Paano ka kikilos sa lugar na parang ang sikip-sikip dahil sa galit ng mga kasama mo sa isang bagay na hindi mo naman talaga ginawa, dagdagan pa ng matigas nilang hindi paniniwala sa iyo
Harry's POV
Naalimpungatan ako dahil may kumatok sa pinto ko
"Harry, Harry"
Tumingin ako sa orasan. 4:30 am palang, napakaaga naman
Tumayo ako binuksan ang pinto
"Dad, bakit?"
"The presentation is not yet finished, 6:00 am yung alis namin ni mommy mo"
"Oh"
"Tara na sa baba para matapos yon"
Antok na antok pa ako, sobrang aga
Bumaba kami sa hagdan habang nagpupunas ako ng mata at pahikab-hikab
Binigay na sa akin ni dad yung laptop
Binuksan ko iyon, at binuksan na rin yung presentation
"Ano pa ba gagawin dito?"
"Yung mga sinabi ko sa iyo kahapon, at meron pa akong mga pababago"
Itinuro niya lahat nung mga babaguhin, at isa-isa ko na yun binago.
Pagkalipas pa ng ilang minuto natapos na lahat
Tumingin ako sa orasan. 5:10, pwede pa akong matulog
"Ok, salamat Harry. Gagayak na kami ng mommy mo"
"Akyat na ko sa kwarto" sabi ko sabay tayo at dumeretso ko sa kwarto
6:00......
Dinilat ko ang mga mata ko habang nakahiga pa
Nakasikat na ang araw, tumayo na ko at gumayak
Pagkaupo ko sa upuan lumapit si yaya Lena "Sir Harry, kaaalis lang po ng mga magulang nyo, at tatawag na lang din po sila pag pauwi na, katulad po ng lagi nilang ginagawa"
Sinimulan ko ng kumain
Sa school.....
Bumaba ako sa kotse, at isinuot ko na ang hood ko
Pagpasok ko pa lang sa pinto ng classroom namin, grabe ang bigat ng atmospera, at lahat sila nakatingin sa akin
Naupo na ako at dumukmo na lang
"Uy, alam nyo bang nagagalit sa atin yung mga officers natin". Ford
YOU ARE READING
Mr. Silence. (Every story has Secrets)
Non-FictionThis is a story about Harry, a typical teenager, who seems doesn't care to his fellow students, friendship, and everything surrounds him in his school. Why he has gotten in, in that situation? And what will get him out, in that situation? Started:...