Golden rule: Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo
Golden rule totoo ito at naniniwala ako rito, pero meron akong isang tanong. Kung si Person 1 gumawa ng masama edi gagawan din siya ng masama ni Person 2 na ibang tao naman, sa future ba si Person 2 gagawan din ng masama?
In short, Chain reaction ba ang Golden rule?
Harry's POV
Malapit na ako sa room namin at nakita kong ginagawa nila Bruce yung pinto gamit ang martilyo at pako.
Pumasok na ko at naupo sa upuan ko.
Mga 5 minuto pa yung lumipas nagawa na nila yung pinto at naisasara na ng mabuti.Ilang saglit pa, bumukas yung pinto at pumasok si Sir kaya sabay-sabay kaming bumati. Values Education, ang subject namin
"Ok Class, who can give me a quote or motto connected to our subject? Anyone?"
Sabi ni Sir habang sinusulat ang salitang Motto sa board
Nagtaad ng kamay si Ford
"Yes Ford"
Tumayo si Ford. "Golden Rule. Huwag mong gawin sa iba, ang ayaw mong gawin sa iyo" bago umupo si Ford sumaglit pa ng sulyap sa akin, na para bagang pinagdidiinan niya sa akin yung Golden Rule.
Makapaghusga at makatingin ano, sa akin lang applicable yon.
Chain reaction kaya yung Golden rule?
Lagi kong naiisip yung tanong na yan, di ko alam kung gusto kong gantihan ng golden rule si Ford kaya ko naiisip yon o may iba pang dahilan, pero I wish mangyari nga
"Thank you Ford, A very good example of Motto or quote. Sa Golden Rule..."
Ginuhitan ni Sir Yung Golden rule sa board na sinulat na niya
....laging may kinalaman sa nagawa mo o ginawa dati"
Nag-isip ako sa sinabi ni Sir
Ano-ano nga ba yung nagawa ko dati?
Flashback
Grade 7
Tumayo ako sa kinauupuan ko at humarap kay Ford na kasalukuyang nakaupo
Tiningnan ko siya na magkasalubong ang kilay "Hoy Ford. hindi namin ginaya ni Thristan yung idea nyo na pastillas, napanood ko rin yon......
(nakatahimik ang lahat at nakatingin lang sa aming dalawa ni Ford)...... di porket magkaparehas ginaya agad, tapos parinig ka pa ng parinig na, ginyanya nyila, e yamin yon, wayang oryiginyanyity. Nagpipigil lang talaga ko kanina pa e napuno muna mo na ko. Bago ka nga dumaldal ng dumaldal diyan alamin mo muna yung sasabihin mo, nakakainis kasi. Di mo naman alam talaga yung totoo salita ka ng salita. Alam mo ba lahat?kayo lagi unang nakakaisip?Kayo lang may karapatang magbenta na ganyan?ba't di ka magsalita? Ano?Naintindihan mo ba?" sabi ko sa kanya ng dirediretso at sa galit na tonoNakatahimik pa rin ang lahat pati si Ford at still pa ring nakayuko
Grade 8 (August)
"Sinong unang magsasalita para kay Ms. President Jinn?" sabi ng teacher namin
Nagtaas ako ng kamay
"Sige Harry"
Tumayo ako "Sir magbabawal po siya sa amin, tapos siya yung gagawa nung sinabi niyang bawal. Siya po yung madalas maingay na dapat naman hindi. At galit po pag di ka na nagpabawal" tumingin ako kay Jinn bago umupo at nakatingin lang siya sa baba at napansin ko na unti-unti ng nabubuo yung luha sa gilid ng mata niya
(pagkatapos ng pag-uusap)
Sinabayan ako ng mga kaklase kong lalaki sa paglabas ng room at si Jinn na lang ang naiwan, huminto ako sa gilid niya
"Ilang porsyento pa lang yun" sabi ko sa kanya
Napansin ko na unti-unti ng tutulo ang luha niya bago kami lumabas at maiwan na lang siyang mag-isa
.....Grade 8 (September)
"Ok Class, magpractice na kayo ng play. Group leaders galingan nyo"
Kasama ko sa group si Ford at siya rin ang leader namin.
Lumabas na kami sa room at nagpractice. Paglabas na paglabas pa lang tinanong ko yung mga ka-members ko kung ano gusto nilang role, at tinuruan ko na sila sa gagawin at si Ford naupo sa gilid, at hanggang matapos yung practice.
Kung baga parang ako na naging leader
End of the flashback
.....kaya tandaan natin ang Golden rule" patuloy na nagsasalita si Sir
Marami nga akong nagawa dati na di maganda, pero di lang ako ang nakagawa para idiin nila ngayon sa Golden Rule, especially Ford.
Tumingin ako kay Ford, at nakita kong naguusap sila-silang magkakaibigan, at nagsalita siya ng "E Bakit, dapat lang sa kanya yon"
Alam nyo yung pakiramdam na alam mong ikaw yung pinapatamaan pero di mo pwedeng ipakita na tinatamaan ka, medyo mahirap.
Tumayo si Ford mula sa grupo nila at lumapit kay Thristan na medyo malapit-lapit sa akin. Umupo si Ford sa tabi niya
Nag-usap sila ng mga movies, malapit sila kaya medyo naririnig ko. Nahinto sila sa pag-uusap at pagkalipas ng halos 1 minuto nagtanong si Ford
"Thristan bakit ka nainis sa kanya?"
"ala lang naiinis kasi ko sa kanya noon, tapos ano na, nagtuloy-tuloy na" walang emotion na binanggit iyon ni Thristan
Dumukmo ako at kinabit ang hood. Di ko alam bakit ganyan si Ford, ang naaalala ko sa kanya naranasan na niyang hanapin ang lugar niya sa loob ng class room noon, pero parang wala siyang natutunan naman, nagtanong pa talaga sa isa sa mga kaklase ko ha.😠
Oo alam ko na, I experiencing the consequences of Golden rule, pero di lang ako, at walang exemption sa Golden Rule, kaya I wish ready lang sila....
YOU ARE READING
Mr. Silence. (Every story has Secrets)
NonfiksiThis is a story about Harry, a typical teenager, who seems doesn't care to his fellow students, friendship, and everything surrounds him in his school. Why he has gotten in, in that situation? And what will get him out, in that situation? Started:...