica Horecois at nakasunod sa kanya ang pinsan ng dati kong asawa, si Mason Owens. Mason and Gerard shook hands ako naman ang bumati sa chairwoman.
"Your Grace." Pormal na bati niya naman sa akin. Kung alam lang niya kung gaano ko siya ini-idolo bilang isang babae. Kung naiba lang ang pagkakataon ay dito mismo sa kinatatayuan ko ay iimbitahan ko siyang gumawa ng exclusive interview na matagal ko nang pinapangarap. But there are more important things than that right now.
"Ms. Horecois, if you don't mind me asking.. Anong ginagawa mo dito?" Alangang tanong ko pagkat hindi ko alam kung paano siya ia-approach.
"My sister in-law, the Princess Regent was about to give birth to my brother's child. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam ang kapatid ko. I was with that prick right there and he got the call. Nagalala din ako kaya sumama na ako dito. Pamangkin ko rin ang bata kaya naisip kong baka kailangan ngayon ng hipag ko nanag emotional support kahit papaano." Simpleng palawanag niya at tumango na lang ako.
Oo nga't kapatid nga pala siya ni Wilson. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung bakit nagagawa ni Wilson na wala siya sa tabi ng kanyang asawa. Paano niya natitiis ito? Ni alam man lang ba niya na manganganak na ang asawa niya ano mang oras ngayon?
I don't wanna judge the guy. Nang minsang magkausap kami, ayon na rin sa obserbasyon ko, wala naman sa tipo niyang mag-aabanduna ng asawa lalo na't buntis ito.
"Alam mo hanggang ngayon, hindi ko parin maintidihan kung bakit nadi-disappoint ang mga tao sa pagalis ng kapatid ko. I mean, he was capable of doing that. Abandoning the people who needs him the most?! Trust me, I've experienced that first hand." Biglang sabi ni Jessica Horecois sa tabi ko. I can sense bitterness in her voice.
"Jessica! Wala kang alam kaya manahimik ka diyan!" Saway ni Mason. Narinig pala niya ang sinabi ng chairwoman. Umirap lang sa kanya si Jessica at tumalikod. Madilim naman ang anyo ni Mason dahil doon. Iyon yata ang unang beses na nakita ko siya ganoon. Tila pikon na pikon.
"Boy kano, hipag, wag kayong makinig doon. Maldita talaga yung babae na iyon, madalas matabil ang dila. Lumaki kasing spoiled. May inaasikaso lang si Wilson. You know... Self issues. Huwag kayong makinig doon." Paliwang sa amin ni Mason at pagkatapos ay sinundan na si Jessica pagalis. Kaming dalawang mag-asawa nalang ang natira doon.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 2: Something Like You [COMPLETED] R-13
RomanceThe Ill-fated story of an illegitimate royalty.