XVII

848 22 0
                                    

All my life I think thought it was just a girl thing. Hindi pala pagkat ramdam na ramdam ko ngayon ang panginginig ng kalaman ko habang nakatingin sa kanya mula sa hindi kalayuan. Our eyes locked pero kahit iyon ay hindi naging sapat upang mapakalma ako.

God, she was beautiful. She was wearing a simple gown and yet she's the most stunning person I've laid my eyes on. Habang tumatagal ay lalo akong kinakabahan na hindi ko malaman.

Hanggang sa lahat ay nagsimula nang magmartsa hanggang sa siya na ang nagsimulang maglakad papunta sa akin. Para akong maiihi sa pantalon ko. Hindi ko alam. Dahil siguro sa excitement na may halong kaba. Mahirap palang pagsamahin ang dalawa.

"Ano na boy kano?! Itsura mo lang. Natatae ka ba? Gusto mo i-pause muna natin ito at mag-CR ka muna. Mukhang di mo na kaya ah." Komento ni Mason na siyang nasa tabi ko ngayon. Siya din kasi ang tumatayong best man ko bilang wala naman akong ibang pagpipilian. Ethan was still in coma, while my brother in law, Wilson was still nowhere to be found.

Umiling ako kay Mason at sinabing ayos lang naman ako pero pilit niyang iginigiit na baka hindi ko na daw kayanin at doon pa ako magkalat. Napailing na lang ako sa kalokohan niya.

Alam kong hindi naman payag ang ama ni Victoria sa biglaang pagpapakasal naming dalawa ngayon. But somehow, hindi na sila tumutol pa. Marahil ay napagtanto nilang tunay nagmamahalan kaming dalawa ng anak nila.

It was maybe too soon for them. But I've realized that I've been waiting for this day to happen for more than five years now. At hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko napapakasalan ang babaeng pinakamamahal ko.

"Bahala ka. Kapag nangamoy dito, iiwan kita boy kano." Banta pa ni Mason . Muli ay napailing na lang ako.

Hanggang ilang hakbang na lang ay layo ni Victoria sa akin ay parang mas lalo akong kinabahan. Paano ba namang hindi, ang ganda-ganda niya na tila walang lugar para sa kung ano mang pagkakamali ang mga taong nasa paligid niya.

Alam kong namumuhi sa akin ngayon ang Marquess sa kadahilanang hindi ko alam. Marahil ay pakiramdam niya ay inaagaw ko sa kanya ang unija hija niya. Maaring iyon nga ang nararamdaman niya.

"Hiltonshaw, you take care of my daughter or I will do everything in my power just to ruin you. You understand?" May pagbabantang sabi sa akin ng ama ni Victoria.

"Of course, sir." Sabi ko at ibinigay na niya sa akin ang kamay ni Victoria at agad kaming nagtungo sa altar.

"Kinakabahan ka?" May panunudyong tanong ni Victoria sa akin. Hindi ko na siya kailangang lingunin pa para mabatid na inaasar niya ako ngayon.

"Oh, mock me all you want my wife for you are going to pay for it later dearly." Seryosong sabi. Instead of taking my words seriously, she just giggled at me like a child. Talagang inaasar niya ako

The minister started sa ceremony habang lahat tao sa chapel ay matamang nakinig sa mga sinabi niya. I asked Tory before if she wanted a grand wedding, I would gladly give that to her but she specifically said that she wanted the ceremony to be intimate as possible at ayaw niyang ng kahit anong ingay lalo na kung mula sa media. Ironically, she was a journalist.

Everyone was here except for Ethan and Wilson. And of course, Cassidy Jane. Galit parin siya sa akin pero hindi ko naman magawang magtampo sa kanya sa hindi niya pagpunta. Karamihan ng mga bisita ay mga pininsan at kaibigan ni Victoria.

Meron pa ngang isang lalaki kung makatingin ay parang gustong dagitin mula sa akin ang asawa ko. I don't know what his name and I don't wanna waste my time with him kaya hindi ko na lang pinansin. Alam kong may pagtingin siya kay Tory. I'm a guy too and I can feel that. Huwag lang siyang magkamali pagkat makikita niya ang hinahanap niya.

Flademian Monarchy 2: Something Like You [COMPLETED] R-13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon