XII

713 20 0
                                    

Nahihilo na akong palakad-lakad. Hindi ko na alam kung anong dapat isipin. It's twelve-thirty pero hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi si Gerard. I've been waiting for him the whole night. The last time he texted me was seven pm. He said that he's going to have dinner in the Prime kaya huwag ko na daw siyang antayin pa.

Kahit nanghihinayang ako dahil kuntodo effort pa man din akong ipagluto siya, I understand. Ngayon palang sila nagkakaigihan ng pamilya niya. It's just that, it's make me feel really lonely right now.

Pinalipas ko muna ang oras bago ko siya tulyang tawagan. Ayaw ko namang istorbohin ang moment niya lalo na sa Papa niya. Hanggang sa maghating gabi na ay hindi parin siya umuuwi. Hindi naman nakapatay ang cellphone niya pagkat patuloy lang itong nagri-ring. Iyon lang ay hindi naman niya sinasagot. Malamang ay nagkakasayahan sila ngayon ng husto ng ama niya.

It makes me feel hellish really. Para kasi akong napa-paranoid at kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko. It seems selfish pero, ano bang mahirap sa pagti-text kung ano nang nagaganap sa kanya hindi itong nahihilo ako nang kakahula.

I've tried calling him again. Nag-ring naman ang cellphone niya at maya-maya pa ay sinagot na niya ito.

"Thank God you finally answered your phone!" Sabi ko at talaga namang nakahinga na ako nang maluwag. Akala ko kasi may kung ano nang nangayri sa kanya at hindi niya sinasagot kaknina pa ang tawag ko. O baka sadyang napa-paranoid lang talaga ako?

"Oh, hi hon? Guess what?" He sounded like a giddy child. At ganun-ganon nalang na nawala ang pagtatampo at pagaalala ko para sa kanya. Hearing his​ voice is enough to make my nerves calm.

"What?" Nangingit naring tanong ko.

"Sa makalawa pupuntahan namin Cassidy sa New York kasama si Papa." Masayang sabi niya. Bigla ay pawang nalukot nanaman ang mukha ko sa ibinalita niya sa akin. Paano ba naman? Hindi pa man siya nakakabalik ay paglisan na agad ang ibinalita niya sa akin. I just wanna throw tantrums right now. Hindi na ako umimik.

"Inaantok ka na ba? Sige matulog ka na. Paguwi ko may surpresa ako sayo." Sabi niya na tila excited na excited siya. Ako naman ay parang nawalan lang nang gana sa kung ano man iyon.

"Sige na. I'm​ going hung up na. Laters hon. I love you."

"Yeah." Tanging balik ko at tulyan na niyang ibinaba ang telepono. Napabuntong hininga na lang ako.

~•~~•~•~•~•

"Shoot!" Nahampas ko ang manibela out of frustration. How could I be that stupid? Naiwan ko ang singsing na binigay sa akin ni Papa kanina. This day was nothing but perfect for me.

At bago sana sumikat ang araw ngayon, gusto ko sanang lubusin na at mag-propose ng kasal kay Victoria. I love her since then, and I love her more now. At wala akong nakikitang masama kung magiging opisyal na ang pagsasama naming dalawa.

Siya na lang at masasabi kong kumpletong-kumpleto na ang buhay ko at wala na akong mahihiling pang iba. Pero dahil sa katangahan ko ay naiwan ko pa ang traheta. I'm almost home pero kailangan ko pang bumalik.

Agad akong lumiko nang may makita akong likuan. Hindi ko na palilipasin pa ang araw na ito na hindi ko napapa-oo sa Victoria. Marahil ay ganito rin ang nararamdaman noon ni Wilson para sa kapatid ko noon nang mapagdesisyunan niyang gusto na niyang pakasalan si Liane.

I can understand him now what he felt back then. Ako man ay mistulang minamadali at pawang hinahabol. Nagiging sabik lang talaga siguro ang tao sa mga bagay-bagay kapag nagmamahal ito pagkat iyon ang nararamdaman ko ngayon.

May labing-limang minuto pa ang lumipas nang tuluyan akong makarating sa gate ng Prime Palace. At marahil gabi na ay hindi na ako nahirapang makapasok sa gate na walang humaharang sa akin. Agad kong pinasok ang sasakyan ko.

Flademian Monarchy 2: Something Like You [COMPLETED] R-13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon