Harry's POV
Nakapasok na ko sa school at naglalakad na ko sa hallway na makita ko si Dyine at lumapit siya sakin
"Harry! Ang cute mo, uuummm.." sabi niya sa akin habang pinipisil yung pisngi ko
Umusog ako paatras "Ayokong ginaganyan yung pisngi ko" seryosong sabi ko sa kanya, at naglakad na ko papunta sa hagdan at di na ko sinundan ni Dyine
Umupo ako sa upuan ko at asusual ikinabit ko yung hood ko at yumuko.
Dumating na yung first teacher namin.
Nagpaactivity sa amin si Sir, ang gagawin namin magkakaroon kami ng partner at mag-uutusan kami, ako yung magiging amo at siya yung alipin at vice versa.
Nakapartner ko si Ellie, pero nakipagpalit din siya kaagad sa iba
"Hay, alam ko namang mangyayari yan sanay akong ayaw nilang makasama:(" sabi ko sa loob loob ko
"Harry magpapalit kami ni Angel ha" sabi sa akin ni Ellie, at napatango na lang ako, dahil alam kong mas prefer talaga nila yung iba kaysa sa akin.
Tumingin ako kay Angel, at nakita kong magkasalubong yung kilay niya na lumalapit sa akin. "Uy Angel, sino mauuna sa atin?" tanong ko sa kanya
"Ewan ko, kahit sino" sabi niya sa akin ng hindi nakatingin
Si Angel na yung pinauna kong maging master, haggang tatlo lang ang pwedeng iutos, at nahirapan ako sa isa dahil pinapahingi niya sa akin yung no. ni Pritz at nagkaklase sila.
Pagkatapos kong mahingi yung no. ni Pritz binigay ko na kay Angel at "Di ko siya crush, huwag kang mag-iisip" biglang sabi niya at nagtaka naman ako dahil wala naman akong sinasabi.
"Alam ko" sabi ko sa kanya
At tumingin siya na magkasalubong ulit ang kilay, hindi ko alam kung nagtataka o naiinis siya.
"Ginawa ko na kasi yan dati" pagpapaliwanag ko sa kanya
"Alam ko" sagot niya na parang may halong inis
"Alam mo?"
"Ayoko ng ulit ulit" inis na sabi niya
Pano niya nalaman yon? di kaya nabanggit ko sa kanya yon dati?Pero ba't kaya siya naiinis sa akin,halos lahat naman sila eh, pero sa lahat ng mga kaklase ko siya yung pinakaiwas sa akin, wala naman akong ginawa sa kanya, ang bait ko nga sa kanya non eh.....
Flashback(1st week of 1st year highschool)
Unang araw ng klase, meron na kami kaagad na kaklaseng absent.
"Hmmm... Sino kayo yon ba't absent naman agad siya?" pagtataka ko sa sarili ko
Kinabukasan.....
Habang nakikipag-usap ako sa mga kaklase ko may pumasok na bago yung itsura, muka siyang tahimik at laging seryoso... "Kausapin ko siya mamayang recess" sabi ko sa sarili ko
Recess....
Lumapit ako sa bago naming kaklase
"Uy" sabi ko sa kanya at inabot ko yung kamay ko "Harry"sabi ko habang nakangiti sa kanya
"Angel" sabi niya sa akin ng seryoso at di niya ako kinamayan. Medyo napahiya ako 😢
"Ahh, Angel bibili ko ng recess ko gusto mong sumabay?" yaya ko sa kanya
"Meron akong dala, kaya di na ko baba" sabi niya ng di man lang tumitingin. Napakalamig naman pala nito😓.
Hinatak ko yung upuan at umupo ako sa harap niya "O sige di na rin ako baba, ang tahimik mo kasi, ayokong meron akong kaklase na nasa sulok lang at napagiiwanan" sabi ko habang nakangiti😊
Tuwing recess at lunch lagi kong nilalapitan si Angel kasi ang tahimik niya, at unti-unti naman nagiging kabiruan ko na siya.
"Uy, Angel!" sabi ko habang papalapit sa kanya at umupo ulit ako sa harap niya
"O bakit Harry?" tanong niya
"Wala lang, trip ko lang tawagin ka, hahaha" nakangiting sabi ko sa kanya
"Baliw" sabi niya sa akin habang tumatawa ng kaunti, as in konti
"Harry, o gusto mo?" sabi niya habang inaalok yung tsitsiryang inaabot niya sa akin. "Wow naman, Thank you Angel" sabi ko
Lagi kong inaalok ni Angel ng mga dala niyang pagkain, at nahihiya kong tanggihan siya, saka ako lang kasi yung nakakabiruan niya dahil ako lang yung lumalapit sa kanya. Masyado kasi siyang tahimik, and unapproachable siya, kaya di siya nalalapitan ng mga kaklase namin, nagpapasalamat nga ako at nakikipagbiruan siya sa akin😊
End of the flashback
Angel's POV
Hayyy ayoko talagang napapalapit kay Harry, naiinis lang ako.
"Bakit ba kasi sa kanya pa" inis na sabi ko. Di ko naman masisi yung sarili ko, siya kasi eh, kainis 😒
"Angel" sabay lapit sa akin ni Harry
"Ano ba sunod ka ng sunod" iritang sabi ko sa kanya
"Eh kasi, may isa ka pang utos sa akin eh. Sabihin mo na para ako naman yung mag-uutos" sabi niya sa akin ng malumanay
"Oo na mag-iisip na ko, usog ka don ng konti para makapag-isip ako" sabi ko sa kanya
Harry's POV
Ba't ba ganon lagi si Angel sa akin laging mainit ulo sa akin, kagaya lang siya ng isa kong kaklase kung kainisan ako parang may mabigat na ginawa ako sa kanila, di man lang nila naaapreciate yung ginawa ko sa kanila dati.
At huminga ko ng malalim...
YOU ARE READING
Mr. Silence. (Every story has Secrets)
Non-FictionThis is a story about Harry, a typical teenager, who seems doesn't care to his fellow students, friendship, and everything surrounds him in his school. Why he has gotten in, in that situation? And what will get him out, in that situation? Started:...