4. 5th month of class (Cadet and Cadette Fall-in)

44 5 0
                                    

Abigail's POV

Nagkaklase kami ng makita kong pinalabas si Harry umupo siya sa bench at dumukmo, lumabas si Dyine at kinausap siya, di man lang siya nagsalita umiling lang siya at tumingin kay Dyine

"hay, Mr. Silence ka na nga, lahat ng tao nagbabago depende sa karanasan, at ganon ang nakikita ko sayo Harry" sabi ko sa sarili ko

Alam ko ang kwento mo......
Saksi ako sa ibang parte ng buhay mo.....

Flashback (1 month earlier, October )

"Mga kadete humanay! Isa! Dalawa! Tatlo!...Sampu!" Officer ako nila Harry, kaya nagpahanay ako

"S1! Bandang 5:00 tiwalag na ha" sabi ni Corps.

Tumingin ako sa orasan at 4:05 pa lang "O sige Corps."

Nagrecall lang kami ng nga command ng mga 25 minutes, sa 3rd floor ako nagpahanay ng hindi masyadong lantad

"O sige may gagawin tayong activity, isa-isa ko kayong tatanungin kung sino yung mga kinaiinisan ninyo sa mga kapwa nyo kadete" sabi ko

"Santiago ikaw mauna" dugtong  ko

"Si Anderson po" tiningnan ko si Harry, at nakita ko sa mga mata niya yung sakit, at alam ko na pipinipigilan niya itong maipakita

"bakit?" tanong ko kay Santiago(Ford Santiago)

"kasi po masama ugali niya, mapanghusga po, di po tumatanggap ng pagkakamali, at sabatero" sabi ni Ford

Tiningnan ko ulit si Harry, nakatingin lang siya ng diretso

"Valeros(Lanze Valeros)" tanong ko sa kasunod ni Ford

"Si Omiendo(Carl Omiendo)po" sagot niya

"bakit?" tanong ko sa kanya

"Lagi pong humaharang pag magsasalute" sagot niya

"Enrique(Brix Enrique) ikaw?" tanong ko

"Ma'am wala po, ka good ko naman po silang lahat" sagot niya

"Sabi mo yan ha. Gonzales(Keil Gonzales)"

"wala rin po" sagot niya

"Ikaw Jalperes(Thristan Jalperes)"

"si Anderson po"

"bakit?"

"basta po"sagot niya at halatang nasa loob ang inis

Mr. Silence. (Every story has Secrets)Where stories live. Discover now