Chapter 28

2.3K 48 0
                                        


Ashley Ysabelle's Point of View

Nakakulong lang ako sa kwarto. Wala lang... Nag-iisip. Nadami na ang problema... Una, si Mommy. Pangalawa yung MafiaOrg. , Pangatlo, yung engagement kuno ko raw... At pang-apat, si Cloud...

Wala sya dito. Hindi pa sya nagpapakita sakin mula kahapon. Oo, galit sya pero... Aish. Basta. Hindi niya rin ako tinetext o tinatawagan man lang.

Kahit yung, "Kamusta, Babe? Ayos ka na?" "Good Morning." Kahit ganon man lang. Kaso........ Wala e. Ni ha, ho, kahit tuldok man lang! Wala!

Nagsimula nanaman tumulo yung luha ko. Bakit kasi... Naman e!

"Kambal... Pwede pumasok?" May tatlong katok bago sya nagsalita. Si ulan.

Pinunasan ko muna ang luha ko at nagkunwaring tulog. Hindi naman naka-lock yung pinto e.

"I'll come in.."

At narinig kong pumasok na sya. Naramdaman kong umupo sya sa kama ko.

"Kambs... Kain ka na.." Hindi ako nagsasalita.

"Ashley, alam kong gising ka. Mind to share your problems?" Napahikbi na 'ko.

"Ash... Please."

Tumayo ako at niyakap sya. Dun na ako umiyak ng todo.

"What's the matter? Tell me."

"*sobs* s-si ulap kas—*hik* —i. H-hindi a-ako pina-pansin. B-baka naman *sobs* may i-iba na s—*hik*—siya." Sabi ko habang naka sandal sa dibdib niya.

"Tss. Pabaayan mo muna sya Ash. Give him some time.. Mahal na mahal ka non, to the fact na hindi ka niya iiwan. Nag-iisip lang yon ng paraan para mapigilan ang Kasal mo." Tumango nalang ako.

"Kumain ka. You're not yet eating breakfast and lunch. It's already 2 pm."

"Mamaya na Ulan. Tutulog lang ako.."

"Sige... Bumaba ka mamaya ha. Bibisita daw yung gang." Tumango lang ako at nahiga. Kahit nakapikit ako ay natulo pa rin yung luha ko. Hanggang sa Makatulog na 'ko.

RainHeart [Ulan]'s Point Of View

Sinilip ko si Ashley sa kwarto niya. May bakas pa rin ng luha sa kanyang mukha.

"Rain.." Napalingon ako. Si Cloud.

"Oy, gago. Bakit hindi mo itine-text o tawag man lag si Ashley? Wala nang ginawa kundi umiyak ng umiyak e."

"Basta. Pwede pumasok?" Binuksan ko ng malaki ay pinto para makapasok siya.

Lumuhod ito at pinunasan ang mga luha sa mukha ni Ashley. Atsaka ito nagsalita.

"Im Sorry.. May naisip na akong paraan, Please. Wag ka umiyak ha."

"Rainheart." pagtawag nito sa akin.

"ano?"

"Mawawala ako ng Dalawang Linggo. O baka isang buwan. Paki-bantayan si Ashley. May papel ka?"

"Bakit ka sakin nag-hahanap ng papel?" Ano nanaman trip neto?

"Basta penge! Pati ballpen. O lapis. Basta panulat. At sususlatan."

Wala na akong nagawa at binigyan sya ng papel at signpen. Atsaka sya nagsulat.

-_____-

Habang sinisilip kung ano ang sinusulat niya, hindi ko maiwasan na malungkot para kay Ashley. Hays naman.

"Pare... Iiwan ko ito sa tabi niya. Ikaw na muna ang bahala sa kanya... Alis na 'ko." Sabi nito bago humarap kay Ash.

"Babe.. Babalik ako. Promise. Pag balik ko, ayos na lahat. Ha? Iloveyou. Always."

My Mafia Life ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon