5. 4th month of Class (Class in Filipino)

29 5 0
                                    

Harry's POV

Nakasakay na ko sa kotse papunta sa school... Mamaya may nakita akong sign, nakalagay sa sign "True Friend", "True friend ha" sabi ko sa sarili ko. Bigla kong naalala yung topic namin noon sa Filipino....

Flashback (2 months earlier, September)

"Good morning class" sabi ng teacher namin sa Filipino

" ok Class, ang topic natin ngayon ay K-A-I-B-I-G-A-N" sinulat ni Ma-am sa board yung salitang kaibigan

" sino makapagbibigay ng ibigsabihin niya sa kaibigan?" tanong ni ma'am

Nagtaas ng kamay si Allyson at tumayo "Kaibigan po yung lagi mong kasama pag may problema ka, masasabi mo sa kanya yung mga problema mo, mabibigyan ka ng advice"

"O sino pa? O sige ikaw Ford" sabay turo ni ma'am kay Ford

Tumayo si Ford " Ahmmm, Ang True Friend ma'am, siya yung handa niyang samahan ka sa up and down ng buhay mo di siya takot na masaktan kasama mo at gusto niya rin na kasama ka pag masaya siya, yun po"

Nakaupo lang ako at nakahood, at nakadukmo ng konti habang nakikinig saka ako tinawag ni Ma'am "Ikaw Harry, para sayo ano ang tunay na kaibigan?"

Tumayo ako "Ma'am, tunay na kaibigan,.... Tunay na kaibigan ay tanggap niya po kung ano ka at handang tulungan ka" sabay upo ko nalulungkot na ko dahil naaalala ko si....

"Ok Class, may kanya kanya tayong meaning ng salitang kaibigan tama lahat ng mga sinabi ninyo."

Nagdiscuss si Ma'am ng kwento tungkol sa kaibigan, at may tinanong siya ulit sa amin

"anong gagawin mo pag may tao kayong kinaiinisan?

Lahat tahimik, parang lahat nagiisip, ako naramramdaman ko yung tibok ng puso ko naririnig ko bawat pagtibok nito, di ko alam kung dahil natatakot ako sa kung anong sasabihin nila o dahil sa kadahilanang hindi ko alam.

Nagtaas ng kamay si Ford " it depends po sa tao, kung handa po siyang makinig o hindi, pero ma'am sa tingin ko po hindi yata eh"

Nagtaas ng kamay si Catie. Tinaklob ko yung hood sa ulo ko at dumukmo sa desk. " ma'am pano po kasi siya na po yung nakagawa ng masama siya pa galit nagsorry naman ma'am kaso pilit po" naiinis na sabi ni Catie

Alam kong ako yung pinapatamaan nila, pero sana nalaman muna nila yung dahilan, sana nagtanong muna sila, di naman ako makalapit sa kanila dahil alam kong lalayo sila pag lumapit ako o kaya may sabihin sila ng ikasasakit ko at takot akong mangyari yon.

Dinugtungan pa ni Ford "Ma'am isip-bata pa po kasi eh"

"isip-bata pa po kasi eh"
"isip-bata pa po kasi eh"
"isip-bata pa po kasi eh"

Parang nagflaflashback sa utak ko yung sinabi niya.
Napapikit ako sa sinabi ni Ford. Alam ba nila whole story ng buhay ko para husgahan nila ko ng ganoon husgahan niya ako, lahat ng tao nagkakamali, lahat ng tao may good and bad side, nasa tao na lang kung saan sila titingin

Tumagos sa puso ko yung sinabi ni Ford parang humiwa ng malalim na sugat lahat ng sinabi nila, di nila alam kung gaano sila nakakasakit ng tao, may damdamin din ako.

Pina dismiss na ni ma'am yung klase para mag-recess na kami. Ako bumaba ako na napakatamlay at bumababa ako sa hagdan na nakadikit ang balikat sa pader, dama ko pa rin at parang naririnig ko pa rin lahat ng sinabi nila

"sana inalam nila...."sabi ko sa sarili ko

At may tumapik sa likod ko, tinapik pala ako ni ma'am at ngumiti

Sa tingin ko alam na ni ma'am kung sino tinutukoy nila, ano kaya iniisip ni ma'am?

....Present

"Sir Harry nandito na po tayo sa school, ang lalim nanaman po ng iniisip ninyo" sabi sa akin ni kuya Dave

Tumingin ako sa kanya. Sinuot ko yung hood ko at bumaba sa kotse at naglakad papasok sa school

Habang paakyat ako sa hagdan naalala ko kung saan banda ako tinapik ni ma'am sa hagdanan. Pagpasok ko sa room nagkaroon na naman ng katahimikan at meron pang nakatingin sa akin.
"hmmm, sanay na ko" sabi ko sa sarili ko sabay dukmo ko sa desk at binaba pa ng konti yung hood ko sakto para hindi makita ang muka ko.

Narinig ko yung boses ni Angel na may inaalok kay Thristan at may pumasok sa isip ko....

Minsan maganda na rin ang tahimik.........makakaiwas ka sa panghuhusga ng iba.....

(Don't forget to vote po 😊)

Mr. Silence. (Every story has Secrets)Where stories live. Discover now