Para akong bata kabubungisngis. Madalas ganun ang nagiging reaksyon ko kapag kasama ko si Gerd. He never failed to make laugh everytime. Minsan nga ay parang hindi ko na kilala ang sarili ko. But I like this version of me better.
Minsan pakiramdam ko ay gusto niyang tanungin kung ano ba talaga kami pero hindi lang niya itinutuloy. Malamang ay ayaw rin niyang masira kung ano man ang meron kami ngayon. Nagpapasalamat naman ako dahil doon. Hindi ko rin kasi alam kung anong tamang isagot sa kanya kapag nagkataon. Ang mahalaga naman ay masaya kaming pareho ngayon.
"Don't move or else, you're gonna be sore again." Natatawang banta niya. Alam ko kung anong tinutukoy niya. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa tiyan niya kasi naghaharutan kami. He was still naked under the sheets at nauna akong bumangon sa kanya. I was about to make breakfast nang hatakin niya ako pabalik sa kama at pinaulanan ng halik.
Napakalandi niyang lalaki at mistulang walang kapaguran. Palagi rin siyang nanunundyo at heto ako't bigay lang nang bigay sa mga gusto niyang gusto ko rin naman. Madalas akong naglalagi dito sa penthouse niya. I just felt safer there with him.
Ewan ko ba kung anong sumanib sa akin ngayon pero sinusumpong ako ng kapilyahan. Lalo akong naglilikot hanggang maramdaman ko may nag-react sa ginawa ko. Mabilis siyang kumilos at kinubabawan ako.
"Now, you're going to pay for what you've done woman." Nakangisi siya sa akin pero unti-unti rin nawala iyon. Bagkos, napalitan ng alab ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin. It wasn't the first time that he looked at me that way pero hindi parin ako masanay-sanay. Kung alam lang niya kung anong kilig ang idinudulot noon sa kaloob-looban ko.
Marahang hinalikan niya ako at ako naman ay sinagot ang mga halik na iyon. I don't know, but I feel like I just couldn't get enough of him. Para bang may kung anong ginising siya sa loob kong hindi ko alam na naroroon. Para bang hindi ko na kayang mabuhay pa na wala siya. I need him more that I needed anyone before. More than I needed Allen.
Nararamdaman kong nagiging mapaghangad na ang mga galaw namin. Like I've said, I love the way me makes me feel. Hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili kong umuungol sa mga ginagawa niya sa akin. Nagsisimula nang magliyab ang lahat sa paligid nang mag-ring ang door bell ng penthouse niya.
Hindi ko alam na may inaasahan pala siyang bisita ngayon. Balak pa nga niyang hindi na lang pansinin iyon pero paulit-ulit na tumunog ang door bell. Parehas kaming walang nagawa kung hindi mapabangon at inayos ang mga sarili namin. Kung sino man iyon, he's a total bummer.
Nagsuot lang si Gerd ang pyjama pants niya at itim na tank. Ako naman ay nanghiram lang sa kanya ng t-shirt pero mistulang napakaluwang naman noon sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay naka-dress ako haba noon.
Binuksan ni Gerard ang pinto pero panandaliang katahimikan ang nangingibabaw. Nawala ang hagikgik na nagmumula sa kanya kanina at pawang napalitan ng kaseryosohan ang tono ng pananalita nito. Hindi ko kasi makita kung sino ang tao sa likod ng pintuan dahil natatakpan ng malaking bulto ni Gerard ang natatanaw ko.
"What are you doing here? Hindi pa ba malinaw sa iyo na ayaw kitang kausapin?!" Tila galit bagamat pigil na sabi ni Gerd sa kausap. Ayoko sanang mangialam pero parang kusang gumalaw ang mga paa ko patungong sa pintuan.
Muntikan ko nang mabitawan ang baso ng orange juice na hawak ko nang makilala ko kung sino ang tao sa pintuan. Ang ipinagtatakha ko lang ay kung bakit siya nandito ngayon sa apartment ni Gerard at kung bakit ganoon siya kausapin nito. Anong relasyon niya dito.
"Your Majesty." Bati ko. Hindi ko kasi kayang maging bastos gayung nakita narin naman ako nito. Hinawakan ko si Gerard sa braso. Napapikit lang siya at huminga ng malalim. Alam kong nakuha niya ang gusto kong ipahiwatid na huminahon lang siya.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 2: Something Like You [COMPLETED] R-13
RomantikThe Ill-fated story of an illegitimate royalty.