"Can I ask you a favor? Can you set me up on a date with Jessica. The chairman I mean. I just wanna talk to her about something." Iyon lang ang sinabi ko at mukhang tuluyan nang nawala sa katinuan si Mason Owens.
Kinwelyuhan niya ako at idinantay sa madilim na bahagi ng forty-eighth floor kung saan walang tao sa paligid. Pangatlong beses nang nangyayari sa akin ito simula nang dumating ako dito. Una, ang mag-amang Horecois at ngayon naman, si Mason Owens.
Naramdamn kung may kung anong nakadaiin na malamig na bagay sa tagiliran ko. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano iyon. Mason Owens just pointed a gun on my ribs.
"You listen to me boy kano. Hindi nagbibiro si Wil nang sinabi niyang delikatong tao kami. In fact, sa aming lahat sa grupo namin ako ang hindi takot gumamit nito. I can end your life here if I want to, pero hindi. Maswerte ka dahil protektado ka ni Uncle. But stay away from Jessica. Hindi ko alam kung anong binabalak mo pero ayokong makitang lumalapit ka sa kanya. Maniwala ka sa akin kapag sinabi kong hindi ako natatakot kahit sino pa ang magulang mo. Uulitin ko, layuan mo si Jessica bastardong prinsipe." Galit na galit ang mata ni Mason na nakatingin sa akin.
He was like an animal ready to kill. Nanlaki ang mata ko sa sinabi. He knows about my identity? Paano? Sino ang nagsabi sa kanya tungkol dito. Looks like I've underestimated him.
I've read about him to throughout the file that Mitchell has given me. He was indeed a dangerous man. Ang sabi sa files, siya ang nagmimistulang hitman ng grupo kapag may 'casualty' na nagaganap sa bawat misyon nito. Although he doesn't do it for fun, he still kills like a hired assassin. Kung tutuusin, wala siyang pinagkaiba sa mga kriminal na iyon. Ang ipinagtatakha ko lang ay kung paano sila naging malapit na magkaibigan ni Wilson Horecois gayung ibang-iba ang ugali ng dalawa.
Hindi ko na nagugustuhan ang takbo ng mga pangyayari. Mukhang nagkamali ako ng plano. Ang akala ko nang pumasok akong muli sa bansang ito ay plantsado na ang lahat, hindi pa pala.
Wala akong masyadong alam tungkol kay Mason Owens bukod sa nabasa kong impormasyon. All I know is that, like the Horecois', I surely don't want him against me.
Dumating ang araw ng quarterly meeting sa Horecois Industries. It seems like it's very big thing to happen in to the business world. Ang dami ng press na nagaabang sa labas ng gusali and all of them are waiting just to take a glimpse of the new chairman, Jessica Horecois. Ito ang unang beses na dadalo siya sa meeting bilang chairman simula nang maupo siya. And of course, iaanunsyo din ang bagong sangay ng emperyo, ang armory.
I'm sure makakaharap ko na si Jessica ngayong araw but I have to be careful. Alam kong nakamasid lang sa akin si Mason Owens mula sa kung saan. He's definitely a mad person I know at hindi ko na kailangang maging genius para lang malaman iyon.
I'm a bit excited. A last after a few weeks of waiting makakaharap ko na ang heredera ng mga Horecois. Excited na talaga akong maisakatuparan ang mga plano but I'm taking one step at a time. Kailangan kalkulado ang galaw ko kung ayaw kong mabulilyaso. Kailangan din na may back-up plan sakaling may mangyari nanamang hindi inaasahan.
My first plan was the to approach the chairman. Make friends with her and make her fall for me. Hard. Yung tipong mapapasunod ko na siya sa kahit anong gusto. Hindi ko mapagilang mapangiti sa mga iniisip ko. Akala siguro ng mga empleyadong nakakasalubong ko ay sila ang ngini-ngitian ko.
Pumasok na ako sa board kasunod ng labin tatlong presidente ng emperyo. Hindi ko naman inasahang karamihan sa kanila ay may edad na pero ang ilan ay kaedaran ko lang rin. Kasunod kong pumasok ang secretary kong si Vicky.
"Gerard Wright." Pormal na pagkakasabi ng isang boses. Tiningnan ko siya pero hindi ko mabasa ang ekpresyon sa kanyang mukha. Inilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman iyon kahit na may pagaalinlangan ako.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 2: Something Like You [COMPLETED] R-13
RomansThe Ill-fated story of an illegitimate royalty.