Chapter 35

2.7K 68 0
                                    

Third Person's Point of View

Lahat sila ay tahimik. Habang nasa sasakyan para puntahan ang kuta ni Kristienne.

Si RainHeart naman ay itinext si Cloud.

To: Cloud Ferrer
     Tumawag ka ng pulis after an hour. Sabihin mo pumunta sa Batangas, **** Street. Yung pinaka malaking bahay doon.

Sent!✔

Nagreply naman si Cloud nang okay. Kahit kailan talaga, ang tipid magtext.

Nang makarating doon, agad silang nag-usap usap sa Van.

"Okay, ganto."

At pinaliwanag na ni Rainheart ang gagawin nila.

Nang makapasok sila,nagulat sila sa kanilang nakita.

Mga babaeng malalaki ang katawan. Puno ng tatoo ang katawan, nagsisigarilyo, nag-iinom, at yung iba ay may kamake-out na myembro rin ng Mafia nila.

"Oh! Look who's here. The Top 1 in MafiaWorld. Anong ginagawa niyo dito?"

"Papatayin kayo.-_-"

"Ha! At baket?! Nakita niyo na siguro ang sinasabing Malandi, Queen daw ng Mafia. Pwe! Wala nga syang binatbat samin eh! Pano naging Queen yon?!" Nanggigil na si Rainheart sa narinig.

"Eh gago ka pala eh! Pano makakalaban yon kung nakatali ang buong katawan?! Ako ba niloloko niyo?!"

"Hahahaha! Oo nga pala! Tinali namin atsaka binugbog! Hahaha. Buhay pa ba? Puntahan lang namin saglit at nang mapatay na!"

Pagkasabi non, sinugod na nila ang mga babae at lalaki.

Bugbog dito, bugbog doon. Lahat sila nakikipagbugbugan. At as usual, sina Rainheart ang nanalo. Si Lia naman ay nasa tabi at tahimik.

"Im Here, Gu— What the?! Anong ginagawa niyo dito?!"

"Uhm. Hinuhuli ka? DUH! Syempre para maghiganti sa ginawa mo kay Ashley! Tanga lang?!" Sabi ni Jane na namumula na sa galit.

"Oh. Nakita niyo na pala sya. Well, do you still love her, y'all? Even she's in that kind of situation? Oh! I bet hindi na. Kasi ganda lang naman ang habol ni Cloud sa kanya diba? Im waaaay more beautiful than her!" Pagmamayabang ni Kristienne. Akala naman niya kung sinong maganda! Pwe. -_-

"Gago ka? Tanga syempre mahal nya yon! Fiancé niya I—"

"Fiance na ni leader si ash?" Singit ni Asher.

"Oo! Basta. Mamaya ko na ie-explain."

Tumingin si Kristienne sa paligid niya. Nagalit ito dahil sa nakita niya. Lahat ng tauhan niya, ay tumba na. Yung iba, tumakbo na palabas.

"Kayo may gawa nito?!!"

"Obvious ba?" Pamimilosopo ni Jake kay Kristienne.

"Aaaaaargh!" Saka sya nagwala doon. Wala na ba talaga syang magawa sa buhay? At pagwawala ang ginagawa niya.

Nagulat silang lahat nang biglang matumba si Kristenne. Na pinalo pala ni Lia ng dos por dos na kahoy.

Saan kaya galing yung kahoy na yon? San niya nakuha yun? Tanong ni Rainheart sa sarili.

"O! Ano pang tinutunganga niyo dyan?! Dalhin niyo na 'tong baliw na 'to sa Mental!!"

"Hindi pa kami tapos sa kanya!"

"Papatayin niyo? Mga tanga ba kayo?! Edi nakalaya din sya! Hayaan niyo syang magdusa sa Mental!"

Wala na silang nagawa kundi sundin si Lia. Natatakot silang sumabog sa galit si Lia. Kaya sinunod nalang nila ang utos ni Lia.


My Mafia Life ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon