XIV

761 25 0
                                    

"Hey! Magingat ka naman! Kung kumilos ka kasi, parang hindi ka buntis." Asik ko kay Liane. Muntik na siyang ma-out of balace, mabuti nalang at nakaalalay ako agad sa kanya. I don't know if she's playing dumb or something pero ganito na talaga siya nitong mga nakaraang araw, mistulang lumilipad ang isipan. Malamang ay iniisip nanaman niya si Wilson.

Kasalanan itong lahat ng asawa niya. Ang asawa niya dapat ang kasama niya ngayon ditong nagpapa-check-up at hindi ako but that douchebag brother-in-law of mine just left my sister like this.

Ni hindi ko nga alam kung nalalaman ba ni Wilson ngayon kung anong lagay ni Liane ngayon. At first, I've hated him so much because he was so righteous but now I hated him even more because he left my sister like this.

Wala akong pakialam kung ano mang excuses meron siya. Kung nalalaman lang niya siguro kung gaano kawalang ganang mabuhay ang kapatid ko nitong mga nakalipas na buwan, siguro kahit papaano ay makukunsensiya ang walanghiya.

And then we found out that she's pregnant, doon nagkaroon ng direksyon na muling mabuhay ang kapatid ko. And she was determined to finish the first stage of her regency program.

Bilang siya ang nagiisang maayos lagay at lehitimong anak ni George Transvech, siya ang naatasang pansamantalang humawak ng pamumuno ng bansa because even though months have already passed, wala paring ipinagbago ang lagay ng kapatid naming si Ethan. Nakaratay parin siya at walang malay. At walang sino man ang nakakaalam kung kailan siya magigising.

Liane was very determined to learn everything. Nandudoon ako at nakita ko ang mga pagbabago sa kanya sa maikling panahon. Kung dati ay mistulang wala siyang pakialam sa paligid niya at pawang ang love story lang nila ni Wilson ang mahalaga, ngayon ay determinado siyang pagaralan nang maigi kung paano patatakbuhin ng maayos ang bansa. She really have changed a lot.

Every weekend ay sinisigurado kong madadalaw ko siya dito sa England. I've assigned a nurse to help her as well dahil alam kong palagi siyang magpupuyat kung walang taong magpapaalala sa kanya na dapat alagaan niya ang kalusugan niya, lalo na ngayon. Malamang ay iyon nga ang nangyari kung hindi pa namin nalaman na nagdadalang tao na pala siya.

Before we found everything, she worked until she couldn't move anymore. Maybe that was her way of keeping her mind off of Wilson.

Galit na galit ako sa bayaw ko ng mga panahon na iyon. I still hate the guy now. He was more heartless than I used to be. Pero wala akong magagawa pagkat sa nakikita ko, sa kabila ng lahat ay mahal na mahal pa rin siya ni Liane.

Of course hindi ko na pinigilan ang sariling ko hindi mangialam. Inalam ko kung anong lagay ng bayaw ko at kung saan siya naroroon ngayon. Maybe because he was Horecois kaya hirap akong hanapin siya. Malamang ay ginagamit na niya ang yaman niya ngayon upang hindi ko siya matunton.

Hindi ko naman magawang madiretsang tanungin si Jessica tungkol sa kapatid niya. She can simply deny it. At kahit pa siguro alam niya kung saan naroroon ang kapatid niya ay baka hindi rin niya masabi sa akin pagkat sadyang wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya. She just simply don't care. She became colder by days.

Pero hindi ako sumuko at kinausap si Mason Owens. Madalang ko na lang siyang nakikita nitong mga nakaraan pero kahit pahirapan ay may napala naman ako sa kanya kahit papaano. He didn't exactly told where Wilson was pero ang sabi niya, he was somewhere in London, lurking around.

At ang sabi pa niya ay matagal nang may issue si Wilson sa sarili niya he has to deal with it on his own. Hindi ko maintindinhan at hindi rin naman ipinaliwanag ni Mason kung tungkol saan ang 'issue' na sinasabi niya.

Ang sabi ni Mason ay hindi rin kayang tiisin Wilson na hindi makita si Liane kahit na sa malayo. Hayaan ko lang daw si Wilson sa diskarte niya. Hindi naman ako nagkomento pa tungkol sa bagay na iyon.

Flademian Monarchy 2: Something Like You [COMPLETED] R-13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon