21. The Gap

19 1 0
                                    

Ang hirap kung pakiramdam mo may namamagitan sa inyo ng isang tao na hindi mo alam kung ano. At ang masama ang bagay na iyon ang naghihiwalay sa inyo.

Harry's POV

Lumabas na yung teacher namin sa Values Education. At masaya yung mga kaklase ko dahil recess na.

Halos naglabasan na ang mga kaklase ko at lumabas na rin ako.

Paglabas ko saktong papasok na si Abigail sa room nila. Kinawayan niya ako habang nakangiti.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang pumasok siya sa pinto

Naupo ako sa bench at ikinabit ang hood. Naririnig ko yung bawat kwentuhan, halakhakan ng bawat istudyanteng nagkwekwentuhan.

Napaisip ako. Kailan ko ba huling nagawa yan?

Mamaya-maya masyadong naging maingay kaya tumayo na ko para pumasok sa room.

Nang matapat ako sa pintuan ng Grade 9 biglang may lumabas at nabangga ako.

Nang makita kong matutumba na siya hinawakan ko yung kamay niya at sinapo siya sa likod, kaya lang natapon yung inumin niya sa blouse niya.

Nang makita ko yung mukha niya, nakita kong si Dyine pala yon.

Dali-daling tumayo si Dyine at pinunasan yung damit niya habang nakayuko

"Ahhhhmmm... sorry Harry, saka salamat din" parang nahihiyang sabi niya, at di rin siya nakatingin.

Dali-dali siyang bumaba sa hagdan.

Baka pupunta siyang Comfort room para maglinis.

Pumasok ako sa room para may kuwanin at lumabas din ako at pumunta sa tapat ng pintuan ng Comfort room ng girls.

Nakasandal ako sa pader ng lumabas si Dyine, at mukang nagulat ito

"Harry, ba't nandito ka? Sorry talaga kanina di ko sinasadya"

Inabot ko sa kanya ang isang T-shirt

"Ano to?" tanong niya sa akin

"T-shirt ko yan. Magpalit ka ng damit mo" walang emosyon na sabi ko sa kanya

"Di ok lang ako"

Nakaangat pa rin yung kamay ko na may hawak ng T-shirt

"O Sige. Thank you" sabi niya sa akin saka kinuwa yung damit at bumalik sa Comfort room.

Pagkapasok niya umakyat na ko sa taas at pumasok sa room. Nadatnan ko yung iba kong kaklaseng busy sa paggawa ng project namin sa Art.

Buti tapos na ko diyan di ko na kailangang gumahol

"Sino may Color Pencil diyan? Peram naman ako" sigaw ni Thristan

Hinanap ko yung Color Pencil sa bag ko, pero nagdadalawang isip akong ibigay, baka di lang nya din kasi kuwanin

"Uy Classmates, sinong meron?" sabi ulit ni Thristan dahil walang nagsasalita

Mr. Silence. (Every story has Secrets)Where stories live. Discover now