Sorry Late Update. Huehue.
Third Person's Point Of View
At agad namang pumunta si Ashley at Cloud sa Campus para tulungan sina Jake.
[Kring! Kring!]
Agad namang sinagot ni Ashley ang tawag mula kay Lia.
[Bes! Nasaan kayo? Help us here!]
"Papunta na! Madami ba sila?"
[Tatlong Van, Bes.]
"Shit! Masyado silang marami. Kailangan ko ng Back-up." Sabi ni Ashley sa isip niya.
"Osige. Papasok na kami ng Campus." At agad na pinatay ni Ashley ang Tawag.
"Hay nako. Binabaan nanaman ako ng telepono ng bruha." Sa isip-isip ni Lia. Ang hindi alam ni Ashley ay may plano si Cloud para sorpresahin si Ashley. Hmm. At yung pa talaga ang naisip na plano ha!
"Tatawagan ko sina Clyde. Back-up."
Kinabahan si Cloud. Dahil baka mabulilyaso ang plano niya.
"W-wag na!" Sigaw ni Cloud.
"Ha? Bakit?"
"A-ah. M-maunti lang yung kalaban s-siguro na-natin. K-kaya na natin Y-yan." Utal - utal na sabi nito. Sumagi naman sa Isip ni Cloud na baka makahalata ito, dahil siya ay pautal- utal magsalita.
"Hmm. Sigurado ka? Tatlong Van daw kaya!"
"O-oo. Sigurado ako! Malay mo t-tatlong Van, pero kaunti lang a-ang dalang t-tao."
"Sige." Sabi nito atsaka tumakbo.
"Im Sure he's hiding something. Siguraduhin lang niya na hindi babae ang tinatago niya! Lahat sila makakatikim ng 100% na galit ko. Amp!"
Sa isip-isip ni Ashley. Nako! May iba nga kayang babae si Cloud? HAHAHAHA! PATAY SYA KAY ASH PAG NAGKATAON.😂😂
Ashley Ysabelle's Point Of View
Hmm! Patay sakin yan si Ulap. Malaman ko lang talaga! Tss.
Tahimik ang school grounds. Bakit ganon? Ang tahimik? Dapat may nagpuputukan ng baril dito eh!
Pumunta kami sa GrassLand at nagulat ako nang may nagtakip sa mata ko. Shit! Ano 'to?
"Ssh. Wag ka maingay. Andyan sila."
"Eh bakit kailangan pang takpan ang mata ko?" Pagtataray ko sa kanya. Tss.
"Basta. Tara lakad na." Tss.
"Kung tinatanggal mo yang takip sa mata ko para hindi ka mahirapan sa pag-akay saken?"
"Sssh." Hay nako!
Bigla akong may narinig na tumutugtog. Saan naman galing yon?
Naramdaman kong nawala ang taong nasa tabi ko. Saan naman napunta yon? Jusko malaman ko lang kung sino may pasimuno nito, patay sya sakin! Ang daming alam eh!
Mga ilang segundo ang nakalipas at napagpasyahan kong tanggalin na ang piring sa mata ko.
Aba, e madilim din! Nagpiring pa! E wala ding makikita sa ganto kadilim eh!
Naglakad lang ako. Hinahanp ko yung switch eh. Naramdaman kong parang may mga nakalawit at tumatama ito sa ulo ko. Nang mahanap ko ang switch, ay agad ko itong pinindot para mabuksan ang ilaw.
BINABASA MO ANG
My Mafia Life ( Completed )
Teen FictionBarilan, patayan. Mafiaboss, mafia members. Mafia Org. This. This is my life. Welcome to my life. *^^* All rights reserved - 2016. Written by: alyxiabright
