Harry's POV
Sabay kaming bumaba ni Dyine para kumuwa ng lunch, at sabay din kaming kumain
Habang kumakain nagtanong siya "Ah Harry, nung tininingnan ko yung mga sketch mo sa likod ng notebook may nakita kong pangalan. Harold yung nakita ko. Sino yon?"
Nagpatuloy lang ako sa pagkain
"Ay sorry kung nagiging palatanong ulit ako. Ok lang kung hindi mo sasagutin. Na-curious lang ako napaka-mysterious mo kasi eh" sabi niya sa akin
Huminto ako sa pagkain at tumingin sa kanya "Dyine, kung ide-describe mo ko, anong masasabi mo?" mahinahong tanong ko sa kanya
Iniwas niya yung tingin niya "Ahhh, ahhhmm, ikaw yung taong tahimik, maraming sikreto, pero ikaw yung klase ng taong mahaba pasensya, at hindi mayabang. Ba't mo naman natanong?" sagot niya
"ala lang, gusto ko lang malaman" sabi ko sa kanya, at nagpatuloy lang kaming dalawa sa pagkain.
Dumaan si Abigail "Harry, may hanay kayo mamaya ha, Friday, kaya may hanay kayo" sabi niya sa akin
Tumango ako
Uwian.....
"Mga kadete tiwalag!" sigaw ng isa naming officer
"Grabe ang anghang ng sili, hooooh. Ang init sa dila" sabi ko habang naglalakad papunta sa Canteen. At saktong nandoon na si kuya Dave ng dumating ako kaya umuwi na ko
Dyine's POV
"Haay, nasan na ba si Harry, nasa akin pa yung notebook niya" sabi ko. Lumapit ako kay manong Guard
"Kuya umuwi na po ba si Harry?" tanong ko
"Yung lagi bang nakahood? Oo umuwi na" sagot ni Manong Guard
"Haya ano ba yan! Ihahatid ko na nga lang sa kanila" sabi ko.
Sunday Afternoon.....
"Tao po! Tao po! Harry" sabi ko habang kumakatok
Lumabas si Tita Lena "O ikaw pala Dyine. Wala si Harry eh kaaalis lang. Bakit mo ba hinahanap?
YOU ARE READING
Mr. Silence. (Every story has Secrets)
Non-fictieThis is a story about Harry, a typical teenager, who seems doesn't care to his fellow students, friendship, and everything surrounds him in his school. Why he has gotten in, in that situation? And what will get him out, in that situation? Started:...