VI

835 25 0
                                    

"Sir, ang sabi ni Madame Horecois may dinner daw kayo mamaya. May idi-discuss daw siya sa inyong importante about 'the mall'." Pagpapaalam sa akin ng sikretarya kong si Vicky. Tumango na ako sa kanya at nagpasalamat nang matapos na niyang sabihin ang schedule ko para ngayong araw.

Ilang buwan na rin simula nang makilala ko si Atty. Sawyers. Isa sa mga abogado ng mga Horecois. Hindi ko inasahan na ipapatawag niya ako ilang linggo matapos mailibig si Mitchell Horecois.

Shaken was really an understatement when I heard Mitchell left me with twenty percent of the whole Horecois Industries. It was actually for me and my sister, which is another problem. Ni hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya ngayon at kung paano ipapaliwanag na buhay pa ako.

Now, I'm one of the richest men not just in Flademia, but in the whole world along side with the Horecois siblings of course. Mitchell made that possible for me. He really did change my life just like his promise.

Hindi ako makapaniwala. Ang unang bagay na pumasok sa isipan ko ay bakit? Bakit ako iiwanan ng ganoon kalaking bagay ni Mitchell na dapat ay para lang sa mga anak niya.

Isang sulat lang ang iiniwan niya para sa akin ngunit hindi naman iyon naging sapat para masagot ang katanungan ko. Ang sabi lang niya sa sulat ay kung paano siya nagsisisi sa kasalanang nagawa niya para sa pamilya ko. Ngunit hanggang sa huli ay walang nakakaalam kung ano man ang kasalanang iyon.

Sa ilang buwan kong pagtatrabaho dito sa emperyo, masasabi kong nakakalula ang mga perang pumapasok. Sa armory palang ay hindi ko na akalain na ganoon kalaki ito kumita. Malaki ang diperensiya ng kitaan kesa noong nasa black market pa ako nagbebenta. Paano pa kaya sa ibang sangay na mga kompanya nito?

At first, Jessica was furious. She demanded authenticity of Mitchell's will. Pero pinatunayan iyon ni atty. Sawyer nang bigyan niya kami ng tagiisang sulat mula kay Mitchell mismo. As if he knows​ that this was going to happen.

Kumalma si Jessica nang mabasa niya ang sulat ng ama niya at hindi na nagtanong pa. Pero hindi naalis ang galit niya  lalo na nang malaman niya na may minana si Mason Owens mula sa ama niya. Kulang pa sigurong sabihin na nagngitngit siya.

Kagaya ko, may mana din kasi si Mason. A dream project to build 'the mall'. Mason is the main partner. Ang sabi naman sa akin ni Mason ay biru-biruan lang daw ang idea na iyon. Ni hindi niya inasahan na matutuloy pa ang proyekto.

Actually Jessica wants to cancel the projects and just pay the penalty even if it cost millions of dollars. She doesn't care as long as her path doesn't cross with Mason's​. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon siya ka-bwisit ka Mase. Hindi naman siya ganoon sa akin o sa iba. Simpleng mataray lang siya.

Pero hindi pumayag si Wilson. He insisted that everything in Mitchell's instruction should be followed. After all, siya na ang legal guardian ngayon ni Jessica. Si Jessica man ang may pinakamalaking shares ngayon sa Horecois, wala ring silbi iyon kapag hindi pumayag si Wil.

Wilson donated his ten percent of shares to his sister and decided to keep the other thirty to maintain the peerage titles and lands that's​ been left to him. I can't believe that Mitchell actually purchased those earldoms.

Walang nagawa si Jessica kung hindi ituloy ang naturang proyekto kahit alam kong ayaw na ayaw niyang makita ang mukha ni Mason. Alam kong maloko si Mason but he's actually a nice guy. Pero mistulang sinasaniban si Jessica ng masamang ispiritu kapag nakikita niya ito.

I decided the call Jessica at agad naman niyang sinagot.

"Hello boss?" Panimula ko nang sinagot na niya ang telepono. Ganun na ang naging tawag ko sa kanya. She seemed okay with it dahil hindi naman niya ako inaangilan o tinatarayan unlike before.

Flademian Monarchy 2: Something Like You [COMPLETED] R-13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon