1. A "normal" class day

100 5 2
                                    

Harry's POV

"Eto na malapit na ko sa pinto" ang sabi ko sa sarili ko. Lagi akong nakakaramdam ng takot sa bawat metrong nababawas sa pagitan ko at sa mga kaklase ko, sa kadahilanang hindi ko alam, araw-araw akong nakikipaglaban sa takot ko para makapasok lang sa school.

Pagbukas ko ng pinto, nakatahimik ang lahat ng mga kaklase kong nadatnan ko. Yumuko ako at naupo sa upuan ko na pinakamalapit sa pinto, dumukmo ako sa desk at tinakpan ko yung ulo ko ng hood ng jacket ko, lagi akong nakasuot ng jacket na may hood, ng lagi kong natatakpan yung ulo at muka ko

"Oy, Sharie nasan na yung assignment mo pakopya ko, kanina ko pa hinihiram sayo yon eh" sabi ni Ford (Ford Santiago)

Si Sharie(Sharie Guazon) yung 2nd sa class at siya yung naaasahan ng mga kaklase naming walang assignment. Si Ford, siya naman yung kwela at prankang kaklase namin at laging patawa.

Lagi lang akong tahimik sa klase kaya lahat halos ng pinaguusapan nila naririnig ko, at alam kong hindi talaga yung assignment yung pinaguusapan nila kanina nung dumating ako, alam kong tungkol sa akin ang usapan nila kanina, kaya nagkaroon ng katahimikan ng dumating ako

Bumukas yung pinto at pumasok si Thristan(Thristan Jalperes), napatingin siya sa akin dahil pinakamalapit ako sa pinto, tiningnan niya ako ng masama at dumeretso sa upuan niya.

Pero di ako apektado sa araw-araw na pagtingin niya sa akin ng masama, because I program myself to become immuned sa mga tingin niya.

Lumapit si Thristan kay Carl(Carl Omiendo), si Carl yung 1st sa klase namin, at lagi silang magkasama ni Thristan. Bumulong si Carl kay Thristan habang nakatingin sa akin, at alam ko na ang topic tungkol sa akin. Sanay na ko kay Carl sa mga bulong-bulong niya, kaya kahit ilang beses pa siyang bumulong wala akong pake.

Lumapit si Angel(Angel Roque) kay Thristan, si Angel siya yung kaklase namin na kagaya ko rin na tahimik.

"Thristan candy oh" sabi ni Angel kay Thristan

"Uy thank you Angel, ang bait-bait talaga ni Angel" sabi ni Thristan habang nakangiti

"Angel! May candy ka pa" sabi ko kay Angel

Nawala yung ngiti ni Angel nung pagkatawag ko sa kanya "Wala na" sabi sa akin ni Angel

"Umm... As usual naman pag dating sa akin wala na" sabi ko sa sarili ko

.....

Dumating na ang unang teacher ngayong araw, at sa kalagitnaan ng klase bumukas ulit yung pinto, at dumating si Brix(Brix Enrique)

"Uy Harry, kanina pa si Ma'am?" tanong sa akin ni Brix

"Oo kanina pa" sagot ko sa tanong niya

"ah, hahaha 😁. Napasarap kasi yung tulog ko" sabi niya sakin habang tumatawa

"ahh..." sabi ko

"Mr. Brix, late ka na dumadaldal ka pa!" sigaw ni Ma'am kay Brix

Sabay siko sakin ni Brix habang nagpipigil ng tawa, at ako naman walang reaksyon sa ginawa niya. Si Brix yung kaklase namin na matapang, kaibigan siya ni Lanze(Lanze Valeros), si Brix lang din ang kumakausap sakin ng nakangiti sa mga kaklase ko, pero I'm not recognizing him as my friend.

Recess....

"Allyson tara baba na tayo bago tayo maubusan" pagyaya ni Merlyn(Merlyn Cuenco) kay Allyson. Si Merlyn at Allyson(Allyson Draze) ay laging magkadikit sa isa't isa at parehas din silang matapang.

Tuwing recess laging magkasama ang mga magkakaibigan para bumili at magkwentuhan sa baba, pero iba yata yung kwento ko sa iba. Araw-araw akong bumababa tuwing recess ng mag-isa, at ok lang sa akin yon dahil di ko kailangan ng isa pang tao para tulungan akong bumaba at bumili.

Lunch.....

"Lunch na kukuwanin ko na yung pagkain ko para makapagreview pa" sabi ko sa sarili ko. Pagkakuwa ko ng lunch ko at pumasok ulit sa kwarto nakita ko yung mga kaklase kong kumakain ng nakapaikot.

I don't even think to come and join them, mas gusto kong kumain dito sa sarili kong upuan ng magisa.

Uwian.....

Pababa ako sa hagdan ng nakita kong nagkakantahan yung grupo ng mga magkakaibigang lalaki na kaklase ko, masaya silang bumaba sa hagdan at halatang exited sa uwian, at ako mas gusto kong bumaba ng walang hinihintay at pinaghihintay

Nilagay ko yung bag ko sa canteen at naglakad papunta sa likod

I have learned how to handle my whole day with myself only. Sanay na rin akong hindi nakikipag-usap o nakikisalamuha sa kapwa ko estudyante, at gusto ko kung ano ang sitwasyon ko ngayon. Ito yung mga salitang tumatakbo sa isip ko habang naglalakad ako papunta sa likod hanggang sa pag-upo ko sa bench.

Nakaupo lang ako sa kinauupuan ko ng buong uwian hanggang sa suduin ako ng driver namin......

(a/n: hi po salamat po sa lahat ng pumili at nagbasa ng kwentong ito, I hope maenjoy nyo po yung pagbabasa. Don't forget to vote po 😊)

Mr. Silence. (Every story has Secrets)Where stories live. Discover now